Four

47 13 17
                                    

"Sy!" Tawag sa akin ni Kuya Rave kaya bumaba ako saglit.

"Bakit, Kuya?" Tanong ko at lumapit sa kaniya.

"May naghahanap sa 'yo tapos kay Fern ba 'yon?" Hindi siguradong sabi niya, umakyat ako ulit para tawagin si Fern.

"Fern, may naghahanap daw sa 'yo," sabi ko kaya kumunot ang noo niya at sumunod sa akin pababa.

"Sino ba 'yon, Kuya?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya kaya lumabas na ako para tignan.

"Sino ba 'ya—bakit ka nandito?" Taas kilay na tanong ko sa lalaking tumisod sa akin kanina.

Ano naman ginagawa niya rito? Naiirata ako sa pagmumukha niya letche.

"Fern, usap muna tayo?" Lapit ng medyo mestiso na lalaki kay Fern.

Medyo magkahawig din sila nung lalaking tumisod sa akin pero mas malaki lang ng ka-unti 'tong bwisit.

"Wala naman tayong pag-uusapan, e. Umuwi ka na lang sa inyo gagawa pa ako ng project 'di ba, Sy?" Tanong sa akin ni Fern kaya bumaling ako sa kaniya.

"Oo gagawa pa kami ng project kaya mauna na kaming dalawa, at ikaw lalaking tumisod sa akin wag ka na magpapakita sa'kin dahil baka matadyakan kita," sabi ko at hihilain na sana si Fern pero hinawakan ako nung letcheng lalaki na wala akong pakialam kung anong pangalan niya.

"Bitawan mo nga ako, hindi naman tayo close para hawakan mo ako," angal ko pero hindi niya binitawan ang braso ko.

"Mag-usap muna tayo, Des," pagmamakaawa nang lalaki kaya kumunot ang noo ko.

Nagpumiglas ako pero hindi pa rin niya ako binibitawan at masakit na ang braso ko, ang higpit ng hawak niya.

"Sino ka ba? Bakit mo ako hinihila? Hindi naman tayo close!" angal ko at umirap. 

"Ky, wala naman tayong pag-uusapan. Ikaw bitawan mo ang kaibigan ko gagawa pa kami ng project," galit na sabi ni Fern habang nakaturo sa lalaking may hawak sa akin.

Nagpumiglas na ako at sa wakas ay binitawan niya na ang braso ko kaya lumapit na ako kay Fern para pumasok na kami sa loob.

"'Wag mo na akong guluhin, Ky." Huling sinabi ni Fern bago ako hilain papasok sa bahay nila Reine.

Hindi na lang ako nag-salita at sumunod sa kaniya papasok sa kwarto ni Reine, nag-kunwari akong walang nangyari at tumabi na lang kay Maeve at nag-dikit-dikit.

"Sino 'yon?" Tanong ni Reine kaya tumingin ako kay Fern.

Wala naman ata siyang balak sumagot kaya ako na lang ang nag-salita "Wala, 'yung ano lang 'yon nag-deliver, ito kasi nilagay kong address," palusot ko at kumuha ng gunting para mag-cut ng colored papers.

"Ikaw, Fern? Sino 'yung naghahanap sa 'yo?" Tanong ni Maeve kaya napalunok si Fern.

"Si Ky lang 'yon." Sabi niya at tumayo. Lumalayo sa pinsan.

Nakita ko namang nagulat si Maeve at tumingin kay Fern, "Paano niya nalaman na nandito ka?" Takang tanong ni Maeve, nagkibit-balikat lang naman si Fern.

Nakatingin lang sa amin si Reine hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan kaya para siyang tanga na lilingon kung sino ang magsasalita.

"Sino si Ky?" Tanong ni Reine kaya pinandilatan ko siya ng mata, nagtatanong pa kasi.

"Wala, makulit lang 'yon hayaan niyo na," sabi ni Fern at tumawa ng peke, nahalata yata ni Reine kaya nanahimik na lang din siya at kumuha na rin ng pandikit.

Natahimik kaming apat, at may sari-sarili nang mundo, ginawa na lang namin ang project kaysa mag-chismisan.

Nakalahati na rin namin 'to bukas na lang daw namin itutuloy dahil masakit na raw ang kamay nila. Nagugutom din daw sila kaya inaya ako ni Fern na pumunta sa coffee shop nila.

"Sama kayo? Tara na," aya niya rin don sa dalawang nag-aayos ng mga gamit.

"Teka lang, aayusin ko lang 'to pagagalitan ako ni Daddy kapag magulo ang kwarto ko," sabi ni Reine at inayos na ang mga kalat namin.

Tinulungan na namin siya at sabay-sabay na kaming bumaba para pumunta sa coffee shop nila Fern.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Kuya Rave kaya huminto ako saglit para sagutin ang tanong niya.

"Diyan lang sa kabilang kanto Kuya, bibili lang kami ng kape," sabi ko at tumango-tango naman siya kaya naglakad na ako palapit kila Maeve.

Kumapit naman sa akin si Fern.

Na-una nang mag-lakad si Reine at Maeve mag-kahawak ang kamay.

Tinignan ko naman si Fern kinakabisado ang kilos niya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko kasi napansin kong medyo tumahimik siya simula nong nakita niya si Ky.

"Sa totoo lang hindi ako okay," sabi niya at tumawa, ginagawa niyang biro pero hindi naman biro.

"Hindi na kita tatanungin pero nandito lang ako, kung gusto mong sabihin, sabihin mo lang sa akin pero hindi kita pipilitin," sabi ko at nag-lakad na kasi kanina pa sumisigaw sila Maeve at Reine.

"Salamat, Sy." Sabi niya at ngumiti sa akin tinugunan ko rin ng isang ngiti 'yon at sabay na kaming nag-lakad.

Pumasok na kami sa coffee shop nila ‘Cafiero Café’.

"Welcome to Cafiero Café," nakangiting sabi ni Kuya Vaughn.

"Kuya Vaughn, 'yung dati sa'kin," sabi ko at na-upo malapit sa bintana.

"Gano'n din po sa'kin," sabi ni Reine.

"Iced tea sa'kin, Fern." Bulong ni Maeve kay Fern.

"Dalawa pong Iced tea." Sabi ni Fern at tumango naman si Kuya Vaughn.

Nag-kwentuhan lang kaming apat habang hinihintay ang order namin.

"Two Café latte and two Iced tea," sabi ni Kuya Vaughn at ngumiti sa amin.

"Thanks po," sabi namin at kinuha ang sari-sariling inumin.

Tumingin naman sa akin si Fern "Paano mo siya nakilala? Ikaw ha!" Sabi niya habang tumatawa.

"Issue, dito ako madalas tumambay kaya kilala ko siya," sabi ko at sumipsip.

May biglang pumasok at muntik ko pang maibuga ang iniinom ko buti na lang at nalunok ko na.

Biglang uminit ang dugo ko at gustong saktan 'yong lalaking kapapasok lang.

"Eli, dalian mo," sigaw ng kasama niya. Eli ka pala ha.

Bali tatlo sila 'yong dalawa naka-upo tapos si Eli na nag-tisod sa akin 'yong mag-oorder.

"Chill ka lang, Sy." Tawa ni Reine.

"Anong chill? Kanina pa ako naiinis sa lalaking 'yan," sabi ko at tumayo na pero hinawakan ako ni Maeve.

"Pagtripan na lang natin nang hindi niya nalalaman kung sino tayo," suggest ni Fern kaya na-upo ako ulit.

"Kilala mo ba 'yan?" Tanong ko at umiling lang siya.

"Pero ang alam ko pinsan 'yan ni Ky," sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

Kaya pala mag-kahawig sila ni Ky. Mag-pinsan pala.

Pero bakit nga ba nagagalit ako sa kaniya? Siguro dahilan 'to ng pabago-bagong emosyon na nararamdaman ko, nag-halo-halo na. Hindi ko na rin kasi maintindihan. Pati ako ay naguguluhan na.



_Zyd

Woman with beige skin Where stories live. Discover now