Three

51 14 23
                                    

"Akala ko ba may lagnat ka?" Tanong ko kay Fern.

"It was an excuse pero na-guilty kaagad ako kaya pumunta na lang ako" she shrugged.

Okay lang naman, ako nga hindi ko alam na may project talaga kami dahil nag-palusot lang naman ako kay Mommy.

Buryong-buryo na kasi ako sa bahay at naiinis talaga ako kay Kuya Ry dahil lagi na lang akong pinagtritripan.

"Anong apelyido mo?" Tanong ko kay Fern dahil wala akong magawa. Bored na bored na ba?

Hindi naman talaga ako madaldal e. Nabibingi lang ako sa sobrang tahimik.

"Cafiero. I'm Desirae Fern V. Cafiero," sabi niya at nag-pose pa.

Ganda niya talaga, sana all na lang.

"Cafiero? Nagtitinda kayo ng kape? May coffee shop kayo?" Hindi nag-iisip na tanong ko.

Tumawa lang naman silang dalawa sa sinabi ko, may nakakatawa ba?

"Yeah. We have a coffee shop. Daan ka sa susunod ililibre kita," sabi niya kaya ngumiti ako.

"Sure. Saan ba?" Tanong ko. Ang kapal ata ng mukha ko ngayon?

"Diyan lang sa kabilang kanto," sabi niya kaya umawang ang bibig ko. I know that place.

"Sa inyo 'yon?" Tanong ko at tumango naman siya.

Sabi ko na familiar 'yung apelyido niya, 'yun pala 'yong coffee shop na paborito kong pag-bilhan.

"Ikaw Maeve anong apelyido mo? Baka naman nagtitinda ka ng tinapay? May bakery kayo?" Inunahan ko na siya ka-agad pero tinawanan niya lang ako.

"Wala kaming bakery, I'm Maeve Alexia E. Vael," sabi niya kaya may naisip nanaman akong kabulatawan. Ewan ko ba pero feeling ko ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag ka-usap sila. Reminding me of some memories I treasured.

"Maeve Alexia E. Vael, M.A.E.V. kulang pa ng E dapat mapangasawa mo E ang apelyido para kumpleto na 'yung Maeve," sabi ko at tumawa naman si Fern habang si Maeve nanlaki ang mata.

"No—oh! 'Wag ka ngang ganyan mag-isip, Sy!" Medyo namumula pisngi niya kaya mas tumawa si Fern.

Ayaw niyo ba 'yung joke ko?

Bakit ang tagal naman ni Reine? Nahimatay na ata? Na-sobrahan na sa kwento 'yon.

"Tara sa baba," aya ko at sumunod naman sila.

"Ikaw, Sy anong buong pangalan mo?" Tanong nila sa akin habang naglalakad kami.

"Sylene Rhea A. Inson." Sabi ko kaya lumingon silang dalawa sa akin at parang may gusto pang itanong kaya huminto ako sa pag-lakad.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"May kilala kang Seaves Ryker Inson?" Tanong nila at tumango naman ako. Wow ha, buong-buo.

"Kuya ko 'yon, ayon oh! Si Kuya Ry!" Sabi ko at tinuro sila Kuya na nakaupo sa sofa habang kumakain.

Hindi man lang sila nag-tawag. Kumakain na pala sila rito.

"Bakit niyo ba na-itanong?" Baling ko sa kanilang dalawa.

Bigla namang pinagpawisan si Maeve kaya kinabahan ako. "Wala 'yon crush lang siya ng Ate ko at lagi niya lang nababanggit," mahinang sabi ni Maeve na parang ayaw iparinig sa iba.

Tinawanan ko naman siya at naglakad na ulit, "Sabihin mo sa Ate mo wala siyang mapapala sa Kuya ko, asar kaya 'yan," sabi ko at umakbay kay Kuya Ry.

"Kuya pangit ka pa rin ba?" Tanong ko kay Kuya Ry kaya tinignan niya ako ng masama.

"Kayong dalawa, 'wag kayong mag-away dito," saway sa amin ni Kuya Rave kaya nanahimik na ako.

Woman with beige skin Where stories live. Discover now