Six

42 10 17
                                    

"Saan punta mo, Sistah?" Tanong ni Kuya Ry kaya itinuro ko ang labas ng bahay at nakita niya si Reine.

Nag-lakad na ako at binuksan ang gate ng bahay namin, "Pasok ka na," sabi ko at sumunod naman si Reine sa akin.

"Good morning, Tita." Sigaw ni Reine kaya tinapik ko siya ng mahina, tumingin naman si Mommy sa amin at ngumiti dahil nag-luluto pa lang siya ng ulam.

"Good morning, Reine, upo ka muna," sabi ni mommy kaya tumango si Reine.

May nag-doorbell kaya lumabas na ako dahil alam kong sila Maeve na 'yon.

Binuksan ko na ang gate at bumungad sa akin si Maeve at Fern na nag-aasaran, "Pasok kayo," sabi ko at sumunod naman sila sa akin.

"Mommy, mga kaibigan ko," sabi ko kay Mommy kaya gulat siyang tumingin sa akin, kasi ngayon lang naman ako magpapakilala ng kaibigan.

"Hello, girls, upo lang muna kayo," sabi ni Mommy.

"Mommy, sa taas muna po kami," sabi ko at tumango naman si mommy.

"Ang cute ng kulay, puro blue," sabi ni Fern pag-kapasok sa kwarto ko.

Si Reine humiga kaagad sa kama ko, si Maeve naman tinignan mga libro ko, si Fern naman sinindi ang tv at na-upo sa couch.

Kinuha ko ang laptop ko na nakalagay sa desk at nag-search. Lumapit naman sa akin si Fern.

Lumapit din sa amin si Reine at tumabi sa akin, "Ano na pangalan niya?" Tanong ko kasi hindi ko maalala.

Tumingin naman sa akin si Reine at tumawa, "Sure kang 'di mo alam? Baka nga kagabi mo pa ini-stalk," sabi ni Reine kaya tinignan ko siya ng masama, "Mukha bang may pakialam ako sa pangalan niya?" Inis na tanong ko kaya nanahimik na lang si Reine.

Lumapit na rin sa amin si Maeve, "Elian Huxley De—" Fern cut her off.

"Let me search it for you," sabi niya at ibinigay ko naman ang laptop ko.

"Pa-translate naman po, medyo dinugo ang ilong ko do'n," biro ni Reine.

"Ito tissue, Reine." Gatong naman ni Maeve, umiling-iling lang ako at bumaba para kumuha ng pagkain.

Lumapit ako kay Mommy, "Anong kailangan mo, Sy?" Tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kusina. "Kukuha lang akong foods, Mommy," sabi ko at tumango naman siya at kumuha pa ng mga baso at nag-timpla ng juice.

"Mauna ka nang umakyat ihahatid ko na lang 'tong juice," sabi ni Mommy kaya tumango ako at umakyat na.

Nakasalubong ko pa si Kuya Ry na kukuha sana sa mga pagkaing hawak ko kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Manguha ka sa baba, Kuya," sabi ko. "Ang damot mo." Sabi niya at dali-daling bumaba.

Pumasok na ako sa kwarto ko at inilapag ang mga pag-kain sa side table, lumapit naman kaagad do'n si Reine at kumuha agad ng chips, "Takaw mo," asar ko kay Reine.

"He is a consistent honor student, he has two older brother, 16 years old. His hobby is playing guitar. Ka-batch natin siya." Rinig kong pag-sasalita ni Fern.

"Tapos anong gagawin natin?" Bored na tanong ko habang nakatingin sa kisame.

Tumingin silang tatlo sa 'kin at nag-kibit-balikat, "Ewan." Sabi nilang tatlo kaya napabangon ako.

"Let's just forget everything about that guy and let's do our project," sabi ko at sumalampak sa sahig.

"So, hahayaan mo na lang 'yon?" Tanong ni Reine at tumango naman ako. "Sigurado naman akong 'di na kami magkikita kaya hayaan na natin siya, at isa pa I won't harm anyone just for my own sake. And I can't change what just happened. Let's be mature enough," sabi ko at ipinakita sakanila 'yong designs na ni-research ko kagabi.

"Girls," sabi ni Mommy at pumasok dala ang tray na may apat na baso at orange juice.

"Thank you po," sabi nilang tatlo at ngumiti kay Mommy.

"Sige, mauna na ako sa baba," sabi ni Mommy at ngumiti sa amin bago lumabas sa kwarto ko.

"Maganda 'tong design na 'to but," sabi ni Maeve. "But?" Tanong ni Fern.

"Pero kailangan nating baguhin 'yong iba," sabi ni Maeve kaya tumango kami.

Kinuha ko ang mga highlighter ko, every colors kasi binibili ko pero minsan ko lang gamitin at isang kulay lang ang dala ko lagi. Hindi naman kasi ako marunong, kung marunong lang ako'y hindi naka-tengga 'tong mga binili ko!

"Wow! Ang dami mong highlighter," lapit sa akin ni Fern. "Ako na bahala sa mga letters," sabi ni Fern kaya tumango kaming tatlo.

"Let me work for the designs," sabi naman ni Maeve. "I will do the researching," sabi ni Reine. "I'll do the speech," sabi ko.

Nag-isip na ako ng mga sasabihin ko kapag nag-report na kami, nag-isip din ako ng mga pwede nilang itanong sa amin. Natapos ko na ring isulat mga pwede kong sabihin lumapit na ako kay Maeve para tumulong mag-dikit at mag-gunting.

"Pabasa nga ako," sabi ni Fern kaya inabot ko 'yong papel na hawak ko. "Ganda naman ng sulat," sabi niya kaya tumawa si Reine, "Sana all 'di ba? Pero maganda rin sulat mo Fern, marunong ka pang mag-calligraphy kaya sana all ulit," sabi ni Reine habang tumatawa.

Tumayo ako para mag-patugtog, "Oh, baby I got chills🎶 " kanta ko kaya tumingin si Maeve at Fern sa akin, nahiya ako bigla kaya bumalik na lang ako at nanahimik.

"You're good at singing pala," sabi ni Maeve, hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ngumiti lang ako ng ka-unti.

"Bagay sila 'no?" Bulong ni Fern kay Reine, "Medyo," maikling sabi ni Reine, hindi ko naman alam ang pinaguusapan nila kaya nag-dikit na lang ako ulit.

"Marunong kang sumayaw?" Tanong ni Maeve kaya umiling ako kaagad.

"Hindi ako magaling sumayaw, pero si Reine magaling." Sabi ko kaya tinignan ako ni Reine na para bang may sinabi akong masama, well in fact I'm just saying the truth.

"Good 'yon," sabi ni Maeve at ngumiti sa amin, ano kayang iniisip niya?

"Sy, bumaba ka muna daw," sabi ni Kuya Rave kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko pero umalis na siya, sumunod na lang ako pababa.

"May naghahanap sa 'yo, Sy." Sabi ni Mommy kaya lumabas ako para tignan kung sino 'yon.

Medyo nakabukas ang gate namin at may naaninag ako na lalaking nakatayo malapit sa mga halaman.

Sino kaya 'yon? Bakit kaya ako hinahanap?

Binuksan ko na ang gate namin at nakita si... "Anong ginagawa mo rito?" Inis na tanong ko habang nakataas ang kilay.

Hindi ko maitatangging naiinis pa rin ako. Pero kung kailangan kong magpakumbaba, why not? Siguro may kailangan pa akong ayusin para sa sarili ko? I'm not even perfect. I know that. I have flaws and imperfection, I get that, but still I'm trying to be as good as I can be. Kung kailangan kong intindihin muna bago mag-salita, o 'di go! Madali lang akong kausap.

Siguro nature ko na ring maging masungit para lumayo ang tao sa 'kin. And as much as possible I'll try to be more calm and understanting, if possible.


_Zyd

Woman with beige skin Where stories live. Discover now