𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒

2.5K 115 5
                                    

Natapos na kami sa aming pag kain. Lahat ng estudyante samin naka tingin. Sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon kung ang mga kasama ko ay magaganda at gwapo.

Madaming naka tingin kay Ma'am Sandoval. Maganda naman kasi talaga si Ma'am kaso ang sungit at ang lamig niya. Daig pa niya si Queen Elsa sa Frozen.

Sa kanilang lahat si Ma'am Sandoval ang nakaka angat. Sabay sabay kaming tumayo at nang malapit na kami sa labas ng cafeteria ng biglang may tumawag sakin.

Nakita ko si Mark,siya yung lalaking nag tanong sakin kung pwedeng manligaw sakin nung time ni Ma'am Sandoval.

"Oh hi" sabi ko ng may tipid na ngiti

"Gusto ko lang sanang tanungin if free kaba tonight? Gusto lang kitang yayain mag dinner" Tanong niya sakin ng may ngisi. Tsk bakit ba ang bibilis ng mga lalaki dito? Daig pa nila si flash eh!


Tumingin ako kay ate na nakataas ang kilay na naka tingin kay Mark. Napa tingin ako sa iba at iiling iling lang sila. Si Ma'am Sandoval naman ay seryosong naka tingin lang kay Mark.

"Ah eh --"

"Mr Dela Cruz" may diing pag putol sakin ni ate. "Pinopormahan mo ba yung kapatid ko?" Tanong niya kay Mark

"Kapatid niyo po siya Ma'am Marie?" Balik na tanong din niya kay ate. Hindi niya pala alam na kapatid ko tong masungit na to.

"Yes,and to answer your question earlier hindi siya free mamaya so if I were you sa iba na lang okay. Hindi siya katulad ng ibang babae na nag papadala sayo. At hindi ko din siya hahayaang makipag kita sayo mamaya o sa mga susunod na yayain mo siya,lalo nat kilalang kilala kita Mr Dela Cruz" mahabang linya ni ate. Hinawakan ko naman yung kamay niya para pakalmahin. Nakaka agaw na kasi kami ng atensyon sa mga taong nadidito sa cafeteria.

"Easy Ma'am Marie wala naman akong intensyong masama kay Gabriella" naka ngisi paring sabi ni Mark. Hindi padin ba siya natatakot kay ate? Ako yung natatakot sa kanya eh.

"Really? Eh sa pag mumuka mo palang muka kita na agad na may masama kang binabalak saking kapatid" may diing sabi ni ate. Galit na talaga siya

"Ma'am Marie relax kakain lang kami sa labas" natatawang sabi pa niya.

"Oh come on Mr Dela Cruz I know you well,so please stay.away.from.my.sister dahil pag nalaman laman kong may masamang nangyari kay Ella at ikaw ang dahilan mag kakamatayan tayo" galit na sabi ni ate.

"Ate calm down" bulong ko kay ate habang hawak hawak kopa yung kamay niya.

" I'm sorry Mark hindi kasi ako pwede mamaya eh" sabi ko na lamang kay Mark upang matapos na.

"Maybe next time?" Sabi niya na hinding hindi mawala yung ngisi niya sa kanyang labi. Sarap lang burahin yung ngisi niya.

"No,hindi siya pwede ngayon at lalong hindi siya pwede sa susunod" sabi naman ni ate.

"Ma'am Marie let Gabriella decide for herself" tawa tawang sabi pa ni Mark. Gosh hindi ba siya nakaka ramdam.

"I'm sorry Mark but hindi talaga pwede eh" sabi ko at hinila na si ate. Nang nag lalakad na kami ng bigla na naman siyang nag salita.

"Oh come on Gabriella,I know you want to go out with me too" sabi niya ng may malaking ngiti.

Lumapit ako sa kanya ng konti sabay sabing

"Seriously? Mark I don't have a fucking care about you okay so get lost" sabi ko na naiinis na. As if naman na gusto ko siyang makasama duh.

"Oh hard to get ah, I like it" sabi niya ng may nakaka lokong ngiti.

𝙈𝙮 𝙃𝙤𝙢𝙤𝙥𝙝𝙤𝙗𝙞𝙘 𝙋𝙧𝙤𝙛𝙚𝙨𝙨𝙤𝙧Where stories live. Discover now