"Sam,tara na ma la-late na tayo sa first class natin" ani ko kay Sam. Nandito kami sa cafeteria,kumakain (syempre,alangan naman mag tambling-tambling kami dito.)
Kuma-kain nga kami ngayon dito dahil di daw siya nag breakfast. Niyaya kona siyang pumasok sa first class namin dahil ilang minutes na lang ay ma la-late na kami. Kaso itong babaitang ito ang bagal-bagal kumain hays.
"Ano kaba Gab wag kangang atat. Syaka diba sabi ko naman sayo wala si Miss Guevara ngayon. So okay lang na ma-late tayo,pwede nga ding hindi na umattend eh" naka ngisi niyang sabi
Sabi ni Sam di daw a-attend si Miss Guevara sa klase namin ngayon. Narinig niya lang kasi na nag uusap si miss at yung isang teacher.
Kaya ngayon ang babaita hindi natatakot na ma-late ngayon. Tsk.
"Sam naman eh. Bilisan mona diyan. Paano kung yung narinig mo ay mali pala? Edi late tayo ngayon. Malalagot tayo niyan kay Miss Guevara eh" pag hihimutok kopa.
"Girl,easy lang hahaha" natatawang sabi niya. "Kung aatend man si ma'am sure akong di tayo pagagalotan okay? Alam mo naman na mabait si ma'am" dagdag pa niya.
"Kahit na Sam ano kaba. Syaka wag kangang abuso di porket mabait si ma'am eh lulubus-lubusin mona" pangaral kopa sa kanya.
Tsk tama naman diba. Di porket mabait yung tao eh aabusuhin mona.
Kaming dalawa lang ang mag kasama ngayon dahil si Nico ay may inaasikaso at yun ang di namin alam. Ewan ko sa baklang yun masyado nang nawawalan ng time samin amp.
Wait bat kung makapag reklamo ako parang jowa? Hahaha.
"Oo na,oo na" sabi niya. At sa wakas tapos na siyang kumain.
Umalis na kami sa cafeteria at nag lakad na papunta sa first subject which is kay miss Guevara nga. Late na kami ng 15 minutes. Bagal kasi neto eh.
Buti wala kaming class ngayon kay miss Vien. Ilang linggo na ang naka lipas simula nung may nag bigay sa kanya ng bulaklak. At nag simula nadin kami mag review para sa quiz bee.
Sa time ng klase at sa pag r-review na lang kami nag kakausap ni ma'am. If di related sa klase at sa pag r-review dina kami nag uusap. Well ganun naman talaga kami simula nung una pa lang pero sobra nga lang ngayon.
Kasi tulad ng sabi ko na iiwasan kona siya para sa ikabubuti ng puso ko. Sa nag daang linggo okay naman,walang masyadong ganap. Malamig at masungit padin siya.
Minsan nga iniisip ko na may galit talaga siya sakin eh. Paano ba naman laging ako yung tinatawag niya sa twing mag papa recite. At buti na lang talaga nag aadvance reading ako.
Hay diko alam kung anong problema niya saken.
Yung kapatid naman niya. Ayun saksakan ng kasungitan tulad ng ate niya. Argh yung mag kapatid ginagambala nila yung nanahimik kong buhay.
Si Victor na lagi akong sinusungitan. Di ko alam kung ano trip niya at ako yung target niyang sungitan. Kota na nga ako sa ate niya tas dadag-dag pa siya.
Si Mark naman, ayun patuloy padin ang pangungulit sakin hays. Di kona alam ang gagawin sa kanya.
Parang mas gusto kona tuloy umuwi sa dati naming probinsya. At least dun matiwasay buhay ko.
YOU ARE READING
𝙈𝙮 𝙃𝙤𝙢𝙤𝙥𝙝𝙤𝙗𝙞𝙘 𝙋𝙧𝙤𝙛𝙚𝙨𝙨𝙤𝙧
RomantizmGabriella Cindy, is a scholar student in Harvard University. Gab have a beauty and brain student, she also a kind and caring person. She's straight as a pole but what if she met her teacher in History, a HOMOPHOBIC PROFESSOR to be exact Vivienne is...