𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟖

2.3K 113 5
                                    

"Good morning everyone" bati samin ni Mrs Cabral. Head teacher siya dito sa university. Andito ako ngayon sa faculty na sinabi ni Ma'a- err Miss Vien kahapon. Andito lahat ng mag paparticiant,bawat year may tatlong mag paparticiant and isa nga ako sa napili ni Miss Vien. Speaking of Miss Vien naka upo siya ngayon sa bandang unahan,naka poker face siya at malamig na naka tingin sa unahan.

Naramdaman niya ata na may naka tingin sa kanya kaya lumingon siya sa may direksyon ko. Bigla naman akong namula at yumuko. Gosh nakaka hiya ka Gabriella.

Humarap lamang ako sa unahan ng mag salita ulit si Mrs Cabral.

"As you can see nandito kayo dahil sa sasalihan niyong Quiz Bee,malayo pa naman but sasabihin na agad namin sa inyo para makapag handa kayo and next week na sisimulan ang pag rereview niyo,dont worry may makakasama kayong isang teacher and tuwing friday ay mag sasama sama kayong tatlong participants kasama ang mentor niyo."  Mahabang saad ni Mrs Cabral.

"Any question?" Dagdag ulit ni Mrs Cabral.

Nag taas naman ng kamay itong katabi ko. "Mrs Cabral sino po yung makakasama namin na teacher?" Tanong nung katabi ko

Yan din nasa isip ko. Sino kaya sa teacher ang makaka sama ko sa pag r-reaview? Hays sana wag si Miss Vien. Don't get me wrong ah magaling naman siya mag turo kaso hindi kasi talaga ako mapa-kali pag alam kong andiyan lang siya sa tabi ko. And the same time nahihiya kasi ako sa kanya dahil nga sa nangyari samin nung isang araw. Di lang talaga ako comfortable pag nasa malapit siya and yung puso ko parang lalabas dahil s sobrang bilis,hindi ko alam kung bakit ganto yung puso ko sa tuwing nasa malapitan siya or tumitingin siya sakin.

"Oh to answer that your question. Ang magiging mentor ng first year ay sina Miss Camille,Miss Girly and Miss Sandoval" oh so sila palang mag kakaibigan ang magiging mentor ng first year. Sayang di kasama si ate:(

Nasabi na ni Mrs. Cabral yung magiging mentor ng bawat year at yung tatling teacher bawat year na lang daw ang bahala kung sino sa tatlong participants ang kanilang tuturuan.

Medyo naka hinga ako ng maluwag dahil alam kong hindi ako pipiliin ni Miss Vien. Nararamdaman kong medyo ayaw niya saken,siguro dahil naden sa aking mga pinag sasabi nung araw na yun.

Lumapit na samin sina Miss Vien. "So girls pipili kami ng aming tuturuan and tuwing mag papractice naman tayo ay sa mga office na lang namin kayo pumunta. And tuwing friday naman ay sa office na lang ni Miss V-

" Ma'am Sandoval." Malamig na pag putol ni Ma'am kay Miss Camille.

"Whatever,so yun nga sa office na lang ni Ma'am Sandoval pag friday na." sabi ulit ni miss Camille na may pag diin sa Ma'am Sandoval.

"Ano pili na tayo sa kanila para alam na nila kung saan sila pupuna next week." singit naman ni miss Girly at ngumiti sakin. Ngumiti din ako pabalik sa kanya,masayahin talaga si ma'am

Tumango naman ang dalawang teacher. "Miss Javier ikaw na lang yung tuturuan ko" Sabi ni Ma'am Camille. Lumapit naman yung Javier na tinutukoy ni ma'am,inferness maganda si ate at matangkad.

"Miss Monteclaro"
"Gabriella"

Biglang tawag naman sakin nina Miss Vien at Miss Girly. Omg sabay pa talaga sila? Nakita ko naman na napa ngisi si Ma'am Camille,hala baket?

"Ako na lang mag a-assist sa kan-" naputol ang sasabihin ni ma'am Girly dahil ni ma'am Sandoval.

"No." maotoridad na sabi ni ma'am Sandoval.

"Hindi Vien ako na lang dito kay Gab,kay miss Perez kana lang." sabi ulit ni Ma'am Girly.

"I said No." malamig na sabi ni ma'am Sandoval.

𝙈𝙮 𝙃𝙤𝙢𝙤𝙥𝙝𝙤𝙗𝙞𝙘 𝙋𝙧𝙤𝙛𝙚𝙨𝙨𝙤𝙧Where stories live. Discover now