𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓

2.5K 126 10
                                    

Mabilis lumipas ang mga linggo at ngayon nga ay pang tatlong linggo ko na sa Harvard University.

Lumipat nadin si ate samin. Protective padin naman si ate sakin pag dating sa mga lalaki pero hindi na yung katulad dati na sobrang dami niyang pinag babawal.

May mga naging kaibigan nadin ako sina  Samantha,Nicolo a.k.a Nica at si Dominic. Sila yung nasa unahan ko at si Dominic naman yung katabi ko sa klase ni Ma'am Sandoval.

Si Ma'am Sandoval naman ayun wala pading pinag bago. Malamig at masungit padin siya. Hindi ko nga alam kung may galit ba siya sakin,pano kasi palagi na lang ako yung sinusungitan niya,ako din lagi yung tinatawag niya pag may ipapasagot siya. Buti na lang talaga nag aadvance reading ako.

Naging Teacher ko din si ate sa isa sa mga subject ko. Nagulat nga ako nung pumasok siya sa room namin. Nag palit daw kasi sila nung dati kong teacher hindi ko lang alam kung bakit.

Ma'am Marie nadin ang tawag ko sa kanya dahil nga teacher kona siya. Syka kona daw siya tawaging ate kapag kami na lamang dalawa. May pag ka strikto din si ate pag dating sa klase. Lahat ay pantay-pantay ang tingin samin ni ate este Ma'am Marie,walang special treatment samin. Alam nadin ng iba na kapatid ko si Ma'am Marie.

Ngayon nga ay nag lalakad nako papunta sa una kong klase which is kay Ma'am Sandoval. Habang nag lalakad ako ng may nabunggo akong lalaki.

Nalaglag yung mga dala kong mga libro. Nakita ko naman na tinutukungan ako ni kuyang naka bangga sakin. Gentleman!.

Pag katapos kong kuhanin ang mga libro ay tumingala naman ako. Napa tulala na lang ako saking nasa harapan.

Gosh ang pogi naman niya!

Yung kanyang mga kilay na makakapal na bagay sa kanya,mga pilik mata niyang kay hahaba at mapipilantik tapos yung mga mata niya na kulay tsokolate tas yung ilong niya na matatangos. At ang kanyang mga labi na may katamtamang pula. Gosh sobrang pogi niya

Kaso baka bakla din to. Madami kasi ditong gwapo nga pero bakla naman,kung hindi naman bakla fuck boy.

"Hey miss" sabi ni kuyang naka bangga sakin at winawagay-way pa yung kanyang mga kamay saking harapan.

"A-ah eh s-sorry" nauutal kong sabi. What the bakit bako nauutal

"Next time Miss be careful okay? Para naman hindi ka makadamay ng tao. Kung pwede sa mga puno o poste kana lang mag pa bangga?" Masungit na sabi niya.

Gwapo sana kaso ang sungit naman. Tsk katulad lang siya ni Ma'am Sandoval eh maganda nga,masungit naman. Teka bakit koba iniisip yung teacher kong masungit.

"Sorry ulit" sabi ko na lamang para hindi na humaba pa.

"Tsk stupid" bulong pa niya pero rinig ko naman.

"Hoy anong stu-"

Hindi kona natuloy ang aking sasabihin ng bigla na lamang siyang umalis saking harapan at nag lakad na. Aba bastos yun ah. Tsk

Nag patuloy na lamang ako saking pag lalakad at nag ingat nadin para wala nakong maka bangga.

Nang maka dating nako saming room nakita ko si Ma'am Sandoval na nakaupo sakanyang upuan. Bakit kaya lagi siyang maaga. Actually tumatambay lang naman siya dito tapos syaka siya mag tuturo pag nag bell na.

𝙈𝙮 𝙃𝙤𝙢𝙤𝙥𝙝𝙤𝙗𝙞𝙘 𝙋𝙧𝙤𝙛𝙚𝙨𝙨𝙤𝙧Where stories live. Discover now