Trigger Warning: This chapter contains abuse and violence.
Note: If hindi niyo kaya free to skip this chapter, but I think kaya niyo naman lalo na't hindi ko rin forte ang mga ganitong pangyayari. Read at your own risk.
P.S : if may trauma ka sa mga ganitong pangyayari please wag niyo na lang basahin at baka ma trigger pa kayo dahil dito, mental health lang ninyo iniisip ko. Thankyou.
****
''Hoyy tara na, kanina ka pang nakatulala r'yan.'' nabalik ako sa wisyo ng tapikin ako ni Sam. Nakita kong tapos na pala ang klase at kami na lang ang natitira dito sa room, nakatulala lang pala ako buong klase hays sa bahay na lang ako mag aaral ng dini-discuss kanina.
Tumayo na kami at dumiretso sa cafeteria. Nakita namin na ang daming tao kaya hirap kaming makahanap ng upuan. Nagbabalak na sana kami ni Sam na sa labas na lang kumain ngunit may tumawag sa amin.
Nakita namin ang pwesto nila ate at ang ibang profs, kumakaway si ate sa amin. No
''Yun oh, dun na lang tayo maki upo kina prof, hassle kasi pag lumabas pa tayo.'' tatanggi na sana ako ng hilahin na niya ako, hays
Palapit nang palapit sa pwesto nila ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Kalma ka lang heart. Nakayuko lang ako habang papalapit sa kanila, ramdam ko ang isang pares ng mata na mariing naka titig sa'kin.
''Ella bat ka nakayuko?'' napamura na lang ako ng pansinin pa yun ni ate. Tumunghay ako at ngumiti lang ako sa kanya.
Napatingin ako sa babaeng dahilan kung bakit ako nahihiya ng ganto. Nakita kong nakatingin din siya sa'kin pero agad din akong umiwas dahil nakakalambot ang tinging ibinibigay niya.
''Beh, may problema ka ba?'' biglang sabi ng katabi ko. Umiling lang naman ako at umupo na sa katabi ni ate at kaharap ni Miss Vien.
''Weh? pansin ko kasi na isang linggo ka nang tulala na parang ang lalim ng iniisip.'' sabi pa niya
''Wala yun, iniisip ko lang ang nalalapit nating midterm'' mukang naniwala naman siya sa naging palusot ko.
Isa rin yun sa iniisip ko dahil malapit na ang aming midterm exams ngunit mas in-occupied ng isang tao ang isip ko.
Isang linggo na pala ang dumaan nung nag-- ah basta, isang linggo na rin simula nung iwasan ko siya. Oo na ako na ang makapal ang mukha, ako yung nanghalik tas ako ang iiwas at a-aktong parang walang nangyari.
Tulad ng sinabi ni Sam isang linggo na rin akong tulala dahil dun. Hindi ko kasi alam ang iaakto ko kapag nasa harap ko na siya, magso-sorry ba ako?
Ngayong naamin ko na sa sarili ko na may nararamdaman na ako sa kanya, natatakot ako sa magiging kalabasan nito. Kilala siya isang homophobic at kung aamin man ako alam kong hindi lang rejection ang matatanggap ko kundi pati ang galit at poot niya.
At hindi ko kayang mangyari yun.
Kaya napag desisyonan ko na lang na iwasan at kalimutan na lang tong kahibangan ko dahil alam kong wala ring mangyayari. Mahirap mang iwasan lalo na't isa siyang professor sa pinapasukan ko.
Pero buo na ang desisyon ko na iwasan siya bago pa niya malaman at kamuhian niya rin ako tulad ng part ng lgbt.
pero wait, isa na rin ba ako sa kanila?
Pero kay Miss Vien lang naman ako naattract eh, bukod sa kanya wala na. Only her
"Hoy ang lalim ng iniisip mo, okay ka lang ba Ella?" nagulat ako ng bigla akong tapikin ni ate. Napatingin ako sa kanila at nakita kong nakatingin din sila--siya sa'kin na mas lalo kong ikinahiya.
YOU ARE READING
𝙈𝙮 𝙃𝙤𝙢𝙤𝙥𝙝𝙤𝙗𝙞𝙘 𝙋𝙧𝙤𝙛𝙚𝙨𝙨𝙤𝙧
RomanceGabriella Cindy, is a scholar student in Harvard University. Gab have a beauty and brain student, she also a kind and caring person. She's straight as a pole but what if she met her teacher in History, a HOMOPHOBIC PROFESSOR to be exact Vivienne is...