Read and You'll Die
I'm warning youPrologue
"Hoy, Wynd Kaylus! Wag mong ipakita sa'kin 'yang busangot mong mukha baka makurot kita sa singit," anang Ermats.
"Opo," Labas sa ilong kong sagot.
Marahang sinipa ko ang pintuan tsaka diretsong pumasok sa loob ng bahay bitbit ang dalawang malalaking kahon.
Kung bakit ba naman kasi maraming dalang gamit si mama.
Padabog kong inilipag sa sahig ang mga dala na siyang ikinagulat ni Wynter.
"Dahan-dahan naman, Hangin."
Pasikmat ko siyang tinignan. "Wynd, taglamig," pangongoreksyon ko.
"Anong taglamig?" singhal niya. "Wynter dapat."
"Oo na." Napatakip ako sa tainga. "Kung makasigaw naman akala mo manganganak."
"Heeh!" Abat. Binelatan ba naman ako. Pangit kabonding nito.
Inismiran ko lang siya at bago pa ko tuluyang makalabas ng bahay, nagsisi-sigaw na naman po si taglamig, "Mag-ate ka nga sa'kin. Mas matanda ako sayo ng isang taon."
Napapikit ako. Bunganga talaga nito. Kakahiya sa kapitbahay.
Dumiretso agad ako sa likuran ng sasakyan para kunin ang ibang natitirang gamit.
"Ang gwapo talaga ng anak ko. Mana sa'kin, " natutuwang bungad ni Erpats.
"Mas lamang ako ng ilang ligo, Pats."
Napailing si pats sa kayabangan ko. Di ka sumasang-ayon, pats? Baka anak mo 'to!
Nangingiting tinanggap ko ang tatlong kahon na magkakapatong mula kay Pats.
"Pasensya ka na, nak. Kailangan talaga natin'g lumipat dito. Alam mo namang dito ako bagong dinestino. Hindi naman ako pwedeng tumanggi lalo pa't gipit tayo."
Pulis ang trabaho ni Papa. Si Ermats naman ay housewife lang. Kaya kay Papa namin inaasa ang lahat ng gastusin sa bahay o mapaskwelahan man.
"Naiintindihan ko, Pats. Wag kang emo," I smiled to erased his worries.
Ang tanging dahilan lang naman kaya ayaw kong lumipat kami ay dahil sa mga barkada ko dun sa maynila. Isama mo na rin ang mga girlfriend ko.
'Mga' talaga kasi marami sila.
Sinenyesan ko si Pats na ipapasok ko na sa loob ang mga dala.
I sighed. May bar kaya sa probinsyang 'to? Tingin ko, Alaws. Isa rin yan sa dahilan kaya ayokong lumipat, e. Walang signal. Walang bar. Walang magagandang babae. In'short, malayo sa kabihasnan.
Pano kaya ako makakatagal dito?
"Ang hina ng signal!" pagmamaktol nanaman ng kapatid ko pagkapasok ko ng bahay.
Nakatayo siya sa sofa. Malapit sa window. Itinataas ang phone para kumalap ata ng signal.
Inilapag ko ulit ng padabog ang mga dala. Napahagalpak ako ng tawa ng magulat na naman si Wynter. Ang priceless mga erp.
BINABASA MO ANG
Read and You'll die
Mystery / ThrillerRead and You'll die I'm warning you Yan ang nakasulat sa cover ng notebook. Napahagalpak ako ng tawa. Parang diary ata 'to. I'm not sure though. Di naman ganito yung mga cover ng nakasanayan kong diary. Mamamatay ako pagbinasa ko 'to? May namatay...