Trigger Warning: Please be advised that the following chapter contains material that might be distressing for some readers. It deals with sensitive topics. Please proceed with caution and prioritize your mental health. If you feel that these topics might be too overwhelming, it's perfectly okay to skip this chapter. Your well-being is important.
Read and You'll Die
I'm warning you
Chapter 7
Wynd's POV
"Tulong..." sigaw ng lalaki.
Nakasuot siya ng uniporme at nakaupo sa may bintana ng school. Nakatingin siya sa'kin. Nagmamakaawa at nagsusumamo ang mga mata niya
Anong kailangan mo? Bakit kailangan mo ng tulong?
Dahan dahan akong humakbang papalapit sa kinaroonan niya. Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit siyang humihingi ng tulong.
Isang metro nalang sana para maabot ko siya ngunit sa isang iglap lang bigla siyang nahulog mula sa bintana na para bang may tumulak sa kanya. Kahit wala naman.
Nanginginig na lumapit ako sa bintana at sumilip. Shit! Sobrang lakas ng impact ng pagkahulog niya mula 3rd floor to 1st floor. Ponong-pono siya ng dugo na nakahandusay sa sahig.
Napabalikwas ako sa kama, daig ko pa ang hinahabol ng aso sa paulit-ulit at malalalim na paghinga. Tumatagaktak rin ang pawis sa buong katawan ko kahit malamig naman ang aircon.
Shit! Ito na nga ba sinasabi ko. Kung bakit ba naman kasi kinwento pa ni Thana yung lalaking nahulog mula sa bintana ng 3rd floor.
That man again...it had been a while since I got nightmares.
I quickly wiped the sweat from my forehead. Bakit palagi ko 'tong napapaniginipan? Sino naman 'tong lalaking gawa-gawa ng imahinasyon ko? Naks! Nasali pa talaga siya sa panaginip ko? Lucky him.
***
Boring! Boring! Boring! Paulit-ulit kong binubunggo yung ulo ko sa arm chair. Hindi naman sobrang lakas pero tama na yung impact para makuha ang atensyon ng katabi ko.
"Anong problema mo?"
I stopped what I was doing and looked at her. Enough to give her a seducing look.
Pansin ko ang ang dahan dahan na pagpula ng pisnge niya.
"B-bakit ka g-ganyan makatingin?" She said angrily.
"Effective ba ang kagwapohan ko?" I said giving her a pogi pose.
Natawa siya sinabi ko kaya natawa na rin ako sa paraan ng pagtawa niya. Pareho kaming parang baliw na tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa.
Dala ng boring atmosphere? Nakakabaliw pala."Goodmorning, Kaylus." Ayana greeted me.
Change and I were suddenly silent. I looked at my classmates and they were all watching us. I smiled seductively at Yanna while change went back to what she was reading.
BINABASA MO ANG
Read and You'll die
Mystery / ThrillerRead and You'll die I'm warning you Yan ang nakasulat sa cover ng notebook. Napahagalpak ako ng tawa. Parang diary ata 'to. I'm not sure though. Di naman ganito yung mga cover ng nakasanayan kong diary. Mamamatay ako pagbinasa ko 'to? May namatay...