Read and You'll Die
I'm warning youChapter 4
Dear Diary,
Mama at Papa, Masaya po ako ngayon. Alam niyo po ba kung bakit? Nakakain na po kaming dalawa ni bunso. De bale na po at pinaluhod ako ni ante ng asin at pinalo ng sinturon, kung ang kapalit naman ay busog kami ni bunso. Ang sarap po ng meatballs, Mama... Sobra. Nami-miss ko na kayo.
-Death
Napahawak ako sa dibdib ko. Gusto kong kumain ng meatballs.
Meatballs.
"Wynd Kaylus, papasok ka na naman sa school ng walang kain?!"
"Mats.." niyakap ko siya mula sa likuran habang nagluluto siya, "...meatballs."
"Anong nangyayari sayo?" Humarap siya, "...malungkot ang baby namin?" Niyakap niya ako pabalik.
"Mats, di mo na ko baby," angal ko.
"Wynd, bakit may motor dun sa labas?" Singit ni Erpats. Kakapasok lang at nakasuot na ng unipormeng police.
Anak ng kwago! Muntik na akong mabulunan sa sariling laway.
Di ko pa pala naku-kwento sa kanila yung secondhand kong motor. Ang mas malala, scam pa mga 'tol. Sinubukan kong tawagan yung seller ng motor abay cannot be reached na. Pano ko kaya ulit makukuha pera ko? Report ko kaya kay Pats total police siya?
Ay, wag na. Tiyak sasabonin ako.
"Secondhand?"
"Opo, pats. Mura na kaya gri-nab ko na yung opportunity."
"May mga papeles ba? Baka naman scam yan?" sabat naman ni Ermats. Kumawala siya sa yakap ng maamoy ang hotdog na parang masusunog na.
"Di, a." Agad kong tanggi. "Sige, Mats. Pats. Alis na ako."
"Huy, Hintayin mo nalang kaya ate mo."
Hinain na ni mats ang hotdog at nilagay sa mesa.
"Mats, nasa kama pa yun," angal ko.
Ang kupad kasi ni Wynter. Pag alam niyang may naghihintay sa kanya mas lalo siyang bumabagal. Hindi ko alam kung sakit ba yan o epidemia.
Nasa may pintuan nako ng labas ng bahay ng maisipang bumalik sa kusina, "Pats, Mats, Alam niyo ba kung sino ang dating may ari ng bahay?"
Tinanong ko na baka sakaling alam nila. Nang matapos na itong paghihirap ko sa kaka-overthink ng malala. Bawal sa gwapo ang pinag-iisip ng sobra!
"Yung katiwala lang ng bahay yung kausap namin. Baka nasa ibang bansa yung may ari."
Na-disappoint ako sa narinig. Akala ko malalaman ko na kung sino si death.
"Bakit mo naitanong?"
"Wala po. Sige. Alis na ko." Saka sumaludo kay Pats at halik sa pisnge ni Mats.
Death, Sino ka ba talaga?
Bumisina muna ako kina mats saka pinaharurot ang motor ko patungong school.
***
"Sir, aga niyo ulit, a." Aniya ng guard ng school pagkadaan ko.
Tinanggal ko ang helmet, "Basta gwapo kuya."
BINABASA MO ANG
Read and You'll die
Misteri / ThrillerRead and You'll die I'm warning you Yan ang nakasulat sa cover ng notebook. Napahagalpak ako ng tawa. Parang diary ata 'to. I'm not sure though. Di naman ganito yung mga cover ng nakasanayan kong diary. Mamamatay ako pagbinasa ko 'to? May namatay...