Read and You'll Die
I'm warning youChapter 2
Dear Diary,
Today is a gloomy day. Today is the day I don't feel like a writer. I have so much to say. It all gets caught at once in my throat, and I choke. I don't feel like myself. I felt like dying. I am not flowing steadily like a stream. Why did it happen? Why did it happen to them? They are both beautiful and wonderful. They are both kind and loving. Why did they die? Why did they die when we needed them the most right now? Mama. Papa. Why did you leave us? What will happen to me and my brother? Who will take care of us? I feel like I am an empty bottle waiting for someone to fill me up. I am just a child. How am I supposed to take care of myself and my brother when I am just a child?
-Death
I closed the diary. Shit! This diary is not good for my health. Chuy, kakabadtrip. Ayokong basahin 'tong diary kasi nakakamatay ang laman pero... gusto kong subaybayan kung anong nagyari kay death. Kung asan na siya. Kung okay lang ba sila ng kapatid niya? Lalaki ba si Death? O babae? Pero I assume, it's a girl kasi babaeng-babae ang room nato. Pero baka naman bakla?
Nanggigil na sinabinutan ko ang sarili. Letseng Buhay pati problema ng iba pinoproblema ko na.
Mabilis akong nagbihis para pumasok na sa school. Muntik pa akong mapasigaw sa kagwapohan ko habang nagsisipilyo sa banyo. Buhay pogi nga naman, oh!
***
"Manong, dito na parking space ko, ha?"
Tinanggal ko ang helmet ko at tinali sa motor. Tinignan ko muna mukha ko sa salamin ng motor kung ayos lang ba at walang dumi.
"No problemo, Sir."
"Naks! Pakibantay nalang ako nito manong" tukoy ko sa motor ko.
It's 8 am. Ayoko ng magpa-late. Natuto na ako. Si wynter iniwan ko na sa bahay kasi sobrang kupad. 8:30 in the morning pa yung klase ko pero early ako ng 30 minutes. Ganito buhay ng isang pogi at masipag na studyante.
Hindi pa marami ang studyante kaya libre pa akong pa-kanta kanta dito sa hallway ng walang nakikinig at sumisita.
Muntik pa akong mabilaukan ng may babaeng biglang kumindat sa'kin. Naks naman! Imba talaga pag-gwapo!
"Meow."
Hmmm. Ano yun?
"Meow."
Napatigil ako sa concert ko sa hallway. Mahirap na baka ma-discover pa ng wala sa oras. Low key pa naman akong tao. Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses ng pusa. Na-curious ako kasi ang ingay ng pusa.
"Meow! Meow! Meow!" Tila galit na ang pusa.
"Kung minamalas ka nga naman. Pati pusa inaaway mo Ms. Thana?"
Nakita ko si Thana na pinipilit ang itim na pusang kumain pero yung pusa halatang galit na galit sa kanya. Muntik pang makagat ang daliri niya.
Lintik na pusa. Uunahan pa akong kagatin si Thana. Selfish!
"Hindi kasi ganyan magpakain ng pusa."
Sinamaan niya ako ng tingin. Patanggal ko 'yang mata niya, eh.
"Ganito yan..." Nag-inhale, exhale muna ako bago ko ginaya ang boses ng pusa. "Meow." Kinuha ko ang lagayan ng pagkain ng pusa saka ko ito dahang-dahang nilapit sa pusa. "Meow. Meow. Meow." Ginesture ko pa sa pusa na pwede na siyang magstart kumain ng walang pinoproblema.
BINABASA MO ANG
Read and You'll die
Mystery / ThrillerRead and You'll die I'm warning you Yan ang nakasulat sa cover ng notebook. Napahagalpak ako ng tawa. Parang diary ata 'to. I'm not sure though. Di naman ganito yung mga cover ng nakasanayan kong diary. Mamamatay ako pagbinasa ko 'to? May namatay...