Trigger Warning: Please be advised that the following chapter contains material that might be distressing for some readers. It deals with sensitive topics. Please proceed with caution and prioritize your mental health. If you feel that these topics might be too overwhelming, it's perfectly okay to skip this chapter. Your well-being is important.
Read and You'll Die
I'm warning you
Chapter 8
Wynd's POV
"Wynd Kaylus!"
Thana and I stopped looking at each other when a familiar voice called me. Just a voice, I already know who the owner is.
"Pats..."
Masama akong tinignan ni Pats tila ba may nagawa akong kasalanan sa kanya kahit wala naman.
"Bitawan mo siya." Utos ni Pats sa'kin.
At bakit ko bibitawan si Picolo? 'tung ungas na 'to?! Ibalik ko kaya 'to sa planetang nanek. Walang ibang gagawa ng masama kay Mara kundi siya lang.
"Wynd Kaylus" Pats warned me. "Follow my order," He commanded with full of authority.
"Tsk." Wala akong nagawa kundi sumunod. Obviously, nag-iinit na ang dugo ni Pats sa nangyayari. Ayaw ko ng makadagdag pa sa galit niya.
Bago ko tuluyang binitawan si Picolo, binigyan ko siya ng sobrang samang tingin. Mamatay siya sa tingin ko. Swerte niya lang dahil at least bago siya mamatay, gwapong mukha ko yung nakita niya.
Magkasabay dumating ang police at ambulansya para suriin ang insidenting nangyari. Nasa tatlong police ang pumasok sa comfort room kasama na roon si Erpats habang ang dalawang police na kasama niya ay pilit pinapaalis lahat ng studenyanteng marites.
"Umalis na kayo dito. Pasok sa kanya-kanyang room," police madly commanded.
Paulit-ulit na nilang tinataboy ang lahat ng student pero iilan lang ang nakinig. Halatang nauubusan na sila ng pasensya sa'min.
"Lapastangan!" Sigaw ni Dean pagkapasok mula sa comfort room which fuels the curiosity of everybody.
Gusto kong makita yung nangyayari sa loob pero sobrang strict ng mga police na wala niisang makakapasok, unless ang dean, mga police at nurse.
"Announcements. Announcements." Natigil ang lahat para makinig sa announcement mula sa speaker.
"May I request all students to please proceed to the auditorium. No one will be allowed to go home as the police are still investigating the incident."
Sari-saring komento ang narinig mula sa mga students na kesyo bakit di sila papayagang umuwi. Baka mag-alala raw yung parents nila. Baka hanapin sila sa kanila. Baka mapagalitan sila.
"Again. May I request all students to please proceed to the auditorium. No one will be allowed to go home as the police are still investigating the incident."
Walang nagawa ang lahat kundi sumunod sa gusto ng school. Nang nasa may hagdanan na ako nagulat ako ng may biglang humila sa'kin para di tuluyang makababa sa hagdanan.
"Anak ng-Thana?"
Hinila niya ako papunta sa pinakasulok ng 2nd floor.
"Teka sa'n mo ko dadalhin?"
"Anong gagawin mo sa'kin?"
"Hey!"
"Ssh." She said while zipping her lips.
Anak ng! Anong gagawin namin sa tagong parte ng palapag na 'to? Saka bakit ang pula ng labi niya? M-may kumagat ba sa kanya?
Napayakap ako sa sarili, "A-anong gagawin mo sa'kin?" I accused her.
BINABASA MO ANG
Read and You'll die
Mystery / ThrillerRead and You'll die I'm warning you Yan ang nakasulat sa cover ng notebook. Napahagalpak ako ng tawa. Parang diary ata 'to. I'm not sure though. Di naman ganito yung mga cover ng nakasanayan kong diary. Mamamatay ako pagbinasa ko 'to? May namatay...