Messenger
Eli Landon Guzman
10:43 PMSure ka, Sir?
I mean, pwede ka bang abalahin ngayon? Nakakahiya, baka kasi busy ka. Hehe!
Seen, 10:45 PM
10:46 PM
Eli Landon: It's okay. Hindi naman ako busy.
Eli Landon: Tulog na rin naman si EJ, kaya I'm free.
Miss ko na agad si EJ. 🥺
Eli Landon: Miss ka na rin daw ng mga tao dito sa bahay. Wala kasing maingay.
Miss mo rin ako, Sir? 🤭🤣
Seen, 10:50 PM
10:52 PM
Luh, si Sir, seener na lang.
Siguro miss mo na nga ako, no? 🤭🤣
Eli Landon: May mga iniisip ka na, pero ang hyper mo pa rin.
Ganito talaga ako, Sir.
I tend to be jolly, para di halata. Pero deep inside, hindi na ako mapalagay. Hehe!
Eli Landon: Which is not good. Mas okay pa rin kung mailalabas mo ang mga saloobin mo.
Busy kasi yata sila, kaya yun, wala akong makausap. 😅
Eli Landon: I'm here. So, spill it.
Okay lang ba talaga, Sir? I mean, boss pa rin kita, so it's a little bit akward. Nakakahiya sayo.
Eli Landon: Pero kapag sa ibang bagay at sa pagkakalat, di ka nahihiya.
Grabe naman yun, Sir. Wag mo ng ipamukha sa akin na makalat ako, alam ko na yun. Haha!
Eli Landon: So, ano na nga?
Eli Landon: Tinatanggihan mo ba ang offer ko na makinig sayo?
Di naman, Sir. Actually, I really appreciate it.
Eli Landon: Kwento na, hangga't di pa nag-e-expire ang pagiging generous ko.
Ano lang, I felt guilty.
Eli Landon: And why is that?
Pakiramdam ko, I failed as a daughter.
All my life, ibinigay ng mother ko ang lahat para sa akin. Lahat ng gusto ko, basta kaya niya, ibibigay niya. Para lang makitang masaya ako.
Actually, parehas naman sila ng father ko. Sobrang spoiled ako sa kanila. Pero di naman ako brat, spoiled lang. Hehe!
Pero mas lamang ang nanay ko. Todo suporta talaga siya sa akin. Mahal na mahal ko n'on, eh.
Ngayong naospital siya, bigla kong na-realize yung mga pagkukulang ko bilang anak nila. Na vocal man ako sa pagsasabi sa kanila kung gaano ko sila kamahal, pakiramdam ko kulang yun. Kulang sa gawa.
Pakiramdam ko, ang selfish ko sa part na di ko na sila nache-check from time to time. Na di ko man lang sila nakukumusta.
I was busy on my own thing na nakalimutan kong nagkakaedad na nga rin pala sila. Na kung di pa naospital si Mommy, baka tuluyan ko ng nakalimutan na may responsibilidad rin ako sa kanila bilang anak nila.
Sobra ako kung mag-overthink, Sir. And I really hate it.
Kasi naiisip ko, what if di nakaligtas si Mommy? Wala na, huli na ang lahat.
Eli Landon: Stable naman na ang mom mo, di ba?
Yep. That's why I thank the Lord for that. Kasi ligtas na si Mommy.
Eli Landon: So, may pagkakataon ka pa para bumawi. Gawin mo na yun right at this very moment.
Eli Landon: Okay lang na magkaramdam ka ng pagka-guilty. That's normal, lalo na at aminado ka sa mga pagkukulang mo.
Eli Landon: Pero di mo dapat patirahin ang guilt na yan sa dibdib mo. Kaya nga binigyan ka ng oras para bumawi.
Eli Landon: Karamihan naman sa atin, minsan nakakalimot sa ilang priorities dahil sa mga pansarili nating gusto. That shouldn't be normalize, pero kadalasan di talaga maiwasang mangyari.
Eli Landon: Ang mahalaga, dapat ma-realize natin yun bago pa mahuli ang lahat.
Eli Landon: I'm sure naman na naiintindihan ka ng mom mo. Kaya nga niya siguro ibinibigay ang mga gusto mo kasi gusto ka niyang masaya. Kasi mahal ka niya.
Eli Landon: Just like me to EJ. I want the best for my kid. Kung ano ang gusto niya at makakapagpasaya sa kanya, ibibigay ko hanggang kaya ko.
Eli Landon: Because that's what parents love are. Just like your parents.
Grabe, Sir, bakit ka naman nagpapaiyak nang ganitong oras?
Eli Landon: Fuck! You're crying? I'm sorry.
Bakit parang hot ng pagmumura mong yun, Sir? Biglang umurong ang mga luha ko. Char!
Ano lang, your words... shots fired.
But you're right. May oras pa ako para bumawi. At gagawin kong worth it ang pagbawi ko kay Mommy, pati na rin kay Daddy.
Eli Landon: That's good to know. So stop crying now.
Di ko mapigilan ang mga luha ko, Sir. Parang tanga ang mga mata ko.
Oopps! Sorry sa bad words. Haha!
Eli Landon: Damn!
Hala, Sir, minumura mo ako? Pero go lang, ang hot talaga, eh. Haha!
Eli Landon: Nasa ospital ka pa ba?
Yes po. Bakit?
Eli Landon: May iba pa bang nagbabantay sa mommy mo?
Meron, Sir. Bakit nga po?
Eli Landon: Gagawan natin ng paraan para tumigil ang mga luha mo.
Ha?
Seen, 11:21 PM
--
Sensya na po sa matagal na paghihintay. Hopefully, magtuloy-tuloy na yung updates, though next week naka-sched ako for our 2nd dose of vaccine. Mag-ingat pa rin po ang lahat.
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰
BINABASA MO ANG
The Hot Shot Club 6: The Popular Dude (Completed)
ChickLitEli Landon x Kirsten Jaysel (Epistolary)