Messenger
Eli Landon Guzman
4:03 PMSir Edon!
Seen, 4:07 PM
4:10 PM
Eli Landon: Yes, K?
Eli Landon: May problema ba?
Sir, ganoon ba talaga yung ex mo?
Eli Landon: Ha? Sino?
Yung Wendy.
Eli Landon: Bakit? Ginugulo ka ba niya?
Nag-chat sa akin, Sir. Kung ano-anong pinagsasabi.
Oops, teka! Wag mo na siyang i-message, okay? Di ko ito sinasabi para magsumbong. Plain curiosity lang talaga.
Eli Landon: Bakit ayaw mong i-message ko siya?
Eli Landon: Selos ka?
Luh, si Sir Edon, pauso. Di ako nagseselos!
Eli Landon: Okay, sabi mo, eh. 🤔
Ewan ko sayo, Sir.
I can handle her naman. Puro ganyan lang naman ang alam niya. Ang manira at manggulo.
Pero ito, ah, sorry for the word, pero ang tanga mo na lang talaga, Sir, kapag binalikan mo pa yung babaeng yun.
She's a bitch and an obssess freak. Kawawa kayo ni EJ pag nagkataon.
Eli Landon: Ilang beses ko bang sasabihin na di ko na siya babalikan?
Eli Landon: Kasi ikaw na yung gusto ko, ikaw na yung mahal ko.
Seen, 4:16 PM
4:20 PM
Eli Landon: Nawala ka na.
Eli Landon: Kinilig ka ba?
Seen, 4:22 PM
4:23 PM
Di, ah. Yabang mo na, Sir, ah.
Kausap ko kasi si Mary, kaya di agad ako naka-reply. Hindi dahil kinilig ako sayo.
Eli Landon: Okay, sabi mo, eh. 🤔
Sir Edon naman kasi, eh.
Eli Landon: Bakit? Hahaha!
Eli Landon: Wala naman akong ginagawa sayo, ah.
Ayun na nga, wala pa. Char!
Eli Landon: Gusto mo bang may gawin ako?
Nga pala, pinipilit ako ni Mary na sabihin sayo na isali mo raw ako sa GC nyo.
Ano bang GC yun?
Eli Landon: Sagutin mo muna ang tanong ko.
Sir Edon!
Eli Landon: Hahaha!
Eli Landon: Quits lang tayo. Ayaw mong sagutin ang tanong ko, di ko rin sasagutin ang tanong mo.
Eli Landon: Got to go, K.
Eli Landon: Love you!
--
Messenger
Edon's Account
Messenger
Wendy Gonzales
5:01 PMDon't mess up with K.
Ako ang makakalaban mo.
At sinisiguro kong di mo magugustuhan ang gagawin ko.
Sent, 5:03 PM
--
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰
BINABASA MO ANG
The Hot Shot Club 6: The Popular Dude (Completed)
ChickLitEli Landon x Kirsten Jaysel (Epistolary)