93

1.1K 44 12
                                    

Edon's Account

Messenger

Eli Landon Guzman
8:43 AM

Good morning, K

I miss you. And EJ miss you, too.

I get that you're not in the mood to talk to us, especially to me. I totally understand that.

Again, I'm sorry sa ginawa ni Wendy. I promise, she'll pay for what she did to you. I'm sorry kung wala man lang akong nagawa para pigilan siya, para patigilin siya sa mga sinabi niyang masasama sayo.

I'm sorry kung napahiya at nasasaktan ka dahil sa akin. Trust me, masakit sa akin na nasasaktan ka.

It's on me. Kaya maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin dahil sa nangyari.

Anyway, I want to tell you something. Ayoko sanang dito sa chat lang sabihin ito, but I can't help myself.

K, di lang naman ikaw ang naglihim, ako rin.

I've known you bago ka pa man mag-apply bilang tagapag-alaga ni EJ.

Yes, you read that right, Kirsten Jaysel.

Una kitang nakita sa Velaris. And that was 2 years ago. January 17, Saturday.

You were so beautiful back then. Uhm, scratch that. You're always beautiful in my eyes. Tandaan mo yan, okay?

Anyway, going back to my story, nakuha mo ang atensyon ko nang panahong yun nang may mag-ina na pumasok sa Velaris.

Gusto ng bata ng cake sa Velaris, pero kulang ang pera ng nanay niya. Hindi ako tsismoso, ah. Medyo malapit kasi sila sa puwesto ko that time.

The child started to cry. That's when the time na lumapit ka sa kanila. And you ask them what's the problem.

From what I heard, birthday ng bata at tanging cake lang ang gusto niya para sa birthday niya.

And I was surprised nang bigla kang ngumiti (which caught me off-guard. Your smile's contageous!) at batiin ng happy birthday ang bata. And then, tinawag mo ang isang staff para bigyan ng cake ang bata. Sabi mo pa, regalo mo na lang yung cake.

Tuwang-tuwa ang mag-inang yun at panay ang pasasalamat sayo. Umuwi sila na may ngiti sa mga labi. Pero ang mas nakakagulat, ganoon din ako, K.

Hindi ko alam kung bakit habang nagda-drive ako pauwi at kahit nang makauwi ako sa bahay, hindi rin mawala ang ngiti sa mga labi ko lalo na at naiisip ko ang nakangiti mong mukha habang iniaabot ang cake sa mag-ina.

And the weird thing is, I can't get you off my mind. Kaya naman after a couple of days, bumalik ako sa Velaris.

That's when I learned that you're the owner of Velaris. Regular customer ako ng shop mo kasi ang sarap talaga ng cakes and pastries nyo, pero first time kitang nakita nang araw iyon.

And your staff told me na every weekends ka lang pumupunta ng Velaris. That's why di kita nakikita dati. Usually, weekdays ako pumupunta sa shop mo.

Anyway, pumunta ulit ako sa Velaris ng sumunod na Saturday hoping na makikita ulit kita. At di ako nabigo.

Pero ginulat mo na naman ako, K. Kasi may ginawa ka na naman na kabutihan.

May customer na nagtaray sa isa sa mga staff mo. Mali talaga yung customer that time, and you stand for your staff. Ipinagtanggol mo siya. You're a good boss to your employees, K.

And after that, every Saturday na akong pumupunta sa Velaris to see you. Lowkey nga lang kasi baka makita at makilala ako ng ibang basketball fans. Ayoko namang mag-cause ng gulo.

Wag kang ma-cringe, ah. Di naman ako mala-stalker na sinusundan ang bawat galaw mo. Baka kasi ganoon ang isipin mo. I have my own life. I have my career. May EJ ako na dapat alagaan. Pero parang di kumpleto ang linggo ko kapag di ko nakikita ang mga ngiti mo.

Ang mga ngiti mo sa bawat customer, staffs at mga taong nakakasama mo ang naging pahinga ko sa nakakapagod na linggong dumaan sa akin.

So you see, di ako nagsisinungaling nang sabihin kong minahal at mahal kita because you have a good and a big heart kaya naman di nakakapagtakang mahal ka naming mag-ama.

Kaya nang makita kita sa harap ng bahay ko at nang sabihin mong mag-a-apply ka bilang tagapag-alaga ni EJ, nagulat talaga ako. Napaisip ako kung totoong ikaw ba ang nasa harap ko.

At opurtunista na kung opurtunista, pero sinamantala ko na ang pagkakataong yun para makasama ka without knowing your intentions kung bakit ka nag-a-apply na tagapag-alaga ng bata.

At di ko kailanman pagsisisihan na tinanggap kita sa bahay at sa buhay naming mag-ama.

I fell for you, Kirsten Jaysel. Nahulog ako nang sobrang lalim at wala na akong intensiyon na umahon pa.

Mahal na mahal kita, K.

Sent, 9:23 AM

--

Last 7 for Edon and K. 😊

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

The Hot Shot Club 6: The Popular Dude (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon