CHAPTER 42

20 0 0
                                    

Tami Astiantos POV


Umiiyak ako habang nakatakip sa bibig at nakatago sa kung saan. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Natatakot na ko, sabi ni Einra babalikan niya ko pero bakit ang tanggal niya? Hindi ko rin alam kung nasaan si Kian at kung ano na nangyari sa iba.

Ilang minuto na kong nakatago at sobrang dami na ring dugo ang nawala sa'kin sobrang nanghihina na ko. Inaantok na ko gusto ko nalang muna matulog.

"Tami!" naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko pero hindi ko magawang imulat ang mga mata ko sa sobrang panghihina

"Hmm..." tanging pag ungol lang ang kaya kong gawin dahil hindi ko na rin magawang ibuka ang labi ko

"T-Tami si Kian 'to" dahil sa narinig kong sinabi niya medyo gumaan ang pakiramdam ko

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog dahil sa sobrang pagod sa pagtakbo at panghihina.

"H-Hindi ko alam kung may b-buhay pa ba sa mga k-klase natin" nakaramdam ako na parang may pumapatak na tubig sa'kin, umiiyak ba siya?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

[FLASHBACK: HOURS AGO]


Nagpasama sa'kin si Tami pumunta sa cr. Ginamit ko ang flashlight sa cellphone para makita namin ang daan papunta sa cr.

May mga lampost pero walang ilang sa bawat building ng school dahil hindi naman class hour.

Mahigpit na nakayap sa braso ko si Tami habang lingon nang lingon sa paligid.

Pagkarating namin sa tapat ng cr parang wala pa yata siyang balak bitawan ang braso.

"Ahm... Kian baka p-pwedeng samahan mo ko hanggang sa l-loob? hehehe" napalingon ako sa ibang direksyon dahil sa sinabi niya, buti nalang madilim kaya hindi niya kita ang namumula kong pisngi dahil sa kahihiyang sinabi niya

"T-Tami hindi ka na b-bata, hindi habang buhay kailangan mo ng k-kasama" nauutal kong tugon sa sinabi niya

"P-Pero kasi... ang dilim oh pano kung bigla nalang may lumitaw na multo sa salamin o kaya biglang may humablot sa paa ko habang nasa loob ng cubicle?" napabuntong hininga ko dahil sa sinabi niya

Minsan hindi ko alam kung paano siya nakatungtong sa high school.

"Pumasok ka na sa loob baka dito ka pa umihi iiwan talaga kita" banta ko sa kanya kaya kahit labag sa loob niya pumasok siya sa loob ng cr

Habang hinihintay siya naisipan ko munang manood ng anime sa cellphone, buti nalang may na download ako bago umalis ng bahay nakapatay kasi wifi ng school ngayon.

Ilang minuto palang ang nakalilipas nang mapansin ko sa peripheril view ko na may taong papalapit sa kinaroroonan ko kaya nag angat ako ng tingin.

"Kapag yan tumama sa'kin doble balik niyan sayo" seryoso kong sabi sa lalaking nakatayo sa di kalayuan na may hawak na bow and arrow

Mga pakulo nila minsan wala na sa ayos. Wala sana kong balak sumama kung hindi lang ako pinilit ni Tami.

Akala ko isa sa mga kaklase ko pero nung bitawan niya ang palaso at dumaplis sa pisngi ko na naging sanhi para mabitawan ko ang hawak kong cellphone. Doon ko napagtantong hindi namin siya kaklase.

"Tami..." mahinang sambit ko

Hindi ko alam kung anong dapat gawin hanggang sa namalayan ko nalang na tumatakbo ako habang hinahabol ng isang lalaking may palaso. Mabuti nalang nailayo ko siya kung nasaan si Tami.

Isang malakas na sigaw ng babae ang narinig namin kaya napahinto ako sa pagtakbo. Isang maling desisyon na huminto ako dahil naging hudyat yun para paulanan niya ko ng palaso.

Wala kong nagawa kundi muling tumakbo. Sa ilang minuto kong pagtakbo nakaramdam na ko ng pagod kaya nagtago ako sa isang sulok.

Dahil sa tahimik na ang paligid mula sa kinaroroonan ko dinig ko ang bawat sigaw ng mga kaklase namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero t*ngina nung may pakana nito!

Nangapa ako ng bagay na pwede kong magamit pang salag sa mga umuulang pana. Isang basurahan ang nakapa ko, buti nalang wala ng laman.

Bumilang ako ng one to three bago sumugod sa kaniya. Pinangsalag ko ang basurahang hawak ko pero hindi yun naging sapat para maprotektahan ako. Sa talas ng dulo ng pana tumagos ang iba sa basurahan na sanhi ng pagtama sa'kin.

Sobrang sakit pero hindi ko yun ininda dahil kailangan ko mabalikan si Tami.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon malakas ko siyang sinuntok sa muka, napaatras siya nang konti pero hindi yun naging sapat. Kung gaano siya kagaling humawak ng palaso ganon rin siya galing sa combat.

Gamit ang panang nakatusok sa balikat ko lakas loob ko yung tinanggal, mabilis na dumaloy ang dugo ko dahil sa pagtanggal ko sa palaso.

Gamit ang yun kumuha muna ko ng magandang tiyempo bago tinusok sa dibdib niya, binaon ko pa yun hanggang sa dumagos para sigurado.

Bumagsak siya sa malamig na sahig habang ako nakatitig sa kanya na habol ang hininga.

Naupo ako sa sahig sa sobrang panghihina at panginginig habang nakatitig sa kanya. Ayokong kapain kung buhay pa ba siya o hindi na.

Halos gumapang na ko para mapuntahan si Tami sa cr pero isang boses nang babae ang narinig kong sumigaw.

"SABI KO TAKBO!" kung hindi ako nagkakamali boses yun ni Einra

Kasunod nang pagsigaw niya ay nakarinig ako ng yapak na tumatakbo. Gusto ko sanang tulungan Einra pero hindi ko magawa.

Muli akong napaupo sa sahig. Gamit ang damit ko pumunit ako ng kapiraso para at ginawang bandage para hindi tuluyang maubos ang dugo.

Napasandal ako sa dingding na habang humihinga nang malalim.

"Sana ayos lang si Tami" sambit ko bago ko ipikit ang mga mata ko

Nagising ang diwa ko nang may marinig akong tunog ng ambulansya.

"Tami" gamit ang dingding ginawa ko yung alalay. Nagtungo ako sa direksyon kung saan tumakbo si Tami kanina. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.

Hindi ko alam kung saan siya hahanapin... sana buhay pa siya.

Ilang minuto ko na kong naglalakad nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko sa kung saan. Agad kong hinanap ang pinagmulan nun at halos tumigil ang pintig ng puso ko nang makita ko ang babaeng may hawak ng cellphone ko.

"Tami" tawag ko sa kanya at mahinang tinapik ang pisngi niya

"Hmm..." tanging ungol lang ang naging tugon niya dahil gaya ko ay sugatan din siya

"T-Tami si Kian 'to" muling sabi ko pero hindi na siya tumugon

"H-Hindi ko alam kung may b-buhay pa ba sa mga k-klase natin" nagbagsakan ang mga luha ko matapos kong sabihin yun

Kung kami nga sugatan ano pa kaya yung iba, ayoko mang aminin pero malaki ang posibilidad na wala na silang buhay.

Ilang sandali pa nagulat ako sa pagbukas ng mga ilaw kasunod nun ay nakarinig kami ng mga boses at nagpakilalang mga pulis. Agad silang tumawag ng mag a-assist samin para ilagay kami sa stretcher at dalhin sa hospital.

Habang ipinapasok ako sa loob ng ambulansya nakita ko ang isang pamilyar na lalaki... kung hindi ako nagkakamali Claude ang pangalan niya na laging sumusundo kay Einra.

Cursed Section (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon