CHAPTER 38

20 1 0
                                    

Einra Vela POV

Nagkatinginan kami ni Wyatt dahil sa nalaman namin. Mukang iisa lang ang iniisip namin.

"Nagsumbong si Zaren" sabi niya

Si Valerie ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko. Si Zaren naman ang dahilan kung bakit namatay ang pinsan niya. Magkapatid nga silang dalawa, mga walang puso.

Nagmamadaling bumalik si Wyatt sa room habang ako nakasunod lang sa kanya.

"Mamaya pa raw practice" sabi Nimuel

"Sino kaaway mo pre bakit-" napatigil ang lahat sa ginagawa nila nang suntukin ni Wyatt si Zaren

Sabihin na nating nag e-enjoy ako sa nangyayari lalo na siguro kung luluhod ang mga Schmidt sa harapan ko habang nagmamakaawa na patawarin ko pero syempre malabong mangyari yun dahil sa korte sila luluhod habang nagsisisi sa mga kahayupang ginawa ng pamilya nila.

Si Wyatt na laging tahimik at kalmado ay ngayon hindi mo na maawat.

Mabilis na tumayo si Xol para awatin si Wyatt, maging si Vinson nakiawat na din.

"Natutuwa ka ba sa nakikita mo?" tanong ni Astria sakin

"A little bit" sagot ko habang nawiwili sa nakikita ko

Kung ako kay Wyatt hindi ko titigilan si Zaren hanggat hindi nalalagutan ng hininga.

"How about let's die together?" bulong niya sakin kaya napalingon ako sa kanya habang winawagayway ang kamay niyang hawak ang cellphone ko

Hindi ko alam na snatcher na rin pala siya, ang dami niyang side line huh.

Narinig ko ang sabay-sabay na pagtunog ng cellphone ng mga kaklase namin pero hindi yun naging sapat para mapatigil sila Wyatt at Zaren na ngayon ay nagkakagulo na.

Napatigil si Xol at Vinson sa pag-awat sa dalawa at tiningnan ang cellphone nila gaya ng iba.

"Totoo ang nangyari 6 years ago" sabi ni Astria kaya naagaw niya ang atensyon ng lahat

"Alam kong alam mo na Einra kung sinu-sino kami. Nakakapagtaka lang kung bakit si Wyatt ang nakikipag-away imbes na ikaw?"

Kilala na namin kung sino sila. Si Astria, Keach, Kenzie, Yzael, Kian at Zaren, sila ang 6 na batang saksi.

"Nagtataka ka kung bakit? wala ka kasing connections kaya hindi ka updated kung hanggang saan na nalalaman ko" pang-iinsulto ko sa kanya

"T*ngina akala ko sa movie ko lang mapapanood yung mga ganon"

"Di ba kapatid yun ni Zaren? si Ate Valerie"

"Si Einra ba yung pinahirapan ni Ate Valerie?"

"OMG! Imposibleng maging si Einra yun kase mukang kasing age niya lang ngayon yung nasa video"

Parang gusto kong ipasalvage si Astria dahil sa ginawa niya. Chineck ko ang cellphone ko at nakitang sinend niya sa gc ng section namin ang video na galing kay Claude.

"Kay Einra galing ang video, credits to her" mukang natutuwa pa siya sa ginawa niya

"Sakin nga galing pero ikaw ang nagkalat. Hindi ko akalain na isa ka rin palang snatcher akala ko kase bayarang babae ka lang" akala mo ba matatalo mo ko ng ganon lang? mag seminar ka muna

"Opss... my bad, secret lang ba dapat yun? sorry sadya" akmang lalapit na siya sakin nang hablutin ni Keach ang kamay niya at sapilitang hinarap sa kanya

"Lahat ng walang kinalaman sa video GET OUT!" sigaw ni Keach

"Binge ba kayo!? I SAID GET OUT!" nagmamadali silang lumabas

"Anong ginagawa mo dito Xol? binge ka ba!?" naiinis na sabi ni Keach sa kanya

"Gusto kong malaman kung anong nangyari" seryoso niyang sabi kaya hinayaan nalang siya ni Keach

Muli niyang hinarap si Astria na kanina pa nagpupumiglas na pakawalan niya.

"Bigay mo yan sakin, namumuro na yang babaeng yan" hablot ni Kenzie kay Astria at malakas na sinampal

"Nag iisip ka pa ba ha!? Alam mo naiinis ako kay Keach kase napakaarte niya pero sayo? gusto kitang gulpuhin hanggang sa hindi ka na humihinga" nilapitan niya si Astria at hinawakan sa kwelyo

"Sa sobrang uhaw mo sa atensyo dinamay mo ang iba!" pabalibag niya 'tong binitawan tumama pa tuloy si Astria sa white board

"Dinamay mo ang mga inosenteng tao" disappointed na sabi ni Kian

Dahil kila Astria ko nakatutok hindi ko napansin na kanina pa pala tumigil sa pag-aaway sila Wyatt.

"Si Zaren ang nag sumbong kaya namatay ang pinsan ko, pinsan ko si Sophia Truce" panimula ni Wyatt

"Dapat lang yun sa kanya" napatitig kami kay Zaren dahil sa sinabi niya

"Z-Zaren..." hindi makapaniwalang sambit ni Yzael sa pangalan nito

"Akala niyo ba nakapatinong tao niyang si Zaren? all these years pinaniwala niya kayo sa isang kasinungalingan!" sabat ni Astria

"Pareho lang sila ng kapatid niyang walang puso!" dagdag niya

"Ganyan ka ba sakin dahil kahit kailan hindi kita nagustuhan? Sino ba naman kasing lalaki ang magkakagusto sa babaeng nagpapakama kung kani-kanino para lang magkapera" pang-iinsulto sa kanya ni Zaren

"G*go" sabi ni Xol sa kanya sabay sapak

"Ahhh!" daing niya

"Bakit ka ba nakikialam dito? hindi ka naman kasali sa gulong 'to!" maangas niyang sabi kay Xol

"Wala nga kong kinalaman sa gulo niyo pero nakakaput*ngina mo para bastusin si Astria" galit niyang tugon dito

"Dapat pala hinayaan ko nalang si Wyatt na gulpuhin ka kung alam ko lang na ganyan katabil yang dila mo"

"Hindi ibig sabihin na nagpapakama na siya sa iba't-ibang lalaki ibig sabihin wala na siyang halaga. Ang t*nga mo sa parteng yun, kung hindi ka marunong magpahalaga sa babae wag kang makipagrelasyon at mas lalong wag kang mag-asawang hayop ka!"

May point naman si Xol, kahit ako medyo na offend sa sinabi ni Zaren kahit hindi ako ang sinabihan niya.

"Kahit naman anong sabihin ni Zaren mamamatay pa rin ang buong section natin HAHAHAHAHA" natatawang sabi ni Astria na parang pinanawan na ng tino

"Anong ibig niyang sabihin?" tanong ko kay Yzael na hindi na makitingin sakin

"N-Namatay si Ate Sophia dahil binalak niyang mag sumbong sa otoridad. Ginamit ang I curse the Class IV-C na hindi namin alam kung sino ang may gawa para palabasing dahil sa sumpa kaya namamatay ang mga estudyante dahil nag cheat sa exam pero ang totoo namatay sila dahil nalaman nila ang sekreto ng section na 'to. Lahat ng nakakaalam ng sekretong yun namatay maliban samin" paliwanag niya

Ibig sabihin totoo ang sinabi ni Mr. Russell.

Napatingin ako sa mga taong nasa loob. Edi uunahan ko si kamatayan, paunahan kami.

"Pero ang sabi ni Astria let's die together" naguguluhan kong tanong

"Dahil wala ng exemption sa pagkakataong 'to" seryosong sagot ni Astria

"Alam pala ni Mr. Schmidt ang mga ginagawa mo at hinahayaan ka lang niyang mahulog sa bitag niya" what the f*ck, lugi ako dun ah

"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila ng kausap niya sa kabilang linya na balak niya kaming patahimikin kasama ka"

Alam ko na ang totoo may ebidensya na rin ako sa ginawa ng anak niya at nobyo nito pero may kulang pa. Kailangan ko ng ebidensya na may kinalaman siya sa mga namatay na estudyante.

Cursed Section (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon