CHAPTER 23

27 1 0
                                    

Einra Vela POV


Pagbalik ko sa room sandamakmak na tanong ang bumungad sa'kin, puro tanong nila Tami at Xol.

Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Last subject nang mag text ako kay Claude na magkita kami sa library. Nagtanong pa siya pero hindi na ko nag abalang sumagot.

Hindi rin ako sumama sa group study nila ngayon, kaya ko makapasa ng hindi sumasama sa mga ganon.

Pagkarating ko sa library nakita ko agad si Claude na natutulog lang kaya binatukan ko siya. Magrereklamo pa sana nang makita niya kung sino ang bumatok sa kanya.

"Follow me"

"Wow parang follow the leader lang ah" lumingon ako sa kanya at masama siyang tiningnan

"Kala ko ba sila Xol isasama mo?" tanong niya muli

Naglakad kami hanggang makarating sa pinakadulong bahagi. Hinanap ko ang sinabi ni Gio na pinto, may nakapaskil na Restricted Area: Staff Only pero syempre ako ang batas pake ko sa signage na yan.

Pagpasok namin tumambad samin ang lumang library, sa right side puro year book at sa left side naman puro old books. Kada bookshelves ng year book may nakalagay na taon kaya mabilis kong nahanap ang year book ng Class IV-C 6 years ago.

Binuklat ko yun at hinanap ang mga pangalang binanggit ni Gio. Tahimik lang na nasa tabi ko si Claude habang nakikibasa.

Matapos kong mabasa ang kailangan kong malaman saka ko naglakad palabas ng old library habang nakasunod si Claude.

Ramdam kong may gustong sabihin si Claude kanina pa sa may library pero hindi naman nagsasalita hanggang sa makauwi na kami.

"Spill it" walang gana kong sabi sabay bagsak ng katawan ko sa malambot na kama

"Binasa ko na lahat ng info na pinabackground check mo sa'kin kaninang free time" panimula niya

"Mag pinsan sila Wyatt Isidro at Sophia Truce" nabangon ako sa pagkakahiga

"Ano pa nalaman mo?"

"Magkapatid si Yzael Tyrr at Gio Tyrr, ganon din sila Zaren Schmidt at Valerie Schmidt" napairap ako sa sinabi niya

"Seriously Claude? kahit ako mismo alam ko na yan"

"I-background check mo rin lahat ng babanggitin kong pangalan... Kevin Dreichsier, Evan Harrison, Gio Tyrr, Valerie Schmidt, Sophia Truce. Bibigyan kita ng kalahating oras para magawa yun"

"Nagbibiro ka lang di ba?" hindi niya makapaniwalang sagot

"Muka ba kong nakikipagbiruan sayo?" seryoso kong sabi

Umalis siya sa harap ko matapos kong sabihin yun. Pagkaalis niya saka ko kinuha ang laptop ko saka ko binasa ang info ng buong IV-C.

Hindi nakalagpas sa paningin ko ang info tungkol kay Keach. She's suffering from PTSD or Post-Traumatic Stress Disorder a mental health condition that's triggered by a terrifying event — either experiencing it or witnessing it. Dahil sa nabasa ko naalala ko ang nangyari sa kanya sa room, the question is anong nagtriggered sa kanya that time?

Naghanap pa ko ng ibang info tungkol sa kanya through social media pero wala akong nakita. Sa sobrang bored ko inistalk ko nalang ang facebook account niya habang hinihintay si Claude.

Napatigil ako sa pag s-scroll nang mabasa ko ang isa niyang post na kamakailan lang.

"I want to tell someone but I can't"

Kian Akagi commented on her post: Baka!

Tami Astiantos reply to Kian: That's to mean >.<

Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang kumatok si Claude sa pinto ko kahit nakabukas naman, sumilip pa siya bago pumasok.

"Lalim ng iniisip, malapit na 4th periodical exam niyo, yun dapat iniisip mo hindi yung mga ganitong bagay" sermon niya

"Shut up and tell me kung anong nalaman mo"

Pinagpatuloy ko ang pag s-scroll sa timeline ni Keach habang hinihintay siyang magkwento.

"Alam mo bang nagkaron ng boyfriend si Eaux?"

"Pardon?" imposible... dahil hindi ko alam ang bagay na yan

"Alam mo bang nagkaron ng boyfriend si Eaux?" inulit niya nga talaga

"Nasobrahan ka yata sa pagiging masunurin"

"No, I didn't know about that, she never told me" dagdag ko

"Si Evan Harrison ang naging boyfriend niya, isa siya sa mga estudyanteng bigla nalang nawala. Hindi lang siya ang estudyante sa Class IV-C na nawala nang parang bula, isa na dun sila Sophia Truce na napag-alaman kong bestfriend ni Eaux at si Kevin Dreichsier na kaibigan nila"

Napatitig ako sa kanya, kaya pala pamilyar si Sophia dahil siya yung babaeng minsan ng dinala ni Ate Eaux sa bahay. Nagtataka ba kayo kung bakit Seite ang surname niya while ako Vela? tbh I don't know too kung bakit surname ni Mom ang gamit ni Ate habang ako surname ni Dad.

"Alam kong pareho lang tayo ng iniisip" sabi ni Claude

"Lahat ng estudyante sa klase ng ate mo na nawala na parang bula ay konektado sa kanya"

"And I also remembered what Tami told us... there's a lot of students na namatay, now it makes sense"

"Paano kung sila yung mga estudyanteng namatay?" maging ako yan din ang naisip

"Paano kung sila ang susi sa lahat ng 'to?"

"Paano kung konektado ang pagkamatay ni Eaux sa pagkawala nila?"

"Kung totoo yang sinasabi mo malaki ang chance na may alam sila" sagot ko

Para kaming nagpipinoy henyo. Pilit naming hinuhulaan ang mga nangyari dahil baka sa pamamagitan nun maituro kami sa tamang daan.

Damang daan nga ba? o baka ito pa ang magpahamak samin?

Nararamdaman kong malapit na naming malaman konti nalang.

"Sigurado ka bang gusto mong malaman kung bakit namatay si Eaux?"

"Are you stupid or what? kung may kapatid ka at bigla nalang namatay hindi ka ba macucurious at hahanap ng hutisya?"

"Stop asking me with your stupid question dahil pareho nating nasaksihan kung paano binawian ng buhay ang kapatid ko!"

"Pero mapapahamak ka"

"Come on Claude ilang beses pa ba nating pagtatalunan yang pagiging concern mo!?" napatayo na ko mula sa pagkakaupo sa kama

Lumapit ako sa pwesto niya kung saan siya nakaupo sa study area ko. Mahigpit kong hinawakan ang kwelyo niya.

"That proves me Claude na may tinatago ka sa'kin" kita kong namutla siya sa sinabi ko

"Gusto mo malaman kung paano? It's girls instinct" hindi ako nakarinig ng kahit anong sagot mula sa kanya

"Alam kong IT student ka pero hindi ka pa ganon kagaling pagdating sa mga hacking. Isa pa sobrang higpit ng security ng Schmidt Academy lalo na pagdating sa estudyante ng Class IV-C kaya nagtataka ko kung paano ka nakakuha ng ganong impormasyon sa loob ng half hour lang. Yung identity ng mga kaklase ko medyo nakalusot ka dun dahil isang araw yun, malawak oras mo na magawa ang pinapagawa ko sayo. Wag mo kong patawanin Claude, alam kong may ginagawa ka behind my back. Don't you dare to betray me"

Ngayon mas napatunayan kong palihim siyang kumikilos habang nakatalikod ako. I don't know if he's a foe or an ally now.

Cursed Section (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon