CHAPTER 16

31 2 0
                                    

Claude Dela Cruz POV

Pagkatapos naming kumain saka nila naisipang umuwi. Pagpasok ni Einra sa sasakyan dama ko ang masamang presensya niya. Maling-mali na inasar ko siya, mukang hindi na tatagal ang buhay ko.

"You can talk to me now kung paano mo ko kinausap kanina habang kasama natin sila Xol" tiningnan ko siya sa rear mirror ng sasakyan, kita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi niya

"Ah... Baka pwedeng pag-usapan natin yan" mapapatawag ka talaga ng iba't-ibang santo kapag ganiyan ang itsura niya

"Yeah, pag-uusapan talaga natin kung paano mo inubos ang pasensya ko Dela Cruz" malakas niyang sinipa ang inuupan ko habang nagmamaneho

"Sh*t" muntikan na kong makabangga. Anak ka talaga ng nanay mo!

"Minumura mo ba ko?" napalunok ako ng laway dahil sa pagbulong niya nun sa tenga ko

Ramdam kong nasa panganib ang buhay ko, lalo na ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating kami sa bahay nila. Pagkatigil ng kotse mabilis siyang bumaba habang ako nagdarasal nang taimtim dahil mukang magkakandalasog-lasog na naman ang katawakan ko.

"Bumaba ka na diyan wag mong hintaying pagbuksan kita" banta niya sakin

Nagbilang muna ko bago ko nagkalakas ng loob na bumaba sabay takbo.

"WAAAAAHHHHH TULONNNGGGGGG" wala kong pake kung isipin niyong bakla ko dahil sa kaduwagang pinapakita ko. Hindi niyo ko naiintindihan dahil hindi niyo naman naranasang magulpi ng isang Einra Vela.

"DELA CRUZ BUMALIK KA DITOOOO!" nag echo ang boses niya sa kabuuan ng bahay

Napatigil pa ang ibang kasambahay dahil sa nakakatakot nitong sigaw.

"KAPAG NAABUTAN KITA TAPOS KA!" kaya nga wala kong balak na mahuli niya

Bakit kase kung gaano kaamo ang muka niya kabaliktaran naman ng ugali niya!? Napakabrutal, kawawa ang magiging asawa niya sa hinaharap baka hindi makatagal ng isang linggo na kasama siya nakalibing na at pinaglalamayan.

Pagkarating ko sa second floor kung nasaan ang kwarto ko, mabilis akong pumasok akmang isasara ko na nang matigilan ako dahil sa pagharang niya.

"Gotcha" bumwelo siya bago niya sinipa ang pinto

Tumalsik ako dahil sa pagtama ng pinto sakin at napaupo sa sahig. Mabilis siyang lumapit sakin.

"Alam mo namang hindi mo dapat ako ginagalit pero ginawa mo pa rin" hinatak niya ang necktie ko at hinigpitan hanggang sa halos hindi na ko makahinga

"S-So" king ina hindi ako makapagsalita

Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa necktie ko nang kusa niya itong bitawan.

Sa pagbitaw niya napaubo ko. Napahawak ako sa leeg ko, balak niya yatang tapusin ako.

Nakahinga ko ng maluwag nang makita siyang naglakad palayo, mukang hindi naman ganon kasama ang parusa ko sa pang-aasar sa kanya.

"Oh wait I forgot something" dali-dali siyang naglakad palapit sakin habang ako napapaatras naman

"T-Teka anong n-nakalimutan mo?" kabado kong tanong

"This" malakas niya kong sinipa sa sikmura

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Pakiramdam ko nagkandalasog-lasog bituka ko dahil sa ginawa niya.

"Come to my room after mong makapagbihis. You only have 5 mins. para gawin yun" pahabol niyang sabi bago tuluyan akong iwan

Napakabrutal talaga kahit kailan. Paika-ika kong naglakad sa closet ko. Basta nalang ako naghubad sabay palit bago pumunta sa kwarto niya, mamaya ko nalang aayusin yang uniform ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Einra Vela's POV

Ilang minuto na ang lumipas wala pa siya, inuubos talaga ng lalaking yun ang pasensya ko.

Umupo ako sa gilid ng kama ko kung saan nakatapat ang pinto. Kumuha ako ng tatlong throwing knife, pwedeng mamatay siya kapag sa ulo niya sumakto 'to.

Pinagmasdan ko ang pinto para hintayin ang pagpasok niya. Nang marinig ko ang pagpihit ng door knob hinanda ko na ang mga throwing knife.

Makipot niyang binuksan ang pinto at sumilip ng kaunti, nang makita niya ang hawak ko agad ko yung hinagis sa kanya na mabilis niya namang isinara ang pinto.

"D*MN YOU DELA CRUZ! BILISAN MONG PUMASOK SA KWARTO KO!" gusto ko siyang gilitan ng leeg

"P-Paano ko papasok kung halos patayin mo na ko gamit ang throwing k-knife"

Napataas ang kaliwang kilay ko dahil sinabi niya.

"NAGDADAHILAN KA PA TALAGA! PAG BILANG KO NG TATLO AT WALA KA PA SA LOOB, SA SEMENTERYO KA MATUTULOG" kalalaking tao napakaduwag tsk

"Isa..." wala kong narinig na kahit ano

"Dalawa..." hindi ako nagbibiro sa sinabi ko alam niyang gagawin ko yun

Magbibilang na sana ko muli nang malakas na bumukas ang pinto habang nakaluhod siya na mukang batang inapi.

"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?"

"Para kang t*nga tumayo ka nga diyan o ihuhulog kita sa hagdan" mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaluhod

"Your punishment is already done kaya maupo ka sa sofa at may sasabihin ako sayong mahalaga"

"Kung kanina mo pa yan sinabi edi s-" napatigil siya sa pagsasalita ng lingunin ko siya

"May sinasabi ka ba?"

"W-Wala, ano ba yung sasabihin mo?" nakasimangot siyang naupo sa sofa habang hinihimas ang leeg niya

Hindi naman mahigpit pagkakasakal ko sa kanya oa lang talaga siya, tsk.

"About sa school" nakita ko ang biglang pag-iba ng itsura niya

"I got some info kung anong klaseng eskwelahan ang pinasukan natin"

Same school kami ang pinagkaiba lang college na siya habang ako 4th year high school palang.

Sinabi ko sa kanya lahat ng sinabi samin ni Tami kanina kung ako hindi ko napigilang hindi mainis malamang pati siya. Napakuyom siya ng kamao habang nagpipigil ng galit.

"Pero gaya ng sabi ko delikado ang plano mo Einra" halata sa muka niya ang labis na pag-aalala

"And I already told you na handa kong itaya lahat ng meron ako malaman lang ang totoong nangyari" napapikit ako saglit kasabay na malalim na paghinga

"Pwede ka pang mag back out" gusto kong mainis sa kanya sa tuwing tutol siya sa plano kong 'to pero at same time alam kong nag-aalala lang siya para sa'kin

"Naumpisahan ko na bakit pa ko titigil? isa pa hindi ako kasing duwag mo" hindi naman talaga duwag si Claude alam kong ayaw niya lang ng gulo

"Tsk bahala ka, basta wag mong huhubarin yang kwintas na bigay ko" sabi niya bago umalis sa kwarto ko

Napahawak ako sa kwintas na bigay niya. Regalo niya 'to nung 16th birthday ko, sinabi niya rin na may tracking device 'to at waterproof.

Cursed Section (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon