CHAPTER 30

25 2 0
                                    

Einra Vela POV

Dahil sa mga nangyari hindi ko na napansin ang pagdaan ng Sabado at Linggo pakiramdam ko palaging may pasok.

Nag shower muna ko bago bumaba para magbreakfast. Pagbaba ko parang gusto ko nalang ulit bumalik sa kwarto at magmukmok dahil nakita ko ang huklubang matandang yun.

"Good Morning" bati ni Claude

Hindi manlang nag angat ng tingin sa'kin. Baka naman pati ako hindi niya anak, kung mangyayari man yun baka matuwa pa ko.

"Gala tayo pagkatapos natin mag breakfast" aya niya

Walang pakialam samin yung matandang yun. Akala mo may sariling mundo at hindi kami nag e-exist.

"You promised, baka putulin ko yang dila mo" matabang kong sagot

"Kaya nga tayo gagala" ewan ko sa kanya

Pagkatapos ko magbreakfast umakyat ako sa kwarto para magtootbrush. Paglabas ko ng cr nakita kong nakaupo si Claude sa sofa.

"Ganyan na ayos mo? magdress ka kaya" pumunta siya sa closet ko at kumuha ng floral dress

"Ito suotin mo" abot niya sakin

"Bakit hindi ikaw ang magsuot tutal ikaw nakaisip" pamimilosopo ko

"Bilis na, ngayon lang naman nag request" pamimilit niya

"Oh? akala ko demand yun, request pala"

"Tapos mag heels ka ha"

"Gusto mo bang ipukpok ko sayo yang mga heels diyan?" turo ko sa shoerack

"Magbihis ka nalang" tinulak niya ko papasok sa cr para magpalit ng damit

Pagbibigyan ko siya ngayon, kapag hindi ko nalaman ang gusto kong malaman sa araw na 'to malilintikan siya.

Pagkatapos ko magbihis saka naman ako nag-ayos. Powder at lipgloss lang nilagay ko. Nagpatulong ako i-curl ang dulo ng buhok ko saka kami umalis.

Sa isang mall kami pumunta. Inangkla niya ang kamay ko sa braso niya pagpasok namin sa mall kaya akala siguro nila may relasyon kami.

"Siguro iniisip nila na ang gwapo ng ka-date mo"

"Last time I check wala kong dinate kahit na sino"

"Ang sweet mo talaga, sobrang sweet mo" sarkastiko niyang sabi

Pumasok kami sa isang mamahaling resto pero kami lang ang tao. Mukang pinareserved.

Binigyan kami ng menu na agad kong kinuha. Tumingin lang ako pero hindi ako umorder dahil kakakain palang namin.

Napatingin ako sa kanya ng marinig kong inuulit ng waiter ang mga inorder niya.

"Hindi mo naman siguro balak pagbayarin ako kaya mo ko dinala dito?"

"Hindi, libre sa'tin 'to"

"Sorry I'm late busy kase sa headquarter" napaangat ako ng tingin sa lalaking kararating lang

"I'm Nicholas Russell" nakalahad ang kamay niyang pagpapakilala na hindi ko tinanggap

"I don't shake hands with stranger"

"Einra!" napalingon ako sa tinawag ni Claude sa'kin

"What? eh sa hindi ko siya kilala. Anong gusto mo magalak ako na makilala ko-" napasinghap ako nang putulin niya ang sinasabi ko

"He's your sister biological father" napatitig ako sa lalaking nasa harap namin dahil sa sinabi niya

"For real?" paniniguro ko

"Yes" nakangiting sagot ni Mr. Russell

"Bakit mas kamuka ko pa si Ate Eaux? sigurado ka bang ikaw ama niya?" naglabas siya ng brown envelope. Tiningnan ko ang laman nun, DNA test at base dun mag-ama nga sila.

"Maybe gawa mo lang 'to. Nakausap mo ba siya bago siya mawala?"

"Hindi, pero kumuha ako ng sample nung nilibing na siya" ok confirm

Hindi ko alam kung anong dapat i-react. Dapat ba ko matuwa o mainis kase kaharap ang biological father ni Ate.

"Ayokong sanang masayang ang oras ko kaya kung may sasabihin ka go ahead" nakakabastos mang pakinggan pero nagpapakatotoo lang

"Nagtataka ka siguro kung paanong nabuo si Eaux" don't tell me ikwekwento niya pa kung paano nilang literal na ginawa si Ate?

"5 months ng nagdadalang tao na ang mommy niyo sa ate mo nun. Nicole ang napili naming magiging pangalan niya"

Isa yun sa kinakainggit ko nung mga bata pa kami. Bakit dalawa ang pangalan niya habang ako isa lang, Nicole Eaux Seite ang naging fullname niya.

"Maayos naman ang pagsasama namin ng mommy niyo at balak na sana naming magpakasal kapag nakapanganak na siya. Isang araw dahil busy ako sa trabaho, pag-uwi ko wala na kong nadatnan. Ang akala ko namasyal lang siya pero lumipas ang 24 hours wala pa rin siya. Nagpatulong ako na hanapin siya sa mga kapwa ko NBI. Inabot kami ng 2 weeks bago nalaman ang location niya at kasal na siya sa tarantado mong ama" dama ko ang galit niya sa matandang yun

"Oh chill, I'm not him... although anak niya pa rin ako" pagpapakalma ko sa kanya

"Paanong nangyari na kinidnap siya ng matandang yun?" tanong ko

"Matagal ng may pagtangin ang daddy mo sa mommy mo pero kahit kailan hindi siya nagkagusto dito"

"Ah so you mean forced marriage ang nangyari?"

"Oo" then he's stupid! alam ko that time legal na ang kaso sa mga force marriage

"Hindi mo sila sinubukang kuhanin?"

"Sinubukan ko pero tinatakot niya ang mommy mo na sasaktan si Nicole" hindi ako sanay na may tumatawag na Nicole kay Ate

"I thought that time na masayang pamilya ang meron ako kaya pala ko nagtataka kung bakit magkaiba kami ng surname at sa tuwing may family gathering nasa kwarto lang siya"

"Nakiusap ako sa mommy mo na gusto kong makausap si Nicole pero tinataboy  niya ko. 4th year na nun ang kapatid mo at hanggang tanaw nalang ako dahil may nakabantay sa bawat galaw niya. Pinapabantayan siya ng ama mo"

"Wait... what? may nakabantay sa bawat galaw ni Ate pero namatay siya na parang walang nakakaalam? gusto kong matawa" napatitig ako sa kanya dahil sa biglang naisip ko

"Malakas ang kutob namin na may kinalaman dito si Mr. Vela" sabat ni Claude, nandito pa pala siya

"Ganon na ba kahalang ang kaluluwa ng ama ko sa paningin mo Claude? remember wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi dahil sa kanya" pagpapaalala ko mukang nakakalimutan niya na

"Hindi malabo ang bagay na yun" pangungumbinsi ni Nicholas sa'kin

"NBI ka pa rin ba hanggang ngayon?" tanong ko

"Yes... Deputy Director na ko ngayon" wow taas ng ranko

"Then gamitin mo yang posisyon mo para makakuha ng ebidensya na may kinalaman nga ang ama ko sa pagkamatay ng kapatid ko bago ko maniniwala sa inyo"

Madami pa silang sinabi sakin at hindi maaalis ang titig ni Nicholas... Isang titig ng amang nangungulila sa anak, yan ang nababasa ko sa mga mata niya habang kausap siya.

Cursed Section (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon