CHAPTER 15

32 2 0
                                    

Tami Astiantos POV

Katabi kong nakaupo sa sahig si Kian habang nagrereview kami, dahil sila Vinson at Zaren ang pinakamatalino na nandito sila ang nagtuturo kapag hindi namin alam.

Tanda ko naman yung ibang lesson kaya konti nalang rereviewhin ko hindi katulad nung tatlo ang dami nilang kailangan habulin.

Ilang oras pa ang lumipas halos tunog nalang ng wallclock ang naririnig ko sa sobrang tahimik.

"Guys nabasa niyo ba yung Noli Me Tangere?" tanong ko sa kanila

"Ano ka ba naman Tami last year pa yan ah hindi naman yan kasama sa exam" reklamo ni Lasterine

"Heh! puro ka kasi kdrama! hoyy ang ganda kaya nun!" nakasimangot kong sabi

"I read it" sagot ni Kian

"Wow talaga!?" namamangha kong sabi

"Tami" saway ni Zaren sakin dahil ang ingay ko na pala

"Hehehe sorry" nag peace sign pa ko

"Alam mo ba tinigil ko panonood ng anime para mabasa yun nung 3rd year tayo. Ang lalim ng salita pero worth it basahin" inaalog-alog ko pa siya

"Tapos alam mo naiyak ako sa part nung nabaliw si Sisa dahil dun sa mga anak niya pero mas naiyak ako sa part nung namatay siya. Hanggang sa huling hininga niya hinahanap niya sila Crispin at Basilio. Pinagtawanan ko pa dati yung nakita kong nag role play kay Sisa pero nung nabasa ko yun, promise pinagsisihan kong pinagtawanan ko yung babaeng gumanap bilang Sisa. For me si Sisa yung nanay na hinahangad ng karamihan, isang mapagmahal na asawa at ina. Handang gawin ang lahat para sa mga anak niya kahit pa masaktan siya" promise guys kung para samin ni Stellar ang ganda magbasa ng manga at wattpad... worth it naman basahin yun para kang napunta sa sinaunang panahon

"How about the El Filibusterismo?" tanong niya

"Hala Kiannnn! kung nakakaiyak yung Noli Me Tangere mas nakakaiyak yung El Filibusterismo!" nag advance reading ako dun kase naman ang ganda din nun

"Bumili pa nga ko ng book nun although katulad ng Noli malalim ang salita pero worth it din basahin yun tsaka mixed emotions mararamdaman mo habang binabasa mo yun, matatawa ka, maiinlove, maiiyak etc." sabi sa inyo guys mabait yan si Kian, halos siya lang nakikinig sa mga kwento kong walang kwenta except sa kwento ko ngayon

"Alam mo yung feeling na bumalik yung taong pinakamamahal mo para lang kunin at makasama ka pero nung konti nalang ilang dipa nalang hawak kamay niya na ang babaeng pinakamamahal niya dun niya pa nalamang binawain na 'to ng buhay. Naiyak ako sa part na yan alam mo yung feeling na siya nalang yung taong naging pag-asa mo para mabuhay tapos nawala pa siya sayo, grabe sobrang sakit nun"

"Ang hangad lang naman ni Simoun ay kalayaan at makapaghiganti sa mga mapang-abusong mga prayle at Espanyol pero hindi siya nagwagi wala manlang kahit isa sa mga plano niya ang natupad hanggang sa nag decide siya magpakamatay, naglason siya dahil ayaw niyang mapasakamay siya ng mga Espanyol na mapang-api" hindi ko napigilang hindi umiyak, kasi naman eh fan ako ng mga love story pero sana naman yung may happy ending!

"Tsk, iyakin" pang-aasar niya sakin

"Here" abot niya sakin ng panyo

Kinuha ko ang panyong inabot niya at pinangpunas sa luha ko.

"Sana hindi yun mangyari sa love life ko *pout*" pagtingin ko kay Kian nakatingin din siya... sa labi ko

"Hoyy" nagulat ako sa nagbato ng eraser sa pwesto namin

"Bakit?" tanong ko kay Lasterine

"Kanina pa kayo nagbubulungan madaya ka hindi ka naman nagrereview nagkwekwentuhan lang yata kayo tungkol sa anime!" reklamo niya

"Hindi kaya! Noli Me Tangere at El Filibusterismo kaya kinikwento ko sa kanya" pagmamayabang ko

"Ayy taray kabog nagbasa siya" papuri ni Stellar sakin

"Gaya mo ko sayo na nakakailang wattpad stories nababasa sa loob ng isang araw pero hindi kayang magbasa ng lesson sa school, bleh"

"Mayabang ka, tsk"

"Nye nye nye" nag hand gesture pa ko para dama niya

"Stop it Tami para kang bata" saway ni Kian sakin kaya tumigil na ko

"May utang ka pa sakin" eh? pano ko magkakautang eh hindi naman ako mahilig mangutang

"Sa pagkakaalala ko wala kong utang kahit kanino" inalala ko pa kase baka nakalimutan ko lang pero wala talaga kong maalala

"Remember what you did earlier?" I change my mind naalala ko na pala

"Ipagluluto nalang kita ng pang lunch, promise hindi ko na kakalimutan, pinkiswear" napilitan siyang makipagpikiswear sakin

"Lulutaan nalang kita ng pang lunch bukas, ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya para sure na kakainin niya baka kase magluto ako tapos ayaw niya naman pala edi sayang effort ko

"Ikaw" sagot niya kaya napakunot noo ko

"Anong ako? nakain ka ng tao? kadiri ka naman Kian"

"Stupid" ako pa 'to ngayong stupid eh totoo naman kase di ba, nakakadiri kung nakain ka ng tao. Idol niya ba yung nasa wrong turn, eww >.<

"Ano nga para naman alam ko baka mamaya di mo kainin luto ko"

"Ikaw bahala, anything basta edible"

"Edible naman lahat ng niluluto ko ah"

"Sinigang na baboy" sagot niya

"Hala! same favorite ko din yan pero masarap din yung shrimp. Gusto mo ba yun nalang lutuin ko?"

"May allergy ako sa seafoods"

"Ayy taray ang arte ng balat mo" sinamaan niya ko ng tingin dahil sa sinabi ko

Tiningnan ko kung anong yung kanina pa niyang pinagkakaabalahan sa laptop niya.

"Hala! ang ganda!" nag dradrawing siya nung anime, sila Yukimura Shinya at Himuro Ayame ng Science Fell in Love, So I Tried to Prove it.

"Send mo sakin pagkatapos ha wallpaper ko si Yukimuro, ang gwapo niya talaga!"

Sorry Kuro kung pinagtataksilan kita pero naunang dumating si Yukimura sa buhay ko bago ka >.<

"Sir nakahanda na po ang pagkain" biglang sulpot ng kasambahay nila

"Guys let's eat bago kayo umuwi, bukas nalang ulit natin ipagpatuloy"

Nag stretching muna ang iba bago naisipang tumayo.

Napansin ko si Einra na kanina pa lingon ng lingon na para bang may hinahanap.

"Nag cr lang ako" biglang sulpot ni Claude sa harap niya pero di niya manlang pinansin

"Hoyy Tami maduga ka" sumbat sakin ni Stellar

"Wala ka lang wattpad buddies ganyan ka na, mali yun" sabi sa kanya ni Lasterine

"Heh! manahimik ka palibhasa di ka papatulan ni Claude" nag flip hair pa siya bago sumunod kila Zaren sa dinning area

Kahit magkakaiba kami ng trip sa buhay kasundo ko naman sila kapag usapang asawang palabong mapasamin hihihi.

Cursed Section (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon