CHAPTER 20

27 1 0
                                    

Einra Vela POV

Paglabas ko ng bathroom bumungad sa'kin ang isang kasambahay kasama ang make-up artist at hairstylist.

"Kanina pa po tumatawag ang Dad mo"

"Tell him na pupunta ko, tsk"

Naupo ako sa upuan kaharap ang salamin. Pag-upo ko palang inumpisahan na nila ko ayusan.

It's been a years nung huli akong ayusan ng ganito and that was her sweet 16th birthday.

Ilang oras ang inabot bago sila natapos ayusan ako. Simple lang ang ayos sa'kin pero mas lalong lumitaw ang ganda ko.

"Ang ganda mong bata" puri sa'kin nung make-up artist habang nakatingin sa salamin

"You can leave now" alam kong nakakabastos ang ganitong ugali ko pero who cares

Kinuha ko ang dress na pinadala para sa'kin ni Dad. Isang light pink dress na above the knee. Simple lang pero halatang may class ang sino mang magsusuot nun.

Pagkatapos kong makapagbihis tiningnan ko ang kabuuan ko. I hate it na sa tuwing makikita ko ang sarili ko naalala ko siya.

Pagbaba ko bumungad sa'kin si Claude na nasa sofa nakaupo na mukang kanina pa ko hinihintay. Idiot... hindi manlang naisipang magpalit ng damit, until now kase naka-uniform pa rin siya.

"Let's go" aya ko sa kanya na nakapagpaangat ng tingin niya

Sumunod siya sa'kin, pinagbuksan ako ng pinto bago siya naupo sa drivers seat.

"Just call me if you need my help" here we go again

"Just go with me kung nag-aalala ka hindi yung ang dami mo pang sinasabi"

"Sungit"

"Wanna die?"

Ilang minuto lang ang inabot nakarating na rin kami sa Schmidt Residence.

Agad akong bumaba sa kotse nang makarating kami sa harap ng mansion nila Zaren.

Hindi gaya nung una kong punta dito, ngayon mas may buhay ito kaysa noon. Maririnig mo pa ang isang lumang musika.

Pagkarating ko sa dining hall bumungad sa'kin ang pamilya nila Zaren na masayang kausap ang Dad ko, tsk paniguradong nagpaplastikan lang naman sila.

"Einra" napatigil sila dahil sa pagtawag ni Zaren sa'kin

"I thought you're not coming, balita ko hindi ka rin daw pumasok kanina" balita niya? means hindi rin siya pumasok

"May inasikaso lang" nakangiti kong sagot

"Have a sit" inilahad niya ang kamay niya na tinanggap ko naman saka ko ginuide papunta sa pwesto niya

Pinaghatak niya ko ng upuan sa tabi niya. I should sit beside my dad not beside him.

"Mukang magkakilala na kayo ng anak ko" nakangiting sabi ni Mr. Schmidt

"We're classmates dad" sagot ng anak niya

Kararating ko palang pero gusto ko ng umuwi at alam kong nahahalata na yun ng magaling kong ama pero ito siya nakikipagplastikan pa rin sa mga taong nandito sa dining hall.

Binagalan ko na pati pagkain ko dahil sa sobrang boring. Magsasalita lang ako kapag may tanong sila pero kapag wala nananahimik lang ako.

"Ahm... excuse me, restroom lang ako" paalam ko

"Samahan na kita" alok ni Zaren na nakapagpataas ng kilay ko

"No thanks, just tell me kung saan banda ang restroom niyo" paano ko makakakilos kung sasama siya

"Sa second floor left side" sagot niya

Agad akong nagtungo sa second floor hindi para mag cr kundi para mangalap ng impormasyon.

Isa-isa kong binuksan ang bawat pintong madadaanan ko. Wala naman kakaiba puro plain rooms na sa tingin ko ay guest room.

"Valerie" basa ko sa pintong may nakapaskil na pangalan ng babae. Agad kong pinihit ang doorknob na mabuti nalang hindi naka-lock

Kumpara sa mga naunang kwarto iba ang itsura nito. Makulay at halatang babae ang may-ari base sa mga gamit nito.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto wala namang kakaiba o kung ano mang makakakuha ng atensyon ko.

Paalis na sana ko nang mahagip ng paningin ko ang isang picture frame na nakaharap sa dingding at may nakasulat na friends forever.

Kinuha ko yun para tingnan kung sino ang mga nasa litrato. Napatitig ako ng ilang minuto para siguraduhing tama ang nakikita ko. Tatlong babae ang nasa litrato, pamilyar sa'kin ang babaeng nasa right side dahil madalas ko siyang makita dati sa bahay, yung nasa gitna naman kilalang-kilala ko sino ba namang hindi makakalimot sa maamo niyang muka at matamis niyang ngiti na ang sarap pagmasdan. Napakunot noo ko sa babaeng nasa left side, hindi ko siya kilala... sino siya? bakit kasama niya ang dalawang taong hindi ko na makita ngayon?

"Eaux" nabitawan ko ang hawak kong picture frame dahil sa lalaking tumawag sa'kin sa pangalang yun

Dahan-dahan akong humarap at sa tuluyang pagharap ko kita ko ang gulat at takot sa mga mata niya.

"Y-You're alive?" nauutal niyang tanong

Tama lang pala na pumunta ko dito. May silbi rin naman pala ang matandang yun kahit minsan.

"A-Akala ko p-patay ka na?" this is f*cking interesting that I really wanna wreak his throat. Gusto niya ba siya patayin ko?

Sinakop ko ang pagitan namin. Hinaplos ko ang pisngi niyang tila hindi makapaniwala sa nakikita niya.

"Aren't you happy?" gumihit sa labi ko ang isang pekeng ngiti na lagi kong pinapakita sa mga nakakasalamuha ko

"I-I'm sorry" unti-unting lumandas ang luha sa pisngi niya

"H-Hindi ko g-ginusto yun" gusto kong matawa sa sinabi niya, ang sarap putulin ng dila niya

"Sorry for what?" takang tanong ko

"H-Hindi mo b-ba naaalala?"

Obviously no, you idiot paano ko maalala ang isang pangyayaring hindi naman ako nasangkot.

Pinahid niya ang luhang lumandas sa pisngi niya gamit ang kamay niya.

"E-Eaux I'm sorry s-sana mapatawad mo ko sa ginawa ko sayo" nakakaawa siyang tingnan to the point na muka na siyang t*nga

Nagulat ako sa mabilisan niyang paglapit at tangkang pagyakap sa'kin.

"AAAAAHHHHHHH!" malakas kong sigaw kasabay nang malakas kong pagtulak sa kanya

Ang kapal ng muka niyang yakapin ako.

"L-Lumayo ka!" kunwaring natatakot kong sabi pero ang hampas lupang lalaking 'to pilit pa ring lumalapit sa'kin. Come on binibigyan kita ng pagkakataon para humaba pa buhay mo wag mong sayangin.

Ilang sandali lang narinig ko ang mga yabag ng sapatos.

"W-Wag kang lalapit s-sakin" kunwaring nanginginig ako sa takot para mas effective hanggang tuluyan na nga nakarating sa kinaroroonan namin sila Zaren

"Einra" agad akong nilapitan ni Zaren

"What happened?" nag-aalala niyang tanong na may kasamang paghaplos sa muka ko

I think he want to die too. Hindi ko rin siya binigyan ng permiso para mahawakan ang muka ko pero papalampasin ko yun ngayon.

Cursed Section (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon