CHAPTER 22

28 1 0
                                    

Einra Vela POV

Pagpasok ko sa room bumungad agad si Tami sabay yakap ng mahigpit.

"WAAAAHHHHHH EIIINNNNRRAAAA NAMISS KITA" baliw ba siya? isang araw lang ako hindi pumasok miss agad

"Shut up Tami masyado kang oa" pagpapatahimik ni Keach sa kanya

Nakasimingot siyang bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.

"Nagkasakit ka ba kahapon kaya hindi ka pumasok?" kinapa niya pa ang noo ko

"No, I'm fine may inasikaso lang ako kahapon"

"Hoy Tami maawa ka naman sa tao baka balak mong paupuin" sabat ni Xol

"Ayy sorry sige maupo ka muna hehehe" sumunod siya sa'kin papunta sa upuan ko

"Para kang stalker kung makasunod sa tao" naiiling na sabi ni Xol

"Heh! wag mong kausapin"

"Alam mo ba wala rin si Zaren kahapon kaya hindi kami nakapag group study" at dahil sa sinabing niyang yun nagkatitigan silang tatlo nila Wyatt

"OMG! NAGDATE KAYO NI ZAREN!?" gustong-gusto kong tahiin bibig niya gamit ang malaking karayom para naman manahimik

"Uyy kayo ha naglilihim kayo ni Fafa Zaren"

"Panes jackpot yun para kang nanalo sa lotto"

"May namumuong love team ayyyiiieee"

"Bagay sila parehong mabait at gwapo/maganda"

Sa pagtingin ko sa mga kaklase kong nanunukso isang pares ng mata ang halos patayin na ko sa tingin. Wait me dear pinapabackground check ko na kayong lahat, make sure na busilak talaga yang kalooban mo dahil kung hindi... yang tingin mo ang magpapahamak sayo.

"It's just a family dinner" napalingon kami sa lalaking kakapasok palang ng room na walang iba kundi si Zaren einra xol

"Waaaahhhh! ship ko na kayo ZaEi for the win!"

"Anong zaei? syempre hindi rin ako papatalo dapat may XoNa rin!" apila ni Xol

"Balak mo bang tumakbo bilang Presidente sa hinaharap kaya yan napili mong love team name niyo?" pang-aasar ni Wyatt sa kanya, kahit ako natawa rin

"Xol tigilan mo kakasinghot ng katol nakakasama yan sa kalusugan HAHAHAHAHA" natatawang sabi ni Jacob

"Masyado mong mahal bansa natin HAHAHAHA" segunda ni Nimuel

"Manahimik kayo baka bigawasan ko kayaong dalawa" sabi niya kila Nimuel

"Gusto ko rin ka love team si Einra" naiinggit na sabi ni Yzael

"Oh balak pa dumadagdag sa karibal ko, manahimik ka rin bawal bata" saway niya kay Yzael

"But he's cute like Tami" sabat ko

"Kita mo na cute raw ako sabi ni Einra bleh"

"Gwapo ko di ba?" tanong niya sa'kin na ikinibit balikat ko lang

"Einra naman, ganyan ka ba? si Pareng Claude lang talaga may gusto sa'kin" nanlulumo niyang sabi

"Then why don't you try to court him" suggest ko

"Yiiieee yaoi support ko kayo" tila kinikilig na sabi ni Tami

"Yaoi amputcha, layuan mo ko Tami baka kagatin ko yang pisngi mong fluffy"

"Waaahhh kadiri ka!"

"Tami" tawag ni Kian sa kanya na hindi ko napansing nakalapit na pala sa pwesto namin

"Kian oh! kakagatin daw ako ni Xol pisngi ko" sumbong niya dito sabay kapit sa braso nito

Pansin ko na si Tami lang madalas niyang kausapin na hindi mukang nakikipag-away.

"Tsk back off, give me back my notes" alis niya sa nakakapit na kamay ni Tami sa braso niya

"Sungit hmp!" nagmamartsa siyang umalis sa pwesto namin

"Tapos na palabas manahimik na" pagtataboy ni Xol sa mga kaklase namin

Pagkarating ng first subject teacher namin natahimik ang kaninang maingay na classroom. Lahat nakikinig lalo na paparating na ang exam.

Napunta ko sa section na 'to dahil sinadya ko. Actually matataas ang mga grades ko sa former school ko not until mag 4th year ako.

Sa tagal kong nag-aaral ngayong 4th year ko lang naranasan mag bring parent. Nagulat si Dad na pinatawag siya sa school dahil sa mababang grades ko habang ako walang pake. So I told him na ilipat niya ko ng ibang school magpapakatino na ulit ako then I choose this. Nung una ayaw niya but in the end I win. Now I am here to reveal the truth.

"Yeheyy break time na!" masiglang sabi ni Tami

"Let's go na excited na ko kumain" aya niya samin

"My baon ka ulit?" tanong ni Xol sa kanya

"Wala, bibili lang ako sa cafeteria" sagot niya

"Wait" pigil ko sa kanila

"Hindi ako sasabay kailangan ko kase pumunta kay Claude" pagdadahilan ko

"Edi samahan ka na namin! one for all dapat" suhestiyon ni Tami

"No thanks kaya ko naman" pagtanggi ko

"Sige ikaw bahala, ingat" sabi ni Tami bago sila nagpuntang cafeteria

Ang totoo kase nakareceived ako ng text kanina mula kay Gio, ang boyfriend ni Valerie na ate ni Zaren. Hindi ko alam kung gusto niya bang malagutan na ng hininga.

Lalabas na sana ko nang harangin ako ng guard. Hindi nga pala pwede lumabas kapag hindi pa uwian. Nag text ako sa kanya na hindi ako makalabas. Ilang saglit pa nakita ko si Gio na kinausap ang guard bago ko pinagayagan makalabas.

Walang tanong na sumama ko sa kanya ng kusa. Dinala niya ko sa pinakamalapit na tea house.

"Bakit mo po pala ko gustong makausap?" grabe ang galang ko

"Wag ka na mag po" nakangiti niyang sabi

"Wala kong kailangan sayo pero ikaw mukang merong kailangan sa'kin" hindi ko napigilang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya

"What?" inosente kong tanong

"Kilala mo si Eaux Seite tama ba?" palihim akong napakuyom

"Answer me bibigyan kita ng clue tungkol sa kanya" gusto kong basagin muka niya

"Yes" tipid kong tanong na ikinangiti niya

"Kamuka mo siya kung hindi ko lang alam na-"

"Shut up and tell me kung anong sasabihin mo" kita ko ang gulat sa muka niya dahil sa naging tono ko. Wala ng sense kung magpapanggap pa ko sa harap niya.

"Pumunta ka sa library, sa pinakadulo nun may makikita kang lumang pinto na dating library. Hanapin mo ang year book ng batch namin na 6 years ago. Hanapin mo ang mga pangalang 'to... Kevin, Evan, Gio, Eaux, Valerie, Sophia saka mo pagsamahin lahat ng impormasyong makikita mo"

"Are you fooling me!? why don't you just tell me everything you know?"

"Kapag ginawa ko yun pareho na tayong pinaglalamayan ngayon. Sundin mo nalang sinabi ko kung gusto mong may malaman"

"You look like her pero magkaiba kayo ng ugali"

"Because we're not the same, idiot"

"Just be careful hindi mo alam kung sinong makakabangga mo"

Sa ganong paraan natapos ang walang kwenta naming usapan saka niya ko hinatid pabalik sa school.

Cursed Section (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon