02

2.2K 32 1
                                    

Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilang mapaisip. Mukha ba talaga akong bata para tratuhin nila akong dalawa ng ganon. Yes, I am bitter kahit hindi naman dapat. Pero kasi nakakainsulto ang ginawa nila. It's like they're saying that I can't fit in because of my age or level. Alam ko maraming nagsasabi sa akin na baby face daw ako pero grabe naman yung ginawa nilang dalawa. Daig ko pa batang hindi binigyan ng lollipop.

"Mukha ba talaga akong bata?" tanong ko kay Kuya habang nakatingin sa labas.

"What do you mean?" tanong niya pabalik sa akin kaya hinarap ko siya.

"A lot of people are saying that I have a baby face. So yun ang tanong ko, mukha ba akong bata?" paliwanag ko at kumunot naman ang noo niya.

"I guess. Atsaka bata ka pa naman talaga." sagot niya at mas lalo akong napasimangot. Kahit kailan wala talagang kwenta kausap 'tong si Kuya.

"I'm 19 already." pilit ko at tiningnan niya ako saglit.

"Tingnan mo, still young. Para saan ba 'to? Bakit mo ba tinatanong?" napabuntong hininga naman ako.

"I just wonder. You shouldn't treat me as a kid, Kuya. Kaya ko na ang sarili ko." sagot ko. Tumango-tango naman siya na animo'y hindi niya ako pinaniniwalaan.

"If you're not a kid as you claim to be dapat marunong ka na sa lahat. Hindi yung kung ano ang sinasabi ng ibang tao ay ganyan ka na lang umasta. Masasabi mo lang na matanda ka na when you start to not care about other's people opinions." mahabang sambit niya at inirapan ko naman siya. Nagtanong lang naman ako kung mukha akong bata hindi ko na kailangan ang sermon niya.

I don't really get why they think that people in the same age like me don't know anything. As in hindi talaga alam ang lahat sa buhay. Yes, we're young but we're not naive. We're capable of doing great things katulad ng ginagawa ng mga matatanda 'daw'.

Hindi ko na siya pinansin hanggang sa dumating kami sa bahay. I'm too pissed about what happen earlier and kung ano man yung sinabi niya. Saktong dumating ang parents namin sa bahay ng maghapunan kami. As usual, they are talking about a case na hinahawakan ngayon ni daddy.

"That guy should be convicted, Dad. The evidence is clear that the man raped and killed his daughter." seryosong sabi ni Kuya. Tumango naman si daddy.

"I know and I'm working on putting that bastard behind the bars, son. How can he do it to his own daughter? Napakababoy." sagot ni Daddy.

As you can see, my father is a public defender. Hinahangaan ko ang katapangan niya at ang pagmamalasakit niya sa mga taong naaagrabyado hindi lamang ng batas kundi pati na rin ng kapwa nila. He won several case already right after he graduated law school. Kaya ganon na lang ang respeto ng mga nakakakilala sa kanya.

On the other hand, my mom is a civil lawyer. Katulad ni daddy marami na rin siyang naipanalong non-criminal case. Mostly ang mga clients niya ay mga malalaking kompanya na nagkakaroon ng problema tungkol sa pera o hindi kaya mga kontrata.

Paano sila nagkakilala kung magkaiba sila ng work environment na ginagalawan? They both met at a courthouse. May kasong hawak si Daddy ng araw na 'yun and same goes for my Mom. Love at first sight ika nilang dalawa. Ang bumuo ng pamilya sa propesyong meron silang dalawa ay napakaimposible dahil sa obligasyon na kailangan mong punan but staying together keep them both afloat and happy.

Right after Kuya was born, they decided to put up a law firm wherein dito na tatanggapin ni Dad lahat ng clients niya. Sa sobrang successful ng pagbubukas ng law firm na ito ay nagkaroon agad kami ni Kuya ng expectations na manahin at pamunuan yun in the future.

But every good thing has a negative side. Since both of them are well-known lawyer, maraming mata ang nakatingin sa pamilya namin. Some of them wishes na maghiwalay ang mga magulang ko. Some of them waiting na may magawang mali kaming dalawa ni Kuya. Worst case scenario, some of them wants something bad to happen to us. In that case, kailangan naming mag-ingat ng sobra.

Desired (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon