30

1.7K 36 6
                                    

My friends know me as someone who is outgoing and very friendly. Natural na sa akin ang pakikisalamuha sa iba dahil na rin kay Kuya. He taught me how to socialize with others at the same time make myself reserve for people to find out more. It is also a way for me to guide myself from people na mapagsamantala.

Pero ang nararamdaman ko ngayon ay taliwas sa kung paano ako tinuruang makisalamuha ni Kuya. I feel all eyes on me katulad nung cheating incident ko kung saan ang mga taong hindi ko naman kilala ay hinuhusgaan ako sa kaisa-isang kamaliang nagawa ko.

Unti-unting bumigat ang paghinga ko at feeling ko ano mang minuto mula ngayon ay magbebreakdown ako sa harap nila or worst mahimatay sa tindi ng kaba, nerbyos at kung ano pang pinaghalong nararamdaman.

Mas lalong hindi nakakatulong ang mapagmasid na mata ni Dale sa akin. Simula ng igiya ako ni Ate Imee sa pwesto ng mga Montenegro ay ramdam ko na agad ang paninitig niya. Hindi ko alam para saan iyon o kung bakit niya ginagawa yun.

"I didn't know that you have plans na bumalik dito." saad ni Kuya Kian ng makalapit kami ng tuluyan sa grupo nila.

"I-I was offered an opportunity here that will help me in my career atsaka sa grades din po." sabi ko at tumango naman siya. I am slowly fixing my breath pero hindi ko magawa dahil pinapanood kami ng ibang mga pinsan niya.

"Does your Kuya knows you're here?" he asks me and I nodded.

"Opo, I was here with Vaughn and Pauline." sagot ko kahit nahihirapan na sa sitwasyon.

Napalingon ako ng kaunti sa gawi ni Dale at nakita na nasa akin parin ang atensyon niya. Hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya na agad ko namang tinigil at iniwas ang tingin ko.

"Elysse!" napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin na may masayang tono.

Isla hugged me tight na mas lalong nagpahirap sa aking huminga. I want to get out of here dahil nahihirapan na talaga akong pakalmahin ang sarili ko. This is all too overwhelming for me.

"Kailan ka pa dumating? I miss you." rinig kong saad niya pero hindi ko ito masyadong naintindihan. Medyo nagluluha na rin ang mata ko dahil hindi ko na kaya pang ayusin ang paghinga ko.

Naging sunod sunod ang tanong niya pero ni isa ay wala akong naintindihan. Parang pumapasok lang ito sa isang tenga ko at lalabas sa kabila. I want to be as jolly as she is because Isla is my friend but all of this is overwhelming. Kailangan ko lang mapakalma ang sarili ko para makausap siya ng maayos.

Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko at iginiya ako palayo sa kanila. Naging mabilis ang pangyayari at natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa isang open space dito sa bar. Wala pang masyadong tao sa parteng ito dahil maaga pa kaya hindi pa matao ang kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko muna pinansin kung sino ang naglayo sa akin doon pero nagpapasalamat ako sa ginawa niya. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.

Deep breaths. Deep breaths. Deep breaths.

Paulit ulit kong sinasabi yan habang inaayos ang paghinga ko. Hindi ko mapigilang hindi maluha sa nararamdamang ginhawa habang ginagawa iyon.

It's been awhile since I have a severe anxiety attack like this. Last time kong naranasan ito nung ako ang napili upang magrepresent sa school namin nung elementary. I was devastated after I learned na hindi ko natuloy ang tula ko dahil nahimatay ako bago pa man ako makatapak ng stage. Nawala naman ito kalaunan pero simula nung madiagnose ako ng depression last 2 years. Ang mga ganitong pangyayari ay madalas pero mild lang sila.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita na nasa harap ko si Dale. Napansin niya sigurong okay na ako kaya dahan-dahan siyang lumayo sa akin at inalis ang mga kamay niya sa balikat ko. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala at kuryosidad sa kung ano man ang nangyari sa akin.

Desired (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon