10

1.7K 38 7
                                    

Hindi naman ako nabigla sa tanong niya dahil alam kong nararamdaman naman niya na iniiwasan ko siya. Siguro hindi ko lang alam kung anong isasagot ko sa kanya dahil naiisip ko na napakababaw ng dahilan ko para magtampu-tampuhan kuno sa kanya.

"Are you ignoring me?" tanong niyang muli ng nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Iniwas ko naman kaagad ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ah." pagsisiungaling ko at sinilip ang reaksiyon niya. Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang hindi niya ako pinaniniwalaan.

"I am ignoring you." mahinang sambit ko habang nakayuko at narinig ko ang mahina niyang buntong hininga.

"Why?" itinaas ko ang ulo ko para tingnan siyang muli at nasa akin parin ang atensyon niya. Kung hindi lang ako nilalamon ng kaba at selos ngayon panigurado ay kanina pa ako nakangiti ng malawak sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Syempre minsan niya lang akong tingnan sa ganyang paraan pero dahil nga nakita ko siya kahapon na may kasama ay hindi ko magawa.

"Wala naman." pagsisinungaling  ko at nagulat ako ng lumapit siya sa akin. Ngayon halos isnag metro na lang ang layo namin sa isa't isa. 

"Anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko sa kanya. "Hindi ba uso sayo ang social distancing?" sambit kong muli.

"Something is bothering you. Madali kang basahin. Kung may problema ka sa akin, sabihin mo hindi 'yung iiwasan mo ko." seryosong sambit niya kaya medyo nahiya naman ako ng kaunti sa inasal ko. Pero napakahirap naman kasi ng gusto niyang ipagawa sa akin. Akala ba niya madaling sabihin na nagseselos ako. 

"Hindi mo naman maiintindihan eh. Wala lang yun, Dale. Wag mo nalang ako pansinin." sabi ko at kung seryoso siya kanina mas lalo siyang naging seryoso ngayon. Mas lalo lang lumakas ang tibok ng puso ko sa nakita kong pagbabago niya ng ekspresyon. Kinagat ko ang labi ko at naisipang sabihin nalang sa kanya. Ika nga ng iba ang susi sa magandang relasyon ay communication. Wala na nga kaming relasyon hahayaan ko pang wala kaming good communication sa isa't isa. 

"Anong ginagawa mo kanina sa med building?" mahinang tanong ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko dahil hindi ko na siya tiningnan dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon.

"Ano yun?" tanong niya kaya inangat ko siya ng tingin at napahawak naman ako sa dibdib ko sa sobrang lapit niya sa akin. Kung kanina isang metro ang layo naming dalawa ngayon ay halos tumama na ang mukha ko sa dibdib niya.

"B-Bakit ba ang lapit lapit mo?" tanong ko sa kanya at dahan dahang lumayo sa kanya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at siguro makakakalma lang ako kapag bumyahe na kami ulit dahil wala na ang presensya niya.

"I didn't hear you. Bakit ka ba kasi bumubulong bulong diyan?" sabi niya ng nakakunot ang noo na mas lalong ikinagwapo niya. Ang totoo wala bang pangit sa pisikal na kaanyuan ng lalaking ito. Lugi naman para sa aking hulog na hulog na sa kanya.

"Anong ginawa mo sa med building kanina? Nakita kita." sabi kong muli at nakita ko naman ang paglitaw ng kaaliwan sa mga mata niya hanggang sa narinig ko na ang mahina niyang tawa. Siya naman ang kinunutan ko ng noo. Anong nakakatawa sa tanong ko? Baliwa pala tong lalaking to eh. 

"Why are you there then?" tanong niya pabalik sa akin matapos niyang makabawi sa pagkakatawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin at pinagkrus ang braso ko.

"Ano munang nakakatawa sa sinabi ko?" umiling naman siya sa tanong ko at nagulat ako ng ipinatong niya ng kamay niya sa ulo ko at marahang ginulo ang buhok ko.

"I'm not going to ask you why are you there then. Kung ano mang nakita mo, si Isla yun. Sinundo ko siya kanina dahil grounded siya." nakangiti niyang paliwanag niya sa akin at mas lalo naman akong nahiya sa sinabi niya sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at inalis naman niya ang pagkakapatong niya ng kamay sa ulo ko.

Desired (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon