15

1.5K 32 0
                                    

Pagpasok ko ng bahay namin ay agad kong tinakpan ang mukha ko dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko nakita kung ano ang reaksyon niya basta ang alam ko lang ay pinahiya ko na naman ang sarili ko sa harapan niya. Kinalma ko ang sarili ko bago ko napagpasyahang umakyat ng kwarto pero agad kong nakasalubong si Kuya.

"Sinong naghatid sayo?" tanong niya at hindi ko naman siya matingnan ng diretso sa mata. Para akong may kasalanan kahit wala naman akong ginagawang masama.

"Si D- si Kuya Dale kasama yung pinsan niya at yung girlfriend nito." sagot ko at tumango siya.

"Sinong pinsan? Si Kian?" tanong niya muli kaya umiling ako bilang sagot.

"Si Kuya Johan." tumango naman siya sa sagot ko at bumaba na ng hagdan.

"Magbihis ka na. Parating na sina Mommy." rinig kong sigaw niya kaya agad na akong pumanhik papuntang kwarto ko.

.

Habang kumakain kami ay busy sa pag-uusap sina Mommy at Daddy tungkol sa isang kaso na meron ang Mommy. Mukhang hindi maganda ang naging takbo ng recent hearing kaya nanghihingi ng advice si Mommy kung paano ang gagawing hakbang. Napangiti naman ako habang kumakain dahil hanggang ngayon ay ganon parin silang dalawa. Suportado ang dalawa sa kahit ano mang bagay at kapag kailangan ng isa ng karamay ay sagot nila ang isa't isa.

"How was your day, Elysse?" tanong ni Mommy at ngumiti ng may halong pang-iintriga sa akin.

"Ayos naman po. Medyo busog pa po ako kasi kumain kami ng mga kaibigan ko pagkatapos ng exams." sabi ko at tumango naman ito.

"I'm happy that you are finally getting the hang of it, Elysse. Ipagpatuloy mo at paniguradong may kalalagyan ka sa industriya ng law. Nakausap ko ang isa sa propesor mo na dati kong kaklase noon at hanga daw siya sayo." sabi ni Daddy at ngumiti na lang ako bilang sagot.

"Sabi ko naman sayo, Dad eh. Mataas naman ang grado niya nung unang exams sadyang naninibago lang talaga si Elysse. Let's not pressure her too much." sambit ni Mommy.

"A lot of people need a little pressure sometimes. Iba na ang mundo kapag natapos siya sa kolehiyo. Kapag hindi niya kaya ngayon palang, might as well stop and find another dream to chase." monotonong sambit ni Daddy.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Kuya sa kamay ko. Tumango lang ako sa kanya na para bang sinasabi na okay lang ako at sanay naman ako sa trato ni Daddy sa akin. May point naman siya eh. He's just showing me a glimpse of what life would be after I graduated. Kung ngayon palang ay nagpapadala na ako sa pressure, marapat na talaga na maghanap ako ng ibang pangarap dahil hindi ko kakayanin ang daang tinatahak ko ngayon.

"Pupunta ba kayo ni Pauline sa Fair?" tanong ni Mommy at tumango naman ako. "Alam mo bang sa fair na yan ko sinagot ang Daddy niyong masugid kong manliligaw."

"That was ages ago, Hon. But it was good times." sagot ni Daddy. Bakas sa mga mukha niya ang saya na naramdaman niya. 

"Hindi ko alam na may pakulo pala ang Daddy niyo na isama ako sa fair na yan. You should both go. Reward yourself dahil nalagpasan niyo na naman ang isang exams." sabi ni Mommy at tumango naman ako.

"I have other plans, Mom. I'm..." napalingon naman ako kay Kuya at hinintay ang sasabihin niya. "Can I borrow our car, Dad?"

"Sure, son. Bakit saan mo gagamitin?" tanong ni Dad sa kanya at nakita ko naman kung paano naging uneasy si Kuya kaya medyo nakaramdam na ako kung ano yung gusto niyang sabihin. Hinwakan ko ang kamay niya at nginitian siya.

"Napagplanuhan po kasi namin ng girlfriend ko na magspend ng weekend sa Baguio." sabi niya nang hindi tumitingin kay Daddy at kay Mommy. Pinisil ko ang kamay niya na parang sinasabi ko na proud ako sa kanya.

Desired (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon