D A L E
Tumunog ang phone ko habang papunta ako sa bar kung nasan ang mga pinsan ko ngayong gabi kasama ni Kuya Ajeer. Nandon na naman sila ngayong gabi kagaya ng nakagawian nila. Agad naman itong inabot sa akin ni Sadie na kakasundo ko lang sa kanilang bahay dahil balak kong sumaglit muna sa isang coffee shop ara makapag date kami kaso kanina pa ako kinukulit ng mga pinsan.
Ever since, hindi talaga ako mahilig sa ganito. I always decline my cousin's invitation kapag gigimik sila dahil I prefer to be in a peaceful and quiet place than in a club. People who knew our family describes me as a quiet type of guy na karaniwang gusto ng mga kababaihan. But aside from that, some people talk negatives about me being quiet as well. Kesyo ang mga babae ay dapat mag-ingat sa mga gaya ko dahil nasa loob daw ang kulo ko. I don't mind those comments because I am not like that.
Sa aming magpipinsang lalaki, including Kuya Ajeer, kaming dalawa lang ni Johan ang matino. Gio was even dubbed as a younger version of Kian which is not a good title. Iba ang prinsipyo ko sa kanila pagdating sa pakikipagrelasyon. I take girls seriously because they deserved to be treated that way. Anyone should be treated respectfully, regardless of their gender.
"Hello?" sagot ko sa tawag ng makitang si Kian ito.
"Asan ka na?" tanong niya. Dinig sa background niya ang hiyawan ng mga tao at ang malakas na tugtog ng isang pamilyar na kanta.
"Papunta na ako." maikling sagot ko at ang mokong ay binabaan ako kaagad ng telepono.
"Is it okay na pumunta tayo kung nasan ang mga pinsan ko?" tanong ko kay Sadie at nakita ko ang pag-irap niya sa akin.
"Akala ko ba date natin ngayon? Don't get me wrong, Dale, your cousins are nice but you know na hindi nila ako gusto para sayo." reklamo niya.
"They like you." agap na saad ko at umiling naman siya. "Sadie." tawag ko sa kanya at hindi naman ako nito sinagot.
"Just drive, Dale." saad niya.
Laging ganito ang dahilan ng pag-aaway namin ng mga naging karelasyon ko. My cousins aren't too fond of my choices when it comes to relationship and knowing them, sila yung mga taong hindi magdadalawang isip na ipakita ang pagkadisgusto sa mga ito.
Sometimes I can't help but to be disappointed in them dahil lagi nilang pinapakialaman ang relasyon ko. Dapat hindi ako ang pagtuunan ng pansin kundi si Kian but even I knew that the guy is whipped for his bestfriend.
.
Pagdating namin sa bar ay sinalubong kami ng usual nitong kaingayan. May iilang tao ang bumati sa akin dahil ang mga ito ay nag-aaral sa pinapasukan naming magpipinsan na eskwelahan. Nakahawak ako sa kamay ni Sadie habang tinatahak namin ang daan patungo kung nasaan ang mga pinsan kong alam kong may mga tama na kahit maaga pa.
"Oh, isa pa tong late." salubong ni Kian sa akin kaya agad ko siyang binati sa pamamagitan ng pagtapik sa kanyang balikat.
"Kanina pa kayo dito?" tanong ko kay Kian at tumango naman ito sa tanong ko. Naramdaman ko naman ang pagbitiw ni Sadie sa mga kamay ko at umupo ito sa malapit na bakanteng upuan. Agad naman akong nakaramdam ng guilt pero alam kong wala naman akong magagawa sa mga pinsan ko. Masaya na ako kapag nirerespto naman nila ang mga. Naging nobya ko kahit misan ay ayaw nila sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Desired (Montenegro Series #3)
Teen FictionMontenegro Series #3. Born in a family of lawyers, Elysse Feign Soriano is expected to follow the footsteps of her parents. Sa buong buhay niya, she needed to live up to the expectation that people have on her. Hanggang sa isang pagkakamali, nagbago...