Ilang minuto na ng umalis si Dale at nandito pa rin ako sa kinauupuan ko. Medyo dumidilim na rin at paunti ng paunti ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagtatiyagang maghintay dito pero dahil sabi niya ay gagawin ko naman. Baka mamaya kasi bumalik siya dito kapag umalis ako edi nakakahiya diba.
Luminga linga ako sa paligid at nginitian ang ilan sa mga napapadaan na bumabati sa akin. Inayos ko na lang muna ang bag ko para hindi ako mabored tutal naubos ko na rin yung kinakain ko kanina. Nang matapos ako ay sakto namang pagdating ni Dale. May dala siyang supot kaya tiningnan ko siya.
"Eat that." mahinang sambit niya sabay abot sa akin ng hawak niya.
"Ano to?" tanong ko at hindi naman niya ako sinagot. Nilabas lang niya ang laman ng plastic which is isang styrofoam. Binuksan niya ito at nakita kong takoyaki ito.
Tiningnan ko siyang muli habang inaayos niya sa harap ko ang pagkain na binibigay niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa inakto niya. Alam kong napakaliit na bagay pero hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng saya sa ginawa niya.
Kung may mapapadaan dito aakalain kaya nilang magkasintahan kami? Mas lalo akong kinilig sa naisip. Nahihibang na talaga ako sa lalaking ito.
"Stop staring at me and eat that. Sabihin mo kapag tapos ka na at kulang pa bibilhan kita ulit." sambit niya matapos niyang ilapag sa harap ko ang bote ng tubig.
"Ikaw? Hindi ka kakain?" tanong ko bago ko kinain yung isang takoyaki.
"I'm still full." maikling sagot niya at tumango naman ako. Natahimik naman kaming dalawa dahil inenjoy ko ang pagkain ko. Kung pwede ko lang iuwi tong styrofoam, iuuwi ko talaga. Memories din to no.
"I'm done na." masaya kong sambit habang nililigpit ang pinagkainan ko. Kinuha naman niya sa akin ang plastic ng mailagay ko ang styrofoam dito.
"Tara, hatid na kita." sabi niya at agad na tumayo. Dahan dahan naman akong tumayo at naglakad palapit sa kanya dahil tinapon niya yung pinagkainan ko.
"Ikaw ba talaga si Dale?" tanong ko ng makalapit ako at tiningnan naman niya ako.
"Yes. What's with the question?" nagkibit balikat lang ako. Tiningnan ko ang ilang estudyante na napapatingin sa amin.
"Wala lang. Ang bait mo kasi sa akin ngayon. Hindi mo ko sinusungitan. Nakakapanibago lang." nakangiting sambit ko sa kanya.
"Huwag kang masyado masanay." sagot niya at tumango naman ako.
"Alam ko naman yun." sabi ko at natahimik ng bahagya dahil nag-iisip ako ng pwedeng mai-topic.
"Are you aware that a lot of people find you attractive?" tanong ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Are you always this straight forward?" he asks at tiningnan ako ng diretsyo sa mata panandalian.
"Kaysa naman magsinungaling ako sayo. It's true naman. I have eyes kaya." sabi ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Ang arte mo." komento niya at napangiti naman ako. Alam kong dapat akong maoffend sa sinabi niya pero para sa akin compliment yun eh.
"You did not answer my question." paalala ko.
"I am aware of that, Elysse. It's just weird to talk about it." sabi niya ng nakakunot ang noo kaya tumango nalang ako at planong ibahin ang topic ng magsalita siyang muli.
"Nasabihan mo na ba ang Kuya mo na nandito ka pa?" I slowly shook my head. Nakalimutan ko nga pala si Kuya.
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at nagtipa ng message para kay Kuya. Alam kong medyo mamaya pa siya uuwi kasi narinig kong lalabas sila ng nililigawan niya. Pagkaangat ko ng tingin ay nakabukas na ang pinto ng sasakyan ni Dale para sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip pang sumakay.
BINABASA MO ANG
Desired (Montenegro Series #3)
Teen FictionMontenegro Series #3. Born in a family of lawyers, Elysse Feign Soriano is expected to follow the footsteps of her parents. Sa buong buhay niya, she needed to live up to the expectation that people have on her. Hanggang sa isang pagkakamali, nagbago...