Pagkababa ko ng tawag ay agad kong nakita ng nagtatakang tanong nina Vaughn at Pauline. Hindi ko naman maiwasang mangamba dahil bihira lang talaga tumawag ang boss kong ito. Tatawag lang ito sa amin kung may kailangan siya, may emergency, o worst, may nagawa kaming mali at kailangan naming maayos ito sa lalong madaling panahon. Inalala ko ang mga bagay na ginawa ko kahapon pero nakakasiguro akong wala akong nagawang mali at natapos ko naman kaagad ang pinapagawa niya.
"Boss ko. Pinapapunta ako sa opisina bukas." sagot ko sa mga kaibigan ko na kanina pa naghihintay ng sagot sa akin.
"May nagawa ka bang mali?" tanong ni Vaughn at umiling naman ako.
"Baka may sasabihin lang sayo o di kaya may good news siya para sayo. Don't jump into conclusion yet, Elysse." saad naman ni Pauline at tumango naman ako.
Baka nga may sasabihin lang siya sa aking importante at kailangan sa personal iyon so I tried to shake the negative thoughts away from my head.
"Sorry hindi ako makakasleep over sa hotel na tinutuluyan niyo ngayong gabi. Masyadong out of the way na rin kasi ayaw ko na rin naman kayong abalahin. Magpahinga nalang kayong dalawa." paghingi ko ng paumanhin. Nginitian naman nila ako bilang sign na naiintindihan nila.
"By the way, sa makalawa ang dating dito nila Kuya Silas, no?" pag-iiba niya sa usapan at tumango naman ako.
"Yes, sabi kasi ni Mommy ay may inaasikaso pa si Daddy na kaso. Si Kuya naman ay may kaunti pang kailangang tapusin sa law school." sagot ko at tumango naman silang dalawa.
"Sinabihan kami ni Tita na sumabay na kina Tito pag-uwi nila sa Pilipinas pero tumanggi kami. Siguro uuwi kami sa araw ng pagdating nila Kuya Silas dito. Kahit hindi mo na kami ihatid dahil alam kong may pasok ka non." pagbibigay alam sa akin ni Pauline.
"Then, sulitin natin ang pamamalagi niyo dito kasi I know that matagal na panahon ko na ulit kayo makikita." aya ko sa kanila at sumang-ayon naman sila.
.
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga dahil 9am ako pinapapunta ni Boss sa opisina. Paglabas ko ng kwarto ay nababalot ito ng katahimikan hudyat na hindi pa gising si Mommy.
Medyo late naman nagbubukas ang cafe tuwing Linggo kaya medyo tanghali na rin nagigising si Mommy. Napagpasiyahan kong maglutong almusal naming dalawa at nagsulat na lang ako ng note na nasa ref yung pagkain.
Paglabas ko ng apartment mataposkong mag-ayos ay sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin kaya hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. Sobrang paborito ko talaga ang winter season dahil para sa akin ay kinakalma ako nito.
Naglakad ako ng kaunti papunta sa bus stop. Hindi naman kalayuan ang pinag-iinternshipan ko mula sa bahay nagiging malayo lang ito kapag galing akong campus.
Habang naghihintay ako ng bus ay napansin ko ang pagtigil ng isang itim na Range Rover sa harapan ko. Bumaba ang salamin nito at bumungad sa akin ang nakangiting mgalabi ni Ate Imee.
"Hello po!" masayang bati ko sa kanila. Base sa suot ni Ate Imee ay mukhang papasok ito sa trabaho at ganon rin ang porma ni Kuya Kian.
"Hello, hindi ko alam na sobrang lapit mo pala sa tinutuluyan namin. Diyan lang kami sa may pangalawang building." sabay turo niya sa kulay blue na building na sampung building ang layo mula sa amin.
"Are you going to school?" tanong naman ni Kuya Kian at umiling ako.
"Ah, hindi po. Pupunta po ako sa opisina kung saan ako nag-iinternship. Pinatawag po kasi ako nung manager at may sasabihin daw po sa akin. Kayo po ba?" sagot ko.
"We're actually going to work. Iiwan muna namin si Quinn sa babysitter niya na malapit lang dito nakatira." kung hindi pa sinabi ni Ate Imee ay hindi ko mapapansin si Quinn sa likod at masayang kumakain ng tinapay. Napangiti naman ako at tumango.
BINABASA MO ANG
Desired (Montenegro Series #3)
Teen FictionMontenegro Series #3. Born in a family of lawyers, Elysse Feign Soriano is expected to follow the footsteps of her parents. Sa buong buhay niya, she needed to live up to the expectation that people have on her. Hanggang sa isang pagkakamali, nagbago...