23

1.4K 30 3
                                    

There's always a rainbow after the rain.

Iyan ang huling sinabi sa akin ni Dr. Eva kahapon dahil iyon na ang huli naming session. Na sa dinami dami ng pagdadaanan mong paghihirap ay dapat maging matatag ka at huwag mawalan ng pag-asa dahil lahat ng ito ay huhupa rin at magiging okay din ang lahat. Na lahat ay ginawa Niya dahil alam Niyang malakas ka at malalagpasan mo ito.

Even though, I sometimes don't believe in old sayings somehow the sentence made me want to believe. Dahil gusto ko na itong matapos hindi lang para sa kapakanan ko kundi para sa mga taong nakapiligid at mahal ko.

Ngunit sa ngayon kaiangan ko munang tiisin ng kaunti ang pagsubok na ito dahil alam kong hindi pa ito tapos. I still feel my demons from time to time but my session with Dr. Eva helps me a lot.

Kaya malungkot ako ng magpaalam ito sa akin nung issang araw. I promised to call her if she is free and she gladly said na I can call her anytime na gusto ko ng kausap. Masaya ako dahil kahit nasa madilim ako na lugar ay nagkaroon ako ng kaibigan na nagbigay sa akin ng kahit kaunting liwanag.

Sa mga nagdaang araw ay parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa bigat ng mga nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na maging maayos pa sa pingadaanan ko.

I just want to be far away from here as much as possible kahit na alam kong may mga taong maiiwan ako dito. It may be painful to go but it will be more painful for me to see them being drag into a mess na hindi naman sila ang may gawa.

Tila naman umaayon na sa akin ang tadhana dahil bukas na ang flight ko patungong States. Naayos kaagad ni Kuya ang mga kakailanganin ko sa paglipat sa ibang bansa. Sasama ito sa akin para ihatid ako at babalik rin kaagad sa weekend.

Hindi na ako inabala pa nina Mommy na mag-ayos ng kakailangani ko dahil masyadong bago pa ang isyu at kilala ang pamilya namin.

Ngayong araw ang nakatakdang araw ng pagpunta namin sa campus upang kuhain ang credentials na kailangan ko para sa pag transfer ko.

Magdadalawang linggo na rin ng huli akong tumapak sa campus kaya unti-unti kong naramdaman ang takot. Sasamahan ko si Mommy ngayong araw dahil kailangan ako para marelease ang mga credentials ko. Gusto ko mang tumanggi sa pagsama ay hindi naman pupuwede dahil hindi marerelease ang credentials ko. Sometimes, we need to face the things that makes us feel afraid in order to be free.

Kaya ang planong Mommy ay siya ang pupunta sa office at kung may kailangan man akong pirmahan ay dadalhin niya ito sa sasakyan para mapirmahan ko.

Napalingon naman ako sa pintuan ko ng makarinig ako ng katok. Bumukas ito at dahan dahan ko namang nasilayan ang maamong mukha ni Mommy.

Mommy always have this calm face na kapag tiningnan mo ay parang mawawala lahat ng pa-aalala mo. She kindly smiled at me and I smiled back before finishing my make up.

"Are you almost done?" tanong niya sa akin at tumango naman ako. Pinagmasdan ko ang sarili ko salamin at nakita ang sarili kong maayos. Yung tipong hindi mo aakalain na basag at may lamat. "I'm going to miss you so much, anak."

Nilingon ko si Mommy para tumayo at yakapin siya. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik at ang paghaplos niya sa likod ko na alam kong mamimiss ko kapag tumulak na ako sa States.

"I'm going to miss you too, Mommy." bulong ko at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sa kanya.

.

Nandito ako ngayon sa parking lot kasama ang driver namin at hinihintay namin si Mommy na bumalik dala ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. Nakarating agad kami dito dahil wala naman masyadong traffic. Balisa akong bumabaling sa tinted na binatana ng sasakyan namin. I can't help but to feel like everyone is watching me kahit hindi naman talaga. May iilang estudyante ang napapatingin sa sasakyan namin pero dahil sa pagmamadali ay hindi na nagawang makichismis pa.

Desired (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon