Chapter 7: Unacceptable

52 2 0
                                    

Chishii's POV

"Hoy Babae!" Sigaw sakin ni Mama ng marinig yung kalabog dala ng pagbagsak ko sa pinto.

Nakakapanghinayang na wala dito si Sir Panot,

Kung nandito kasi sya malamang sa malamang ay sinaksak ko na sa baga nya 'tong pinto at pinalunok sa kanya yung doorknob.

Pero syempre joke lang yun. Sayang yung mga kalendaryo sa pinto.

"Aray! Mamu naman!" Sigaw ko habang nakahawak sa noo kong binato nya Brush.

Teka! parang ang liit ng brush nya?

Tiningnan ko maiigi yung brush baka kasi namamalikmata lang ako o di kaya may powers akong palakihin at paliitin ang mga bagay.

Hehe

Kung totoo, pwede ko yung pagkaperahan >:D Ayos mukhang may bagong raket na ko

"Isa pang pagbingi'bingihan Chishii dudukutin ko yang eardrums mo at gagawin kong Siomai!"

Nanlaki bigla yung mata ko sa sinabi ni Mamu. Grabe porke't di na kami nakakain gaya ng mga nakakain namin dati, pati eardrums papatusin na ni Mamu.

Hayy..

Anong lasa non 'pag nagkataon? Sabi ko na nga ba at may mali sa dila ni Mamu. Sarap hilahin

De biro lang. Mama ko yan e

Teka! Parang ang seryoso ko? Epekto ba to ng Fishball ng babaeng mukhang matandang hukluban na yon?

Sinasabi ko na nga ba e! inorasyonan nya yung pagkain para makabawi! Akala nya di ko mabubuking ang sikreto nya.

Babalikan ko sya, makikita nya >:( Makakatikim sya mula sakin ng malutong ng Kurdog at dahil bertdey ng kapitbahay namin kanina at binigyan ako ng pansit, may kasama ng kurdog ang gagawin ko.

"Aba'y! put@&#9$?"! mo talagang bata ka! Ulol pakyu gago!"

"Kung nakakabusog lang ang mura, malamang sumusuka ka na Mamu" pinakyu ako ni Mamu sa sinabi ko.

"Ulol. Mamaya na alis ko. Umayos ka dito kung ayaw mong mabigwasan sa ngala'ngala"

"Bakit kasi kailangang dito tumira yon?! Gusto nyo bang magdeklara ng ika-3 pandigmaang pandaigdig?! Cold war?! Martial Law?! Sabo- WAAAAH~ Jokjok lang!"

Napatakbo ako ng di oras ng habulin ako ni Mamu ng Gunting na panggupit ng Damo
"May sinasabi ka?!"

"Sabi ko ... Kakaliskisan ko na yung sardinas sa kusina. Hehehe"

"Tanggalan mo na din ng hasang punyeta ka" may hasang ba ang sardinas? Ang lakas talaga magimagine ni Mamu.

Fastforward

"Umayos kang babae ka. Babalik din ako"

"Dapat na ba kong umiyak?"

Umiyak dahil aalis si Mamu,

o

Umiyak dahil may bago na kong kasama sa bahay? Malay ko ba kung PG yun at pag nagkataon gutom ang abutin ko? Aba! Baka di lang ramble ang mangyari!

Naguguluhan kayo sa nangyayari ano? di bale ang mahalaga nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw,

Flashback...

(A/N: ITO YUNG SA NAKARAANG CHAPTER)

"Tumaas daw kayo. Tss inutusan---"

"IKAW?!" Sigaw ko ng makita ko yung lalaking bumaba na naging dahilan para isipin kong nasa shooting ako ng Hellboy

Living with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon