Chapter 14: Day One

55 1 1
                                    

Chishii's POV

"Waaah!" Sigaw ko ng may biglang humawak sakin at saka dinala ako sa kung saan, nakikidnap ba ko? Wala akong pera.Dapat yung Presidente yung kinidnap nila o di kaya si Bill Gates. Mga walang utak na kidnapper

"Upo" utos sakin ng malaking lalaki na kalbo kaya napahagalpak ako ng tawa "Anong nakakatawa bata?"

"Eh kasi naman-- HAHAHA Yung pagkaka-kalbo mo kasi-- WAHAHA Para akong nasa commercial ng Mr. Clean" pangaasar ko habang hawak yung tyan ko sa tawa.

"Manahimik ka at umupo!" Naglabas naman sya ng baril kaya napaupo ako ng wala sa oras.

"Ayan na tropa. Kalma lang,wag mong dibdibin ang pagtaas ng presyo ng Baboy" pampalubag loob ko pero sinamaan lang nya ko ng tingin, walang utang na loob!

"Pre ikaw na nga magbantay sa Babaeng to. Ang sakit manlait e" pagdadrama nya sa isa pang kasama nyang kidnapper.

Nilibot ko naman yung tingin ko sa loob pero nabadtrip lang ako "ano ba tong Hide out nyo! Ang panget para akong nasa septic tank! Napaghahalataan kayong kulang sa budget! Di bale, alam ko yang nararamdaman mo"

Di nya ko pinansin dahil busy sya sa pagtali sakin dito sa upuan na kinakalawang "Wala bang machichibog dyan?" Tanong ko dahil gutom na ko pero di nya lang ako pinansin. Grabe! Kala mo kung sinong peymus e! Ilan ba likers neto sa fb?

Nagsimula na kong magreklamo sa kung ano anong mapuna ko ng bumukas ang pinto kaya nagsisigaw ako "TULONG!! KUKUHANIN NYA ANG LAMANG LOOB KO AT IBEBENTA SA BUMBAY! ANG MASAKLAP PA, WALA AKONG PORSYENTO!"

Sinipat ko nang tingin yung pumasok habang nagwawala "Pakawalan nyo ko!"

"Manahimik ka Babae!" Naningkit naman yung mata ko ng marinig yung boses nya.

"S-Sped?" Bulong ko kaya nabuhayan ako ng loob "WAAAH Sped tulungan mo ko! Ibibili kita ng milktea sige na!"

"Shut the fvck up!" Pagmumura nya, "Ang sakit sa tenga ng boses mo"

"Sorry na, sige na! Tulungan mo na ko!" Lumapit naman sya sakin at saka kumuha ng baril sa lamesa at tinutok sakin,

"Para to sa panlalait mo sa girlfriend ko"

*bengg!!*

"WAAAAAH!!!" Sigaw ko at saka napabangon sa higaan, napatingin naman ako sa paligid ko at narealize na panaginip lang pala lahat.

"Ano ba yan! Sa dami pa ng mapapaniginipan yung Abnormal na yun pa!" Ginulo ko naman yung buhok ko saka tumayo para maghilamos. May panis na laway pa ata ako at malikot ako matulog.

"Teka anong oras na?" Tanong ko sa sarili ko pagkalabas ko ng banyo

Nanlaki naman ang mata ko ng mapatingin ako sa Orasan naming Doraemon.

6:50?!

/(O________O)\

Teka! Di ba ngayon yung retreat?!

Anong oras ba retreat namin?!

7;00 pala ang alis ng bus.

Late nako!

Kumaripas naman ako ng takbo papunta sa bagahe ko pagkatapos kong maligo at sa pagmamadali, pati kumot at punda halos madala ko na.

Naligo na ko at Nagpalit ng damit saka lumabas dala dala yung mga gamit ko.

Sinulyapan ko ng tingin yung bahay namin, Bakit pakiramdam ko parang naglalayas ako?

Hay nako Chishii! Mga pinagiisip mo talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon