Chishii's Pov
"I Love you Chishii"sabi ng mala-adonis na lalaki sa harap ko. ULALAM. Siguro kung Hotdog lang to malamang sa Malamang sinunggaban ko ng 'to.
"talaga?weh? Sinong inuto mo? Utot ka uy!" Takas ata to sa Mental mag Alabyu ba naman di ko naman sya kilala. Kinikilabutan na ko sa lalaking to. Dapat bang tumawag na ko ng Doctor? Nurse? Albularyo? Espiritista? Kulto? Nababaliw na ko >.< De. Jokijoki
"Oo,gusto mo bang patunayan ko?" wala sa sariling tumango ako. Sa wakas ay maichichika na din nya sakin yung pagka baliw nya. Hinanda ko naman agad ang Cellphone ko para mapost agad ang rebelasyon na mangyayari. Ahe
nagulat nalang ako ng bigla nya akong halikan.
"ano ngayon naniniwala ka na?"
"hep-hep! Sino ka ba?"tanong ko. Yung kiss? Wala akong pake kung hinalikan nya ko. Ang mahalaga wala tayong ebola.
"ako lang naman ang lalaking nakatadhana para sayo"humagalpak naman ako ng tawa sa sinabi nya. Patawa si Koya.
"LOL! Laos na yang line mo! Panahon pa ni kopong kopong yan e! In short! Nalipasan na ng panahon. UWAHAHAHAHA" natawang sabi ko. Babanat na nga lang wala pang kalatoy-latoy! Banatan ko sya dyan e. Ang dami kong tawa sa kanya.
Lahat nalang san kanya makaluma. Di kaya pati Brief neto kasabayan na ng Kamatayan ni Rizal. Haha
Napatigil naman ako sa pagtawa ng makita kong seryoso ang mukha nya.
"Seryoso sino ka nga? Padala ka ba ni satanas?""Ako si---"
"Ms.Chishii Avelyn Clifford!!!" napatalon ako sa gulat ng sumigaw yung Teacher namin sa Math na panot. Ang Kj naman neto! Malalaman ko na sana kung sino! Yun ang masakit dun e.
"Y-yow sir? Hehe" sagot ko sabay kamot ng Batok
"why are you sleeping at my class?!"mukhang bulkan na sasabog si sir. Wahaha! Kung makikita nyo sya ngayon! Hahaha! Nakakatakot!! K-kasi mukha na syang sang sasabog ternuhan mo pa nn panot nyang ulo. Wahaha. Laughtrip!
"Hehe.Sir ano po kasi..." Ano ba yan wala akong maisip na dahilan. Pwede kayang sabihin ko na...
Iniisip ko kung pano patubuin ang buhok ni Sir?"What?!" Sir,e kung watwatin ko kaya mukha nya dyan?! Hayaaa!
"ano po nangungulangot po kasi ako. Oo Tama! Kaya po ako nakatungo hehe."kumagat ka sana sa palusot ko.Lumingon naman ako sa mga kaklase ko na nagpipigil ng tawa
Napabuntong hininga nalang si Sir at napailing. "okay. Now,answer the problem on the board" ano kayang Shabu ang natira neto at kumagat sa palusot ko? Hahaha. Pero yaan na natin. May diperensya e
pero anudaw? Sagutin daw yung problem sa board?
"sir wala naman problema sa board ha? Malinis tsaka magagamit pa nama---ARAY!" aba! Abnoy tong si sir ha? Sabi nya may problema daw sa board pero nung sinabi kong wala eh binato ako ng pambura ng chalk?! Makatwiran ba yun?! Takas ata sa mental tong si Sir panot e. Isusumbong ko sya! Isusumbong ko sya sa Peta magrereklamo ako.
"tanga! Yung math problem!!!"ako pa talaga natanga nya ha? Magaling e kung kurdugan ko kaya sya dyan?!
Pumunta na ako sa harapan at tiningnan ang problem:
X+Y=?
Ano nga ba to? Sana naman may multo na pumunta dito at sya nalang sumagot neto.Yung multo na nagsusulat sa board TOT JUSMIYO!