Chapter Five: The Pervert's Condition (Part 3)

88 3 0
                                    

Chishii's POV

"Woah! Di ko alam na mahilig ka palang manood ng Ganyan Miss Cutiepie" napatingin ako sa nagsalita. Si Totoy pala (Vince) Kala ko pa naman Hudas lang sya may lahi din pala syang Kabute. Daming sideline ni Gago.

"Yeah~ Yeah more"

Nanlaki bigla ang mata ko ng maalala ko yun "WAAAAAAAH~" Halos lumabas na yung Esophagus ko sa Sigaw ko. E pake ba nila? Kurdugan ko sila ng makita nila ang hinahanap nila. Kung ako sa kanila ang problemahin nila ang pagtaas ng Presyo ng Galunggong at petchay sa palengke kesa sakin.

"Ang hirap talaga 'pag isa't kalahating Tanga diba Chishii?" Naiiling na sabi ni Blaze pagka patay ng DVD. Aba loko to ha?

"Oo na. Oo na. Ako na" Nakakahurt naman yung sinabi nya? Lol. "Mga Gago kasi kayo! Eh kasi naman e! Bakit andami nyong Bala ng-- Hmpp"

"Ang Bunganga. Kababaeng tao" Nailing na sabi ni Greg habang nakatakip yung kamay sa Bibig ko. Infairness Mabango. Hehe. Pano ba yan Kambs?

Tinanggal ko naman yung kamay nya sa Mukha ko "Ambaho ng Kamay mo. Kakabawas mo lang ba Brad?" Medyo Baboy na sabi ko. Medyo. Uulitin ko medyo lang naman

"Tss" So confirmed? OMG

"Wala ba kayong makakain dito?" Tanong ko.

"Ako!" Napatingin ako sa nagsalita. Si Totoy pala.

"Oh talaga? Asan? Penge kung ayaw mo makurdugan" pananakot ko.

"Nasa Harap mo na" Nakangising sabi nya.

"Pagkain ka ba?" Feeling-tikoy si Gago -.-

"Hindi" Kinilabutan bigla ako sa tingin nya. Pwe "Pero masarap naman ako"

Halos maibato ko na sa kanya lahat ng Gamit dito dahil sa sinabi nya. Sarap kurdugan.

"Simulan nyo nang ipagdasal ang kaluluwa ng Hudas na yan at malamang sa malamang sa Impyerno bagsak nyan kaso baka kahit sa impyerno di tanggapin yan sa sobrang lakas ng Apog" Natawa naman sila bigla sa sinabi ko kaya nagtaka ako.

Kinalabit ko naman si Greg at bumulong "May nakikita ba kayong di ko nakikita?" Mahirap na pag naop ako bigla dito.

"Anong pinagsasabi mo? Pfft" Tanong nya.

"TA'TAWA-TAWA KAYO BIGLA TAPOS SASABIHIN NYO KUNG ANO YUNG PINAGSASABI KO. ABA! Kinikilabutan na ko sa iny---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang humila sakin "Tsk. Puro Dada tara na nga" Si Greg pala. Hehe makakapagselfie na kami mamaya. Mehehe

"Hoy Greg san tayo pupunta?" Tanong ko baka kasi mamaya sa Funerarya ako dalhin neto tapos kunin yung Lamang loob ko at gawing Ihaw-ihaw at dinuguan.

"WAAAAH" Jusko dapat pala binenta ko nalang yung Kidney ko kesa pagkaperahan ako neto.

"Bakit ka nasigaw dyan? Anak ng!" Tanong nya.

"Alam mo kung may Galit ka sakin, Sabihin mo ng Diretso hindi yung kailangan mo pang Itinda ang Lamang Loob ko"

"Ano bang pinagsasabi mo Chi? Tsk"  Tanong nya kaya napatigil ako.

"Ibig sabihin ba wala kang Balak gawing isaw ang bituka ko?" Tanong ko.

"Ang layo ng narating ng Isip mo Babae" Naiiling na sabi nya habang naglalakad kami.

"Wala ka bang Kotse?" Tanong ko.

"Arte" Sagot nya.

"Hindi kaya. Nakakapagtaka lang kasi halos lahat dito sa School naka-Kotse tapos ikaw hindi. Pero ng huli tayong nagkita na nakakotse ka. San mo yun narentahan?"

Living with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon