ALINA'S POV
"Nakita niyo ba si Blake?" tanong ko sa classmate namin.
"Hindi eh."
"Ahh sige salamat." sabi ko.
Patuloy kong dinadial ang number ni Blake pero nagri-ring lang siya pagkatapos cannot be reached na. Not until I saw her bagpack sa ginawa naming dressing room dito sa classroom at nandun ang phone niya.
Anak ng teteng naman to oh! Asan ba yung babaeng yon?!
Tinawagan ko na lahat nang miyembro ng banda upang ireport na nawawala si Blake. Sinabi kong magkita-kita kami PB para ipaalam ang nangyari.
Agad din naman akong pumunta sa PB since di na ako ang nakaduty sa restobar. Pinakiusapan ko muna si Yang na siya ang bahala sa restobar. Umoo naman siya kaya wala na akong problema. First day ng schoolfest tsaka pa nawala si Blake. Marami pa namang naghahanap sa kanya para magpapicture. Hays.
Habang naglalakad ako papuntang PB. Nakita ko malapit sa administration sina daddy.
Teka, anong ginagawa nila rito?!
Di na ako nag-aksaya pa ng oras saka tuloy-tuloy na akong pumunta sa PB. Pagpasok ko ay nandun na silang lahat sa may sala at nakatingin saakin.
"Ang bagal mo. Alam mo ba yun?" sabi ni Luken.
"Manahimik ka." sabi ko saka umupo katabi ni Ciana.
"Nawawala ba talaga si Blake?" tanong agad ni Ciana.
"Yes sis. Tinanong ko si Lia kung nasaan si Blake tsaka sabi niya nasa photography club daw. Pero nung dumating ako sa photography club, tinanong ko si Lucy kung pumunta ba sa kanila si Blake pero ang sagot niya, 'Si Blake? Di siya nakapunta rito. Naghihintay nga ako kasi may naghahanap sa kanya rito kanina.' Yun ang sabi ni Lucy. " sabi ko.
"Naghahanap? "tanong ni Urie.
"Yes. Sabi din niya, tatlong lalaki daw yun. Puro nakablack pero mukhang kpop artist, bouncer at butler daw. Head turner nga raw eh kasi sabi ni Lucy sobrang tangkad tsaka mapuputi raw. "
"Wala namang ganoong empleyado si daddy diba?" tanong ni Ciana.
"Wala akong nakitang ganun sa 3M." sabat ni Zopy.
"Wala rin ako." sabi ni Aaron.
"Kaya, napakaimposibleng si daddy ang kumuha kay Blake kahit pa gusto niyang kitain si Blake." sabi ko.
"Baka naman naghire si Mr. Edson ng mga ganung tao para hindi halata na sa 3M siya dadahil." Sabat ni Luken habang nababahala.
"Oo nga. Kasi bumisita siya dito diba? Baka sekreto niya kinuha si Blake para hindi mapansin ng mga teachers dito." sabi ni Jomei na nakatingin kay Luken.
"Di nakakatuwa yang biro niyo!" sabat ni Zopy.
"Kanina pa nawawala si Blake mga around 1pm." sabi ko.
"Dumating naman si daddy around 10am." sabi ni Ciana.
"Baka alam ni Yang kung nasaan si Blake." suggest ni Jomei.
"HINDI!" sigaw naman nina Aaron, Zopy at Urie.
"Oh baket naman hindi? Nagbabakasakali lang naman eh." - Jomei.
"Bakit ba ayaw niyong makipagkaibigan kay Yang ha? Alam niyo bang mas nakilala ni Yang si Blake kesa sa inyo?" - Luken.
"Sus kung ako sa inyo, kung gusto niyo si Blake, kakaibiganin ko din kung sino ang naging kaibigan niya." - Jomei.
YOU ARE READING
Nightlight
Teen FictionA new school girl, Blake Torres, transferred in an academy wherein music existed. She only knows music by the help of his father. She didn't have any talent either but not until she met this 5 membered boyband, music become more amazing. Title: Nigh...