URIE'S POV
Habang pababa kami, napatingin kami kina Aaron at Blake ngayon na kadadating lang sa PB. Hindi lumingon samin si Blake kaya si Aaron ang bumati samin.
"Yo!"
"Oh? Tapos na ba ang restobar niyo?" tanong ni Zopy.
Napatingin ako sa kamay nila. Hawak-kamay? Bakit? Di ko nalang ito pinansin at ramdam kong iba din ang pakiramdam ni Blake ngayon.
"Hindi pa." bumitaw na si Aaron kaya napabitaw rin si Blake ngunit she still never looked at us. "Gagi kasi dre! Kumanta lang kami ni Blake, nagmukha tuloy fansigning event dahil sa gustong magpapicture nang mga tao samin. Kaya ayun, pinatakas kami ng classmate namin." dagdag niya.
"Eh bakit ganito mukha ni Blake?" tanong ko.
"Yung classroom president. Kung makapag-alala kay Blake parang nadisgrasya siya." mapaklang sabi ni Aaron saka umupo sa sofa.
"Ha?"
"Hinatak niya si Blake papuntang dressing room tsaka nagbigay tubig tapos pupunasan pa niya sana si Blake. Eh wala namang pawis si Blake. So anong pupunasan niya aber? Arg! Nakakabwisit." sabat ni Aaron.
Naikuyom ko naman ang kamao ko dahil sa narinig. Gago yun ah. Bakas rin sa mukha ni Zopy ang inis.
" Gago siya. Napakagago niya. " biglang sabat ni Blake.
" Gago talaga siya! Anong akala niya sayo? Basang sisiw? Huh! Nagpapatawa ba siya?!" sabi ulit ni Aaron.
"Umiiyak si Ciana sa kanya tapos ganun gagawin niya?! Gago talaga siya!" sigaw ni Blake na siyang inikuyom din ng kamao niya.
Nawala naman ang pagkainis namin at nilapitan namin si Blake.
"Anong ibig mong sabihin Blake?" tanong ni Zopy.
Humarap naman samin si Blake saka siya nagkwento.
"Noong Saturday. Habang naglunch kami ni Alina sa cafeteria, nakita namin si Ciana. Humagulgol habang yakap-yakap si Liam. Therefore, Ciana might be in love with Liam pero si Liam parang baliwala sa kanya.Tapos yung ginawa niya sakin kanina, matutuwa ba ako?! Kaibigan ko si Ciana tapos sakin siya magpapakaconcern kuno?! Napakabuting tao ni Ciana tapos sakin niya gagawin yun?! Di man lang niya tinanong si Aaron kung okay lang din ba siya?! Anong klaseng presidente siya?! BWISIT!!! " sigaw ni Blake.
" Hey, Blake relax. " Sabi ni Zopy.
Kumuha naman ng tubig si Aaron para kumalma si Blake. I turned on air condition para di siya mainitan.
" Relax ka lang okay? "sabi ko sa kanya.
" Nakakainis siya. Nakakainis siya. " paulit-ukit niyang sabi.
Maya-maya ay dumating sina Luken, Jomei, Alina at Ciana. Pagkakita nila saamin, bahid sa mga mukha nila ang pag-aalala kay Blake. Lalong-lalo na si Alina.
"Blake okay ka lang?" tanong niya.
Sa halip na sumagot si Blake kay Alina, tumingin siya kay Ciana at saka niya ito nilapitan.
"Ciana, isang tanong isang sagot." madiin na sabi ni Blake kay Ciana.
"Blake, tama na." awat ko.
"Kumalma ka kaya muna?" awat din ni Zopy.
"Teka, ano bang nangyayari?" tanong ni Ciana.
"Mahal mo ba si Liam?"
Bahid sa mukha ni Ciana ang pagkagulat sa tanong ni Blake. Kitang-kita sa mata niya ang pagdadalawang-isip na sasabihin ba niya ang totoo o hindi.
YOU ARE READING
Nightlight
Teen FictionA new school girl, Blake Torres, transferred in an academy wherein music existed. She only knows music by the help of his father. She didn't have any talent either but not until she met this 5 membered boyband, music become more amazing. Title: Nigh...