Sisterets 💕
8:11 AM
Mavianna KateGood morning, girls 💕
Seen by everyone
Era Gaselle:
Good morning 💜
Mukhang masarap yung tulog mo Mav ah!
Deann Merin:
Good morningggg
Sana all masarap tulog 😂
Daming deadlines na need ipasa this week huhu ilang araw na akong puyat.
Mavianna Kate:
Sus! Patulong ka kay Ashen 😂
Partner kayo sa projects lagi diba? Hahaha!
Era Gaselle:
Hanggang ngayon naman partners sila 😂
Nga pala, pwede namn makauwi si Van mamayang hapon.
Pero need niya pa rin magpahinga. So nextweek pa siya mag resume sa work.
Deann Merin:
Sa true lang 😂 parang halos lahat ng projects, partner kami ni Ashen. Loyal alagad ko yun eh. Hahaha!
Oo nga pala! Nabasa ko rin sa post mo kanina. Buti naman makakauwi na siya.
Mavianna Kate:
So pwede na namin siyang ma-meet?
I mean nakita na namin siya pero diba comatose siya nun kaya hindi counted yun 😅
Deann Merin:
Oo nga!
Kailan namin ma-meet yang boylet mo, Era 😏
Era Gaselle:
Ay jowa ko?
Hahaha! Pala issue rin kayo no 😂
Mami-meet nyo rin naman si Van. Kapag pwede na siyang makagalaw freely. May saklay pa siya eh.
Mavianna Kate:
Sus, Era!
Kilala ka na namin ni Deann no!
Ibang iba ka kapag gusto mo yung lalaki. Iba yung glow kahit hindi ka namin nakikita.
Ramdam namin kahit sa simpleng pagkukwento lang.
Deann Merin:
True! 🤭
Kaya aminin mo na, girl! May gusto ka na sa "friend" mo.
Yieeeee 💓
Era Gaselle:
Luh. Bahala nga kayo dyan 😂
Mag aasikaso muna ako ng bill ni Van.
Byeeeee 💜
Mavianna Kate:
Madaya ka 😂
Pero sige, lalabas din naman ang totoo.
Hahaha!
Deann Merin:
Wala kang maitatago samin ni Mav, no! 😂
Hahahaha. Bye, ingat kayo!
Seen by everyone
Sally Rodriguez
3:56 PM
Era Gaselle:
Hi, Tita 😊
Settled na po lahat ng need ni Van para makalabas ng hospital.
Wag na rin po kayong sumundo. Kami na po maghahatid kay Van sa bahay niyo.
Waiting na lang po kami sa pass para makauwi na.
Seen, 4:04 PM
Sally:
Salamat, Era.
May konting salo-salo dito sa bahay. Kumain kayo pagdating.
Sino ba ang kasama mong maghahatid kay Van? Nakakahiya naman at nakaabala pa kami.
Era Gaselle:
Okay lang po, Tita.
Si Ion po. Yung kaibigan ko na naghatid sa'kin dati sa hospital. Na-meet niyo na po siya.
Thank you po. Sabihan ko na lang po kayo kapag on the way na po kami.
Sally:
Ah. Iyong gwapong binata na mahaba ang buhok? Aba ay ang bait naman pala talaga ng mga kaibigan mo ano?
Ang mga gamit mo ba, naka ayos na? Ngayon ka na ba matutulog sa bahay?
Para maihanda ko na ang guest room. Gamitin mo yung katabi ng kwarto ni Van. Para malapit lang kapag may kailangan siya.
Era Gaselle:
Opo, Tita. Mababait po silang lahat kaya swerte ako 😊
Yes po. Okay na po yung mga gamit ko.
Nagtataka nga po si Van kung bakit madami akong dalang bag. Pero hindi ko pa po sinasabi na dyan ako mag i-stay sa inyo para maalagaan siya.
Sally:
O siya, sige. Ikaw na ang bahala kay Van.
Ako naman ay mag aayos na muna ng guest room na gagamitin mo.
Mag iingat kayo.
Era Gaselle:
Opo.
Salamat po 😊
Seen, 4:14 PM
---
Me: Era the caregiver 🤭
Era: Hahaha! Wag kang maingay! Di ko pa nga nasasabi kay Van eh.
Me: Mian ahahaha 🤐
06082021
BINABASA MO ANG
Sad Girl Ain't Enough (Sad Girl Trilogy #2) - Completed
Romance"Stop thinking that you're not. Because for me, you are more than enough." Sad Girl Trilogy #2 Era x Van