Messenger
Sisterets 💕
10:13 AM
Era Gaselle:Thank you both mga sis! Bitin yung time natin but okay lang.
Thank you sa pakikinig sa rants ko kagabi. I mentally noted all your advices, don't worry!
Mahal ko kayo 💜
Ingat pauwi.
Ihahatid ko sana kayo kaso may mga sundo pala kayo HAHAHAHA
Seen by everyone
Deann Merin:
You're welcome sis! 💓
Basta sabihan mo lang kami ulit ni Mav in case may problem ka.
Pero sana next time pwede ko nang isama sina Cici at Coco sa sleepover :((
Haha, nakakahiya na rin kasi kay Ashen. Laging dog sitter nung dalawa 😂
Mavianna Kate:
Sus, di pa ba tapos yung pagte-thank you sis? Haha!
Wala yun. Sabi nga ni Deann, problema ng isa, problema ng lahat!
Three heads are better than one. Lol. Hahaha! Basta yun 😂
Magpahinga ka na lang dyan. Wag ka nang mag isip ng kung ano.
Era Gaselle:
Uhm, actually mga sis may hindi ako nasabi sainyo kanina 😅
Diba nag off ako ng phone kagabi? So kanina ko lang siya in-open ulit. Baka rin kasi tumawag si Dad.
Tapos ayun, may message pala sa'kin si Van. Ang dami eh. But hindi ko pa binabasa.
Kinakabahan akong i-open 😅 baka kung anong mabasa ko.
Pero curious din ako kung ano. I just can't find the courage to read it huhu.
What to do?
Deann Merin:
Hmm, ano bang gusto mong mangyari sis?
Pero kasi kung curious ka talaga, why not open it?
If Van really likes you, hindi naman siguro siya magsasabi ng hindi mo magugustuhan diba?
Pero it's up to you pa rin. After all para sa'yo yung messages eh haha 😝
Mavianna Kate:
Oo nga sis.
BINABASA MO ANG
Sad Girl Ain't Enough (Sad Girl Trilogy #2) - Completed
Romance"Stop thinking that you're not. Because for me, you are more than enough." Sad Girl Trilogy #2 Era x Van