Count One"Kuya! Kuya! " nilingon ko ang mga kapatid kong nagmamadaling lumapit sa akin.
Nginitian ko ang mga ito. "Oh bakit? May problema ba? " tanong ko kay Kean.
Umiling ito at ibinigay sa akin ang hawak niyang envelope. Kumunot ang noo ko. Matagal pa naman valentine's di ba? June pa lang kaya. "Ano 'to? "
"Envelope po. " diretsong sagot sa akin Kem. Kambal ni Kean.
Inismiran ko siya. "Alam ko. Pilosopo 'tong batang 'to. "
Binuksan ko na lang ang envelope at nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.
"Anong nakalagay kuya? " tanong ni Kem.
Humarap ako sa kanya. "Sulat. Ink. Letters. "
Sinimangutan lang ako nito na kinatawa ko. "Natanggap ako sa university na gusto kong pasukan. " masayang batid ko sa kanila.
"You know naman na kayang-kaya mong makapasok sa kahit na anong school anak magsabi ka lang sa amin. "
Nilingon namin ang nagsalita. Napakamot ako sa batok ko. "Eh kasi naman Dad gusto kong makapasa ng walang kahit na ano mang connections niyo. Sorry po. "
Umiling lang ito. Lumapit ito sa akin at ti-nap ang balikat ko. "You grown up so much. Katulad na katulad mo ang papa mo. Matigas ang ulo. "
Natawa kaming lahat ng maalala kung gaano katigas ang ulo ni papa. Lagi pa itong nakikipagtalo kay dad na agad din namang sumusuko dito.
"Ako ba ang pinag-uusapan niyo? "
"Papa! " masaya naming tawag dito. Lumapit agad ang kambal kay papa at yumakap.
"Papa! Miss ka po namin. Saan ka po ba pumunta? " tanong ni Kem dito.
Ginulo ni papa ang buhok ni Kem. "Nag-work lang si papa baby. Kayo? Nag-behave ba ang mga baby ko habang wala ang papa? "
Sabay na tumango ang dalawa. Natawa kaming lahat. Lumapit sa akin si papa at ginulo din ang buhok ko. "Ikaw? Kamusta ang enrollment mo? Nakapasa ka ba sa university na gusto mo? "
Masaya akong ngumiti dito. "Yes papa. "
Sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya. "I'm glad. I'm happy for you. "
"By the way, anong university pala ang pinasukan mo Kael? " tanong ni dad habang binubuhat si Kean.
" Sa Dark XX University. "
Nakita kong natigilan si dad at papa. "Bakit may problema po ba? "
Agad na umiling sina dad. "No. Nagulat lang kami ng papa mo. I thought hindi na nag-e-exist ang university na yan. "
Magtatanong pa sana ako ng may tumawag sa phone ni dad.
Nag-e-exist? Bakit wala bang ganung school dati? Nagkibit-balikat na lang ako at nag-aya ng pumasok sa loob ng bahay.
----
"Dumami ang nag-enroll sa school year na 'to. " ani Carlisle na busy sa pagbuklat ng mga enroll list.
"Good. I need those enrollee's. "
Sabay sabay naming nilingon ang sulok ng kwartong ito ng makarinig kami ng malakas na kalabog.
"Pfft- " sinubukan pang pigilan ni Carlisle ang tawa niya pero maya maya pa ay sumabog na 'to.
"Tangina- m-matutulog ka na lang Axel nahuhulog ka pa? " natatawang tanong niya sa taong kakatayo pa lamang.
Agad siyang tumigil sa kakatawa ng batuhin siya ni Axel ng libro na naiwasan din naman niya.
"Fuck that chair. " mura niya sa kawawang upuan na nasira niya.
Naupo 'to sa tabi ni Rashid na busy sa phone niya.
"May balita na ba kayo kung sino yung grupong kumikidnap sa mga omega ng school natin? " tanong ko habang tumitingin sa mga bagong enroll na students.
"Still unknown. Pero may mga kaunting leads na kami. " ani Axel. Tumayo ito at may kinuha sa tabi ng table ko. Tab niya.
"Anong klaseng leads? " I asked habang patuloy pa rin sa paglipat ng mga papel.
"They are into something. Something illegal. " sumandal ito sa shelf. " Hindi na lang omega'ng highschool to college ang pinupuntirya nila. Even those are in elementary ay hindi na nila pinapatawad. "
Kumunot ang noo ko. What for?
"Ano naman ang mapapala nila sa mga bata? " tanong ni Rashid.
"Experimentation. Turning a beta into an omega or even into an alpha. Also they are trying to find the best omega's existing in this world. An omega that carrying the 'perfect gene' na makakakumpleto sa experiment nila. "
Napamura ako. "There are only seven dominant omega's existing. "
Tumango si Axel. "At hawak na nila ang isa sa pito. "
"Kapag hindi natin sila napigilan siguradong dadami na ang mga taong gagawa ng mga ganito. " ani Carlisle.
"We need to stop this. "
![](https://img.wattpad.com/cover/272799244-288-k744785.jpg)
BINABASA MO ANG
A Sylveria's Game (Pheromone Series #1)
FanfictionPheromone Series 1: A Sylveria's Game(BxB) Does anyone wants to play a game? Let's play a game. The rules are simple and easy. Don't ever lay a hand on what is mine and you will live. Kael Hunter, an omega who is dreaming of having a simple colleg...