Count Three
"Hi? " awkward kong bati sa kanila.
Nagkakatitigan kaming apat. Napaigtad ako ng lapitan ako bigla nung Hade.
"Im Hade Dela Costa and that guy he's Vein Del Valle. Pareho kaming omega. " anito saka ipinakita sa akin ang risk nila na may sign ng isang omega.
Ngumiti ako sa mga 'to. "Im Kael Hunter. "
Magsasalita pa sana siya ng may nauang nagsalita sa likuran ko.
"Ano pang ginagawa niyo dito? "
Tumayo kami at hinarap sila. Yeah, sila kasi madami-dami din sila.
Agad na kumunot ang noo ko. Bullies.
Hinarap ko sina Eres. "Go. Tumakbo na kayo. Sa itsura ng mga tarantadong yan hindi nila tayo pakakawalan. " bulong ko sa kanila.Umiling si Eres at Hade. "No. Hindi ka namin iiwan sa mga gagong yan. " ani Hade.
"But- "
"No buts Kael. " ani Eres.
Bumuntong-hininga ako. Mukhang hindi lang ako ang matigas ang ulo dito.
"Baka gusto niyo kaming isali sa usapan niyo? " hinarap ko ang nagsalita.
Ang angas ng pormahan mukha namang nilupak na shokoy. Napairap ako. "What do you want? " tanong ko habang binababa ang bag ko sa bench.
Nginisian ako nito at nilapitan. "Ikaw, matapang ka at mukhang palaban. I want you as my slave. "
Sarcastic akong ngumisi. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya ng subukan niya akong hawakan. "Eh ang kapal naman pala ng mukha mo. Slave? "
Sinamaan ko siya ng tingin. Nakita kong napaatras ito. "Sino ka ba huh? " nilapitan ko siya na agad naman niyang ikinaatras.
"L-Lumayo ka nga! Ano pang tinitingin-tingin niyo dyan? Hawakan niyo siya!? " gigil na sigaw nito sa mga kasama niya.
Bago pa makalapit sa akin yung isa ay sinapak ko agad ang mukha nito. Damn. Ang tigas ng mukha niya ah.
"Ikaw!! " ani ng sinapak ko at agad akong sinugod. Tinulak niya ako sa sahig. Nasa akmang susuntukin niya ako ng may-
"Yan lang ba kaya niyo? "
Napatigil ito ng may humawak sa kamay niyang ipansusuntok sa akin. "Isang omega lang ba ang kaya niyong labanan? "
"B-Bitawan mo k- Ahhh! " sigaw niya ng pilipitin ng lalaking yon ang kamay niya.
Napangiwi ako. Masakit yon.
Tumayo ako ng may lalaking tumulong sa akin. "S-Salamat. " i said to him na tinanguan lang niya.
Mula sa side part ng paningin ko nakita kong umiwas ng tingin si Eres sa aming dalawa. May problema ba?
Nagtatakbuhan na ang mga nilupak ang mukha ng ibalik ko ang atensyon ko sa harapan. Yumuko ako sa kanila. "Maraming salama- "
"Sa susunod wag kang umaktong matapang kung hindi niyo naman pala kaya. Omega ka lang. " aniya na nagpatigil sa akin.
Pagak akong ngumisi at hinarap siya. Pinagtaasan ko 'to ng kilay. " 'Omega ka lang?' eh ano naman ngayon kung 'omega lang ako?' Porque ba omega, mahina at walang laban? Hindi pwedeng lumaban? "
Nakita kong natigilan ang mga kasama niya. Maging ang lalaking nasa tabi ko. "Tell me then, anong gagawin ko kung di hamak na omega lang ako? "
Hindi niya ako sinagot. Inirapan ko ito at kinuha na ang mga gamit ko. "Next time, don't just underestimate someone lalo na kung hindi mo 'to lubusang kilala. " bulong ko sa kanya ng malapitan ko 'to.
Naiinis na umalis ako doon. Naramadaman ko namang sinundan ako nila Eres.
Nakakainis ang lalaking iyon. Akala mo kung sino.
----
Axel's POV
"Nakita niyo yon? " manghang tanong ni Carlisle sa amin.
Napailing na lang ako sa kanya.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganong katapang na omega. The heck with that omega? " dagdag pa niya.
Pasimple siyang ti-nap ni Rashid. Iba na kasi ang aura ni Damien. "Let's go. "
Nauna na 'tong naglakad at sumunod kami. Bawat daanan namin ay tumatabi o kaya naman malayo pa lang kami ay nagtatakbuhan na ang mga ito palayo sa amin.
"Ang hirap talaga maging gwapo. Malayo ka palang tinataguan ka na. " kahanginang yabang ni Rashid.
Sinamaan siya ng tingin ni Carlisle. "Pwede ba Rashid manahimik ka. "
Napabuntong-hininga ako. Mga bata. Ng makarating kami sa room na para sa amin ay kanya kanyang upo ang ginawa namin.
"Dadating pa ba yung prof nating malaki ang mata? "tamad na tanong ni Rashid.
Sumalampak naman ng subsob si Carlisle sa desk niya. "Katamad mag-aral. Hindi naman natin kailangan 'to. "
Nilingon ko si Damien ng ibagsak nito sa desk niya ang hawak niyang libro. Napatigil ang dalawa sa kakasalita.
"I need to find who is that guy. " aniya.
Napatigil kaming lahat at nagkatinginan. "Huh? " gulat na tanong ni Carlisle.
"Im quite interested to him. "
BINABASA MO ANG
A Sylveria's Game (Pheromone Series #1)
FanficPheromone Series 1: A Sylveria's Game(BxB) Does anyone wants to play a game? Let's play a game. The rules are simple and easy. Don't ever lay a hand on what is mine and you will live. Kael Hunter, an omega who is dreaming of having a simple colleg...