Count Eleven

67 6 0
                                    

Naglalakad ako sa hagdan paakyat sa third floor kasi nandon yung next class ko. Vein wasn't with me. Ang sabi nito ay may inaasikaso sila para sa gaganaping Foundation Day ng university.

Habang paakyat ako ay pinagtitinginan ako ng iba pang students. Hindi ko na lang sila pinansin at nagdire-diretso. Wala naman akong ginawa sa kanila kaya bakit ako magpapaapekto sa mga tingin nila.

Bago ako dumiretso sa room ay dumaan na muna ako sa cr para i-check ang sarili. Baka mamaya may kung pala sa mukha ko kaya nila ako pinagtitinginan, mas okay na yung sure 'no. Nang wala naman ay napabuntong-hininga agad ako.

Lalabas na sana ako pero nakarinig agad ako ng mga yabag at mga sigaw papasok sa cr. Wala sa sariling pumasok ako sa pinakadulong cubile para magtago.

Bakit ako nagtatago?

"Punyeta! Bilang na lang ang araw natin dito sa university. Anong gagawin natin ngayon?"

"Halata kong may alam na din sila sa ginagawa natin."

Huh? Pamilyar sakin 'yang boses na yun. Nakinig lang ako sa kanila, sa tingin ko ay nasa tatlo o apat sila.

"Hindi ba tayo pwedeng tulungan ni Boss?" tanong nung isa pa.

Narinig kong umingos yung isa. "Mukhang malabo. Lie low sila ngayon, may ibang nakamasid sa kanila."

Napakapit ako sa sarili ko ng marinig kong may nagbubukas ng mga cubicle. "Ano bang ginagawa mo dyan pre?"

"Tinitingnan ko kung may ibang tao mahirap na baka may nakikinig na pala satin." aniya na kinakaba ko. Alam ba niyang nandito ako?

"Patawa ka. Walang tao dito, kanina pa ako nakabantay dan sa labas bago tayo pumasok." sagot naman nung isa.

Narinig kong tumigil naman sa pagbubukas ng pinto yung isa pa kanina. "Sigurado ka pre ha."

"Oo, ano ka ba? Tara na nga, masyado kang paranoid. Dami-dami na nating problema e." anito at mukhang hinila na yung kasama niya papalabas ng cr.

Ilang minuto pa ako nanatili doon bago ako lumabas. Paglabas ko ay dumiretso agad ako sa classroom. Naabutan ko na papasok ng room si Vein kaya sumabay na agad ako.

"Anong nangyari sayo Kael?" tanong niya bago akong tingnan mula ulo hanggang paa.

"H-Huh?" kumapit ako sa kanya dahil parang nanghihina ako.

"Namumutla ka. May multo ka bang nakita?" tanong niya pa.

Sana nga multo na lang 'yon. Mukhang nakarinig pa ako ng dapat di ko na narinig pa.

**

"Sinasabi na nga ba may tao sa loob non e." nagsindi ako ng sigarilyo.

Mataman kong tinitigan mula sa rooftop ng kabilang building ang classroom na kinatatayuan ng omega na naamoy ko kanina sa cr.

Palibhasa mga beta ang kasama ko kanina kaya di nila napansin. Napaismid na lang ako, halata naman sa mukha niya na may narinig niya. I need to do something.

Napatigil ako ng pagharap ko ay nakita kong prente lang siyang nakatayo sa tabi ng pituan ng rooftop.

"I don't have any business with you." agad kong sabi dito.

Umiling siya. "Of course you don't."

I sighed. "What do you want?"

He looked at me. "Stay away."

Biglang nanghina ang katawan ko kaya napaluhod ako. Fuck!

"You know what I can do Samier. Don't you ever lay a hand on what's mine." bulong niya sa akin na di ko na napansin na nasa tabi ko na pala siya.

Damn it!

**

"A-Ano? Magpe-perform? Ako?"

Agad akong umiling kay Vein at sa iba pang member ng room officers sa amin. Pinag-ekis ko pa ang dalawa kong braso sa harap nila. "It's a big no. Please, pwede bang iba na lang?"

Pare-pareho silang nagkatinginan sa isa't-isa. Hindi ko kasi talaga kaya yung magperform sa harap ng maraming tao e. Napakamot na lang ako sa batok.

Nilapitan agad ako ng President ng room namin. "But Kael, isa ka na kasi sa nai-present namin sa mga Student Councils e."

Napangiwi naman ako. "P-Pero kasi--"

He hushed to shut me up. "Don'tya worry Kael, may mga kasama ka naman. You just need to perform to atleast 2-3 minutes just to represent our department."

I looked at Vein to asked for some help. He looked at me and shooked his head means wala siyang magagawa. I sighed in defeat. "O-Okay."

Napatalon naman sa tuwa yung President namin. "Yey, then it's settled. You and the others are gonna meet in the gym this afternoon around 4pm. You should go there, okay?"

Tumango naman ako. May magagawa pa ba ako? Napaupo na lang ako sa upuan ko ng makaalis na silang lahat. Napangalumbaba na lang ako at buong klase ay wala ata ako sa sarili ko. My mind was out of the world.

After class, katulad ng instructions sa akin nung President namin ay pumunta ako ng gumnasium. Mukhang hindi lang kami ang nandito dahil sa dami ng tao. Agad ko namang hinanap yung mga ka-department ko. And there I saw, Andrei, our President waving at me.

"Nandito kami Kael!" sigaw niya na ikinatingin nung iba pang students. Napayuko naman agad ako at nagmamadaling lumapit sa kanila.

"There. Now na kompleto na tayo, let's all get to know each other." Isa isa na nga kaming nagpakilala. Mostly pala ng mga makakasama ko ay beta at mukhang ako mga lang ang omega.

Ng matapos na ang pagpapakilala ay in-explain na sa amin nila Andrei ang mangyayari. Mahaba-mahabang diskusyon ang nangyari kaya naman imbis na makinig ay nakatingin lang ako sa iba pang mga departments na mukhang ganon din ang ginagawa.

"So, as part of the Student Council here is Vein Del Valle, to explain further information." ani Andrei.

Agad namang tumayo si Vein sa harap naming lahat. "Regarding to this Foundation Day Events, we are also required to participate. Ginawa 'tong event na 'to for everyone to know who is the founder of this university and also to thank. Ayon sa mga senior students here ay taon-taon nila 'tong ginagawa."

"I have a question." ani ng isa naming classmate.

Tumango naman agad si Vein. "And that is?"

"I heard a rumor about this foundation day events, sabi nila every year there's game that happened on the last day, totoo ba yon?"

A game?

Nagbulungan naman agad ang mga 'to. Nakita ko namang natigilan yung ibang Sopohomore na kasama nila Vein. "That game, walang sinabi sa amin about dyan. But we can ask to the seniors. We're gonna inform you soon." ani Andrei.

"But I heard it's true. Ang sabi pa nga, isa ang Ruthless Four sa nagsisimula ng game." bulong nung isa kong katabi.

"Pero isa pa sa narinig ko, it's not just an ordinary game. More like a hunting game." ani pa nung isa.

Biglang pumapalakpak si Andrei na medyo ikinagulat ko. "Okay. Enough of that."

At ayun nga, nagpatuloy na lang kami sa pagdi-discuss and bukas din ay magsisimula na ang practice.

A game huh?

A Sylveria's Game (Pheromone Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon