Count Two

92 5 0
                                    


Count Two

Nagbuga ako ng hininga bago ko inayos ang sarili ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam 'to.

"Are you excited na ba pumasok kuya?" tanong ni Kem na nakaupo sa kama ko.

Humarap ako sa kanila. "Do I look okay?"

Tiningnan nila ako simula ulo hanggang paa at pabalik. "Yeah. You look okay naman po. "

Bumuntong-hininga ulit ako.
"Kinakabahan ako. " bulong ko sa sarili ko.

Nilingon ko si Kean ng hawakan nito ang kamay ko. "Kuya be careful okay?"

Lumuhod ko sa harapan niya at ginulo ang buhok nito. Tumango ako. "Okay. I promise. "

Sabay sabay na kaming bumaba. Pagbaba namin ay naabutan namin sina papa na inaabangan na ako.

"Nandito na ang sasakyan mo Kael. Don't worry nasabi ko na sa driver na ibaba ka sa tagong part ng parking lot. "ani dad.

Ngumiti ako sa kanila. "Thank you dad "

Nilingon ko si papa ng lapitan ako nito. "Kael. Mag-iingat ka sa school na yon. Kung maaari lang iwasan mo ang mga alpha sa paligid mo. "

Hinawakan ko ang kamay ni papa. "Opo papa. Mag-iingat po ako doon. "

Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na. "Manong nandito na po ba yung mg gamit ko? "

Tumango naman si manong. Nag-wave ako kila dad bago ako pumasok sa saksakyan.

----

"Totoo bang magpapakita ngayon ang ruthless four? "

"Ruthless four? Sino yon? "

"Nandyan na sila! "

Tumindi pa ang bulungan sa paligid ng may apat na kotse ng tumigil sa harapan ng main gate. Gandang entrance nan ah?

Unang lumabas ang nasa unahang tatlong sasakyan. Kanya-kanyang tilian ang naririnig ko. Sakit sa tenga!

"Hindi ba yan si Rashid Cortez? " rinig ko pang bulungan ng iba.

Tatalikod na sana ako ng magkaroon ng nakakabinging katahimikan sa paligid. Mabilis kong nilingon ang tinitingnan ng lahat.

May kakaibang aura ang isang iyon. Isang tingin pa lang sa kanya ay masasabi kong isang dominant alpha ang isang 'to.

Kusang nagkaroon ng pathway ang kumpulan ng mga students. Napatulala ako sa kanilang apat dahil sa aura'ng inilalabas nila ay kusang kumikilos ang lahat. Sumusunod ang mga ito kahit hindi mo utusan. Iba talaga ang nagagawa ng isang dominant alpha.

Nagkibit-balikat na lang ako at lumayo sa lugar na iyon. Wala akong panahon para titigan ang mga katulad nilang puro yabang lang.

----

Napaupo ako sa pinakamalapit na bench na nakita ko. Bumuga ako ng hangin at sinandal ang likod ko sa bench.

"Nasaan ba kasi ang registration office dito? Napakalaki naman kasi ng school na 'to. " reklamo ko sa sarili ko habang hinahampas ang nangingimay kong mga tuhod.

Kanina pa kasi ako paikot-ikot dito. Wala rin ni isang students ang gustong kumausap sa akin. Nakakainis sila.

I sighed. "Im tired. "

Ipinikit ko ang mga mata ko. Agad ko din iyong naimulat ng may malamig na bagay ang dumikit sa pisngi ko. Sinalubong ako ng isang nakangiting mukha.

"Hello sayo. " nakangiti nitong bati sa akin habang naka-wave pa. Umupo siya sa tabi ko at ibinigay sa akin ang malamig na tubig na dala niya.

"Ako nga pala si Eres. Eres Silva. " pagpapakilala niya sa akin.

Umayos ako ng upo. "Im Kael. Kael Hunter. "

Nakita kong natigilan ito. "Hunter? Does that mean na- "

Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Yeah. Anak nga ako ni Kaiden Hunter. Wag kang maingay please. "

Tumango naman siya. "Huwag kang mag-alala safe sa akin yon. "

Kaunti lang ang nakakakilala kay dad dito sa pilipinas. To be exact ang mga taong makakakilala sa kanya ay ang mga taong nasa parehong posisyon niya. Malamang na ganun din itong si Eres.

"Kael, saan ka nga pala pupunta? Kanina pa kasi kita nakikita na palakad-lakad. " tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Hinahanap ko registration office. Kukunin ko yung id at sched ko. " paliwanag ko sa kanya.

"May dorm room ka na ba? "

Tumango ako.

"Eres! "

Nilapitan kami ng isang humahangos na lalaki. "Ikaw na lalaki ka! Bakit ba ang hilig mong mawala na lang ng parang bula? Kanina ka pa namin hinahanap ni Vein. " sunod-sunod na sabi niya feeling ko mawawalan na siya ng hininga.

"Told'ya nas paligid lang siya. " sabi naman ng isang lalaking nakasalamin at may hawak na libro.

"Pwede ba Vein shut that mouth kung wala namang matinong sasabihin? " ani ng lalaking tumatakbo kanina.

Tiningnan naman siya nung Vein. "Sayo ko dapat sinabi yan Hade. Dapat takpan 'yang bibig mong walang preno. "

Mag-aaway na ba sila?

"Hey. Stop that. Nakakahiya naman kay Kael. " awat ni Eres dito.

Agad namang napunta sa akin ang atensyon nung dalawa. Awkward akong ngumiti.

"Hi? "

________

A/N: Wooh?! Super duper late na UD. Sorry na busy lang. HAHAHAHA

A Sylveria's Game (Pheromone Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon