***
"Master, nasa basement na po ang mga bagong specimen." saad ng isang men in black.
Tumango-tango naman ang tinawag nitong Master. "I understand."
Kinuha nito ang isang wine glass na may lamang alak at ininom ito. Pinaikot niya ang laman nito habang nakatingin sa isang malaking monitor sa harapan niya.
Sa malaking monitor at nagpapakita ng iba't-ibang information ng iba't-ibang omega. Nakikita dito ang edad at kung saan 'to makikita.
"I need those omega. Saan niyo sila itinatago?" tanong nito sa sarili.
Alam niya ang mga omega na hinahanap niya ay nabibilang sa mga pamilyang may mga kapangyarihan kaya naman nahihirapan silang makumpleto ang kanilang experiment.
Napatingin siya sa isang pinto na malapit sa kanya. Tumayo siya at naglakad papalapit dito. Bumuntong-hininga ito bago pumasok doon.
Iisang bagay lang ang ipinunta niya roon. Ang binatang tahimik lang at walang malay. Nasa loob ito ng isang malaking capsule na puno ng tubig na sinusuportahan ng mga aparatos na nakakabit dito.
"My angel. Kaunti na lang. Kaunti na lang at magagamot na din kita. Just wait, okay?" pagkausap niya dito na akala mo ay sasagot.
Nakarinig siya ng pagkatok mula sa pinto. Hindi na siya nag-abala pang lingunin 'yon. "Ano 'yon?"
Tumikhim muna ang lalaki bago sumagot. "Master, may bisita po kayo. Nandoon na po sila ngayon sa guest area."
"Sila?" muling tanong niya.
"Opo master." sagot naman ng lalaki.
Muli niyang tiningnan ang binata na nasa capsule bago 'to tumalikod para lumabas.
**
"Mukhang nakapasok na sila. Ayos lang ba ang lahat?" tanong ng isang mid-30s na lalaki sa lalaking nakaupo sa isang swivel chair at nakaharap sa computer nito.
"Yeah, sa ngayon." sagot naman nito. Nilingon niya ang lalaki at nginitian ito.
Bumuntong-hininga ito bago tumingin sa monitor na nasa harapan niya. "Nag-aalala ako. Hindi ako mapalagay."
Agad naman humarap sa kanya ang nakaupong lalaki at hinawakan ang mga kamay nito. "Everything is gonna be okay, hmm? Let's just wish na sana ay maging successful 'to. Isa 'to sa unang hakbang para mailigtas natin ang anak natin."
"I know hon. It's just that marami ng tao ang nadadamay pati sina— " bago pa niya maituloy ang sasabihin ay narinig niyang may nagsalita sa monitor, isang boses ng babae.
'Calm yourself right there El. We are doing this for the sake of our sons. Sa tigas ng ulo ng mga anak natin kailangan din nating gumawa ng paraan para matulungan sila.'
Tiningnan niya ang asawa na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. Ngumiti siya bago muling humarap sa monitor. "Thank you Melie."
'Ano ka ba? Basta soon manugang na tayo you know.' ani pa nito at tumawa.
Napailing na lang siya dito. "And you." Hinarap niya ang asawa niya. "Thank you hon. I love you."
"I love you too—"
'Huy ang cheesy naman. Hey hubby, I love you!' ani ng babaeng si Melie at mukhang may kasama 'to.
Nakarinig sila ng tikhim. 'I love you more wife.'
'Huy kinikilig ako. Wait lang hubby pa-kiss nga!'
Napailing na lang pareho ang dalawang lalaki sa kanilang naririnig.
Son, be careful. Dahil malapit na silang gumawa ng hakbang para makuha ka, na hinding hindi ko papayagan.
**
Kael's POV
Napahikab na lang ako sa sobrang boring ng klase. It was my first day here, pero di ko akalain na sobrang boring pala. Tumingin ako sa labas ng bintana, ang sarap matulog.
"Mr. Hunter, are you interested to go the outer space at nakatunganga ka dan?"
Napaigtad ako ng nasa tabi ko na pala ang prof namin sa major subject ko. Nginitian ko ito. "Hindi naman po Sir."
Tinaasan ako nito ng kilay. "Is that so?" tanong niya pa kaya naman tumango na lang ako.
Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa pagtuturo. Nilingon ko si Vein na tahimik lang sa tabi ko at mukhang nakikinig talaga.
Nilapitan ko 'to at binulungan. "Vein, ano nga ulit subject 'to?"
He look at me. "Obligation and Contract."
Napatango ako. Oblicon pala kaya naman pala mukhang strict yung professor namin. Nagkibit-balikat na lang ako at nakinig na lang.
After ng class ay lumabas na kami ng room ni Vein. Sabi niya ay magpi-picnic daw kami nila Eres sa garden. Sumunod na lang ako sa kanya kasi naman di ko pa din saulo 'tong buong campus.
"Vein! Dito dali kayo!" rinig kong sigaw ni Hade.
Nakaupo na ito sa isang malaking kumot at may basket na din na katabi 'to. Nandoon na din si Eres. Ngumiti ako sa kanila.
"Hey, kamusta first day?" tanong ni Hade.
Nagkatinginan kami ni Vein. "Boring." sabay pa naming sabi. Nagulat pa nga ako. Kasi akala ko interested talaga siya sa klase kanina.
"Same. First day pa lang pero parang papatayin na agad ako ng mga prof ko. Bakit ba kasi kilala nila parents ko e?" naiinis na reklamo ni Hade.
Natatawang kumuha ako ng sandwich bago ako tumingin sa kanya. "Why?"
Si Eres na ang sumagot. "Kilala kasing magagaling na doctor sa buong Asia yung parents ni Hade. His family is in medical field lahat kaya di na nakakapagtaka na ganon din dapat siya."
Napatango-tango naman ako. "So what kind of doctor yung parents mo Hade?"
Uminom siya ng juice before he answered. "Daddy is a General Surgeon and while my Papa is a Obstretician and Pediatrician." aniya.
"Wow. I guess you are proud." ani ko pa.
Ngumiti naman siya ng napakalawak. "Of course I was and thankful din ako kasi di nila ako pine-pressure."
Bigla kong naalala sina Dad at Papa. Kamusta na kaya sila?
"Same with me sa parents ko. They are so open to everything na gusto kong gawin. Kaya thankful din talaga ako na sila ang parents ko." sabi ko pa sa kanila.
Ng tinginan ko sila ay nakatingin sila sa akin. "B-Bakit?"
Ngumiti naman agad si Eres. "Miss mo na sila 'no?"
Tumango naman agad ako. "Yeah."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "It's okay. Pwede naman natin silang bisitahin anytime e. I know miss ka na din nila."
Maya-maya pa ay naramdaman kong nakayakap na silang lahat sa akin. And I smiled.
BINABASA MO ANG
A Sylveria's Game (Pheromone Series #1)
Fiksi PenggemarPheromone Series 1: A Sylveria's Game(BxB) Does anyone wants to play a game? Let's play a game. The rules are simple and easy. Don't ever lay a hand on what is mine and you will live. Kael Hunter, an omega who is dreaming of having a simple colleg...