Count Ten

53 6 0
                                    

It's been a week since that incident happened. Pero ni-isa ay wala akong maalala. Hindi ko alam ang nangyari sakin or doon sa mga kupal na sinubukan akong saktan.

Wala talaga akong maalala kahit anong gawin ko. Nang imulat ko na lang yung mata ko, nasa loob na ako ng kwarto ko. Eres, Vein and Hade was there. Tinanong ko sila kung anong nangyari, pero wala silang sinagot na matino.

"Anong nangyari?" tanong ko ng magising ako. Tumingin ako kay Eres na nasa tabi ko.

He sighed. "We also don't know. Narinig namin na sinubukan kang harasin nila Gideon after that wala na." umiwas agad 'to ng tingin sa akin.

Sinubukan ko pang magtanong pero di na din siya nagrespond pa sakin. May tinatago kaya sila?

Bumuntong-hininga na lang ako. Sa loob din ng isang linggong yon ay parang may iba sa katawan ko. I know to myself na walang nangyari sakin at doon sa kupal na 'yon pero I can sense another pheromones on me that time nang nagising ako.

It wasn't with Gideon dahil mukhang beta siya. Pero sino?

Napapikit na lang ako ng kumirot ang sintido ko. It's not good for me to think so much. Isinandal ko ang katawan ko sa puno at napapikit na lang.

"Ano ba talaga kasi ang nangyari? Wala akong maalala." bulong ko sa sarili ko.

Umihip ang hangin. Ang sarap matulog kapag ganito.

"Hey."

Napamulat ako ng may tumabi sa akin. Kumunot naman agad ang noo ko. Anong ginagawa nito dito?

"Ikaw yung isa sa tinatawag nilang Ruthless Four di ba?" tanong ko dito bago umusod palayo ng upo sa kanya.

Natawa 'to sa ginawa ko. "Don't act na parang may germs ako, grabe ka ha."

Napairap na lang ako. "Cut the crap, may kailangan ka ba sakin?"

Mas lalo lang siyang natawa. "Pareho pala kayo ng ugali." bulong niya na hindi ko gaano narinig. "Wala naman akong kailangan."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Eh anong ginagawa mo dito? It's not like I have a business with you."

He sighed before he shakes his head. "Well, I just want to say, you better take care yourself ahead of time. You never know what might happened tomorrow."

Natigilan naman ako. "Is it you?"

He looked at me. He shakes his head. "It's for you to figure it out. So, I'm gonna go."

Ayun lang ang sinabi niya at tuluyan ng umalis.

'You never know what might happened tomorrow.'

Napatigil ako ng may maamoy akong pamilyar na pheromones sa paligid. It was that smell, yung pheromones na naamoy ko before ako tuluyan na mawalan ng malay, ayun din yung pheromones na naamoy ko after kong magising.

Tumingin ako sa paligid pero wala akong makitang tao. Naghahalucinate lang ba ako?

Napakapit ako sa dibdib ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What is wrong with me?

**

"Where have you been Carlisle?" agad na tanong ni Axel ng makapasok ako sa private room namin.

Umupo ako sa sofa at binuksan ang isang coke in can before I answer him. "Just there to do some little errands."

He looked at me. "Nakita mo ba si Damien?"

Napangisi ako. "I guess nakabantay siya kay Kael Hunter."

Before ako umalis don, sigurado akong nandon na siya I can feel his gaze habang nakikipag-usap ako kay Kael. Mukhang tinamaan na ng tuluyan ang leader namin.

Nakita kong umiling si Axel. "I know what you're thinking Carlisle."

Nagkibit-balikat lang ako at uminom. Pareho kaming tumingin sa pinto ng pumasok doon si Rashid na may hawak na mga folder.

Umupo siya sa katapat kong sofa. "Shit that informations, muntik pa akong mapasabit sa mga pulis."

Natawa naman ako. "Dapat kasi nagpatulong ka na lang sa Uncle mong General."

He shooked his head. "Damien instructed me not to. We should go on our on way mahirap na din na baka malaman pa ng mga magulang natin. You know what they can do."

"By the way, nabura niyo na ba yung mga CCTV footages doon sa lumang building?" tanong ni Rashid.

Bigla kong naalala yung nangyari nung araw na yon. "Yeah, naayos ko na." sagot ni Axel.

Agad akong napalingon sa pinto ng bumungad doon si Damien at si Kael na balot ng damit ni Damien. Wala 'tong malay.

Agad kong tinuro yung kwarto na ipinahanda sa akin ni Axel. Ibinigay ko na din ang mga gamot sa kanya at inutusan ako nito lumabas na agad.

Naghintay kami doon ng halos tatlong araw bago lumabas si Damien. Mukhang nasa tapos na ang heat nito.

"Ginawa niyo ba ang inutos ko sa tatlong 'yon?" tanong niya sa amin.

"Yeah. Nasa basement sila ngayon. Do you want us to do something?" ani Axel.

"No. I'll do that myself." malamig na sagot nito.

I looked at Damien. May nagbago sa kanya. Kung normal na scenario lang 'to sigurado akong aakto lang siyang walang pakialam at patay malisya sa paligid niya.

Napabuntong-hininga na lang ako ng maalala ko na naman 'yon. Hanggang ngayon talaga ay nagtataasan pa rin ang mga buhok ko sa katawan. Damien was really ruthless, in a brutal way. .

A Sylveria's Game (Pheromone Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon