Prologue

219 10 0
                                    

Prologue

"Tangina— ano ba? Bitiwan mo nga ako?!" naiinis kong bulyaw sa kanya dahil hanggang ngayon ay hawak niya pa din ang kamay ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Pwede ba itikom mo 'yang bibig mo kahit saglit lang?"

Natahimik naman ako pero inirapan ko muna siya. Aba? Sumusobra na kaya siya.

Makalipas ang ilang minuto.

"Ano? Wala na ba sila?" tanong ko sa kanya.

He glared at me. Agad namang kumunot ang noo ko. "Why?" tanong ko.

"Kasalanan mo 'to?! Kung hindi mo sana sinimulan 'tong pesteng laro na 'to edi sana tahimik ang buhay ko at— "

Natahimik ako sa pagsasalita ng bigla na lang niyang takpan ang bibig ko gamit ang kamay niya. Infairness bango ng kamay niya ah.

Nakarinig pa ako ng mga yabag mula sa kabilang pader kung saan kami nagtatago.

"Saan ba nagsusuot ang pesteng omega na yon?!"

Kumunot ang noo ko. Aba't ang kapal ng mga mukha niyong mga unggoy kayo para tawagin akong peste. Aalma sana ako ng diinan ng lalaking ito ang pagkakatakip sa bibig ko.

"Manahimik ka kung ayaw mong halikan kita." he whispered in my ears na nagpatigil sa akin.

"Bro, naamoy niyo ba yun?"

Saglit na natahimik ang paligid. Maya maya pa ay—

"Tangina— may isang miyembro ng ruthless four sa paligid! Umalis na tayo!?" sigaw ng isa.

Nakarinig kami ng sunod sunod na mga yabag papalayo. Ng wala na akong marinig na kahit ano ay sinubukan kong alisin ang kamay niya sa bibig ko dahil hindi na rin ako makahinga ng ayos.

"Don't. Hindi pa nawawala ang amoy ng pheromones ko sa paligid. Baka kung anong mangyari sayo." he said.

Pero dahil matigas ang ulo ko ay pilit kong inalis ang kamay niya. Ng maialis ko ito ay agad kong naamoy ang kakaibang bagay.

Is this his pheromones?

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumilis ang tibok non. Bumigat din ang paghinga ko kasabay ng pagkakaluhod ko sa lupa.

W—Why?

"I told you. Iba ang epekto ng pheromones ko sa iba. Ang tigas talaga ng ulo mo." he said.

Lumuhod siya sa harapan ko. Iniangat niya ang mukha ko. Nakita ko ang paglunok niya.

"Fuck!" mariin niyang mura.

Nawawala na ako sa katinuan. Dahan-dahan akong tumayo at itinulak siya dahilan para tuluyan siyang mapaupo sa sahig. Umupo ako sa harapan niya at ikinawit ang dalawa kong braso sa leeg niya. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

Then I whispered. "I—I feel hot—hmm... help m-me."

I feel his arms holding my waist. "Don't you dare regret this Hunter."

Umiling ako sa kanya. Hindi ko na kayang labanan ang sarili ko. "D—Damien... mn."

"Fuck it?!" he cursed before he grabbed my nape and smashed his lips against mine.


A Sylveria's Game (Pheromone Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon