Chapter 1

461 9 0
                                    

School Club

Nandito ako sa tapat ng Boys University, itong university ay para lamang sa mga lalaki.

Sikat na sikat ang Boys University dahil sa katalinuhan ng mga studyante dito, hindi ako nag atubiling mag enroll dito dahil hindi naman ako ganoon kahina sa pag aaral.

Agad na akong pumasok sa school kasabay ng iba pang kalalakihan.

Ako lang halos magisa sa waiting area at walang kausap.

Matapos akong makapag enroll ay diretso ako sa room 306 na itinuro sa akin ng registrant, hindi kaagad ako nakapag pa enroll noon dahil sa family problem. Late na ako nakapag enroll kaya mataas ang room na papasukan ko.

Wala namang problema sakin pero ang inaalala ko yung mga kaklase ko.

Agad akong sumakay ng elevator. Bihira ang taga probinsya na makapag aaral dito, mahal ang tuition kada sem. Kaya sa scholar ako umaasa.

Lumipas ang ilang minuto at natapos nadin ang pag iisip ko ng mga bagay bagay ay narating ko na ang floor kung saan nandun ang room ko, ang room 306.

"303, 304, 305 and 306" nasa tapat na ako ng aking room, huminga ako ng malalim at tsaka ko binuksan ang pintuan.

"Thank you classmates and....." natigil ang isang lalaki sa harapan sa pag sasalita.

Nag si tinginan ka agad sila sa akin, nahiya man ako ngunit kailangan kong lakasan ang loob ko.

Bandang gilid ay nandoon ang prof namin, mukang 28 years old palang ito, maskulado at hapit ang suot niya at nakasalamin ito, matangkad ito at mistiso.

"Im sorry sir, Im late" hindi ako kaagad kumilos dahil agad pumunta si prof sa table at may binasa siya.

"So you are Mr. Santos, newly enrolled, you can now come in" sabi ni Sir.

Dumaan ako sa gilid at nakita ko ang isang bakanteng upuan, at sa tabi nun ay may katabi ako, medyo maskulado pero tama lang sa pangangatawan ng studyante.

Tumabi ako sa kanya at nagsimula na akong humarap sa pisara.

Tahimik ang buong klase habang nagsasalita ang nasa harapan.

Pinapakilala nila ang kanilang sarili at nakikinig naman ako.

Medyo nakaka kaba dahil mukang seryoso silang lahat.

Napukaw ng pansin ko ang isang lalaki na ang pangalan ay Max Dela Tore, maputi siya at matangkad, ayos ang hair style at mukang mabango. Nakatira siya sa Marikina, pero mas pinili niyang mag aral dito sa Makati. CEO ang tatay niya, ang kompanyang Data transparency. Sikat ito at sila ang maker ng Flash drive at ibang hard drive, pero di ko alam na siya ang anak nito lalot hindi gaanong maingay ang pamilya ng mga Dela Tore. Kahit media walang ibinabalita dito. Dahil malaki ang impluwensya niya sa buong bansa.

Mahal ang bawat produkto nila kaya naman ang mga mayayaman lang ang nakakabili nito.

Napukaw din ang attensyon ko sa sumunod na lalaki.

Siya si Rex Dela Tore, magka apelyido sila at duon ko nalaman na mag pinsan sila. Magkapatid ang tatay ni Max at Rex.

At natapos na ang ilang studyante ay ako na ang susunod.

Nakayuko akong pumunta sa harapan at tsaka ako umayos ng tingin.

"Ahmm, Hi, My name is Ethan Santos Im 18 years old and I lived in Bulacan, Bulacan, My Mom and Dad are separated and I was just poor " sabi ko at pagtatapat ko.

Walang tumawa sa kanilang lahat at tsaka na ako umupo.

Naging busy ang lahat dahil madami kaagad na activities na pinagagawa

School ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon