Chapter 1
Bar
"What the fuck?!" I immediately took a step backward when I felt his hand on my boob.
"What?" he asked cluelessly at sumubok pa ulit na halikan ako.
Muli akong umatras. "That's where I draw the line!"
"Come on, Xuri! That's only second base..."
Tinaasan ko siya ng kilay. "But I don't do second base," I said and walked away.
Gelo was right! That Class D guy is such a fuck boy! I gave him the benefit of the doubt because he has an angelic face and angelic name! He's on top of my list of crushes this semester! I can't believe that he touched my boob! Halikan lang ang usapan!
"Oh, ba't ang asim ng mukha mo?" Gelo asked when I came back at the cafeteria.
Gelo is my best friend in the whole world... Along with Cali and Cat.
"Class D kid... 'Yong Christian? Christian pa naman ang pangalan niya pero manyak pala!" sabi ko at tumabi sa kaibigan.
Gelo's eyes widened. "Manyak? Bakit? What did he do?!"
"He touched my boob! Pero nakalayo naman agad ako sa kanya. He's so out of the list!"
Agad siyang napatayo at kitang-kita na galit siya. "He touched your what?! Bakit parang ang simple lang sa 'yo? Xuriella naman!"
Mabilis kong hinabol si Gelo dahil parang galit na galit talaga siya. Oh my God. Mali ba na sinabi ko pa sa kanya ang nangyari?
"Hoy, Christian! Bakit mo ginawa 'yon kay Xuri?!" Gelo yelled and immediately threw a punch, pero siya lang din iyong nasaktan doon.
Kitang-kita ko ang pang ngiwi ni Gelo sabay tingin sa kamao niya.
Agad tumawa si Christian pati iyong mga tropa niyang tiga Class D.
"Tanginang suntok 'yan! Suntok bakla!" natatawang sabi ni Christian. "Gusto mo atang ikaw ang hawakan ko, eh! Kadiri!"
Nagpantig ang tainga ko sa mga narinig. How dare he insult Gelo? No one can insult my Angelo!
Mabilis akong lumapit at sinampal siya. "Shut up, you disgusting, homophobic, piece of shit!"
Halos hiningal ako sa sinabi. We're inside my room now and my blood was literally boiling. Kaya siya nasa Class D! Aside from not being that smart, his personality sucks!
Kadiri? Mas kadiri siya!
"I told you, Class D boys are no good. Hindi ka kasi nakikinig na gaga ka!" sermon sa akin ni Angelo Darius Tan.
If he isn't gay, he's probably on my list of crushes. Gelo is handsome and I'm not joking. His subtle brushed up hair suits him very well. Sobrang linis din niya sa katawan. Dagdag pa na matalino siya.
Both of us are in Star Sapphire Class or the Class A here in our school, Sapphire Academy.
"Oo na, sorry na nga... Hindi na ako mate-tempt next time. Promise!" sabi ko habang nilalagyan ng ice pack iyong kamao niya kasi ang sakit-sakit daw. Makapal siguro iyong mukha ni Christian. Sabagay, obvious naman.
"Hindi ka na nadala roon sa nangyari kay Cali," sabi pa ni Gelo.
Naalala ko tuloy bigla no'ng nakipagsuntukan ang buong Star Sapphire boys sa mga Class D boys dahil sa pambabastos kay Cali.
I crossed my arms. "Nawawala kasi lagi sa isip ko na sila pala iyong tipo ng mga lalaki na puro titi ang ginagamit at hindi utak!"
Gelo laughed and throw a pillow at me. "Siraulo! Kahit sino kasing guwapo, pinapatulan mong haliparot ka!"
BINABASA MO ANG
Gamble On You
Romance(Sapphire Boys Series #1) Xuri Ocampo only wants to have fun and make out with no strings attached. But when she feels a romantic tension between her and her gay best friend, Gelo, this is where the confusion starts. Lalo na at ayaw naman nitong um...