Chapter 4

6.8K 519 2.1K
                                    

Please use the hashtag #GambleOnYouWP if you're going to tweet/post about this story. You may also tag me @cailameneses on twitter and instagram.

2.2k comments to unlock next chapter~

Chapter 4

List

"So, sino na nga ang number 1 sa list?" Gelo asked.

Gumagawa kasi siya ng pogi list. Mayroon daw kasing ginawang list iyong kapatid niya na nag-aaral sa Garnet Academy at hindi raw siya papatalo roon.

I suddenly remembered the time when he told us that they are three siblings in their family. Iyong dalawa raw ay 100% beki na at iyong isa naman ay 50% pa lang.

At alam kong isa siya roon sa 100 percent!

Talagang desidido si Gelo sa list. Kailangan ay mayroon din daw na para sa mga tiga Sapphire Academy!

"Just don't put that Jaxith guy," Cali said.

Pang ilang beses niya na iyong sinabi! Agad kaming nagtinginan ni Gelo.

"Ayie!" sabay na sabay naming tili.

"Crush mo?" tanong ko pa.

I mean, Jax really looks like the crush ng bayan type of guy! Smart, good looking, friendly even!

"Ew, no!" Cali said right away. Na parang diring-diring talaga!

"Defensive!" si Gelo naman.

"How about you, Cat? Sino ang crush mo?" tanong ko sa nananahimik na si Cathaline. Kahit sa pogi list ay wala siyang ambag!

Naningkit ang mga ni Gelo. "Ayie! Theo!"

"E-Excuse!" Cat said and crossed her arms. "I don't have a crush!"

In denial pa itong mga ito!

"Hay nako, Cathaline!" sabi ko pa habang umiiling.

"Hay nako, Xuriella!" bawi niya.

"Hay nako, Calixta!" sunod naman ni Gelo.

"Hay nako, Angelo!" sabay-sabay naman kami nina Cat at Cali roon.

Tawa kami ng tawa pero natigil iyon nang maalala ko iyong ginawa no'ng mga tiga Class B kay Cali. Iyong Claire, Violet, at Jenny.

"Cali, pag may ginawa ulit sa iyo ang mga iyon, sabihin mo sa amin!" I told her.

Tumango-tango naman si Calixta.

Itinaas agad ni Gelo ang kamay niya. "Handang manabunot!"

Natawa ako at nagtaas din ng kamay. "Handang manampal!"

"Ikaw, Cat?" tanong pa ni Gelo kay Cathaline.

"I'm a sharp shooter," aniya at napanganga na lang kami.

"Not to that extent!" agad kong sabi. "Wala bang iba?"

"I-I can do karate?" Cat said.

When we had a free time, I was busy looking at Gelo's pogi list at ikinumpara ko iyon sa sariling listahan. I absentmindedly put Chance on the top of my list!

Well... In my defense, we're not in the same class anymore! Class B na siya! Though we are in the same course but still!

I actually thought that we could hit it off. But the chemistry suddenly vanished into thin air. Biglang wala. Hindi na niya ako kinukulit o madalas na kinakausap. Wala naman iyong problema sa akin pero hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong nararamdaman?

Lalo na ngayon na halatang may gusto siya kay Cali. He was all over her, sobrang obvious. Bagay din naman sila.

Agad kong binura ang pangalan ni Chance at pinalitan iyon ng iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gamble On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon